KINAUNAGAHAN ay hindi na nagpaalam si Liam sa dalawang babaeng nasa kabilang silid na siya ay lalabas saglit upang mayroong bilhin at mayroon puntahan saglit. Nang saglit siyang tumungo sa silid nito ay narinig niyang nag-iiyakan ang dalawa. Nasaktan siya nang sobra, para kay Piper at para kay Luisa na itinuri niya na ring kaibigan. Kaya naman nagdesisyon siyang puntahan si Dylan. Nais niya itong makausap at paliwanagin ang madumi nitong pag-iisip tungkol sa mga nangyari. Hindi pa man siya nakapipihit ng door bell ay saktong pagbukas ng pintuan ng unit ni Dylan. Iniluwa nito ang kaibigan. “Dylan, let’s talk.” “Wala nang dapat pag-usapan pa, Liam.” Hinatak nito ang isang maleta. Saka ni Liam napagtanto na paalis ito ng unit. “Aalis ka? Saan ka pupunta? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?”

