Chapter 11

1160 Words

"Saia! Kinakabahan ako!" Mahinang natawa si Saia sa reaksyon ni Courtney. Hindi ito mapakali kalalakad. Pabalik balik pa ito sa harapan niya. Nasa dressing room na sila at maya-maya lang ay sasabak na sila, for the first time, sa stage. Hinawakan niya sa magkabilang braso si Courtney. "Chill lang, okay? Kaya mo yan. Nandito naman kami. Kakayanin natin ito. Smile ka." Nginitian niya ito. Pilit namang ngumiti si Courtney. Natawa na lang si Saia at ginulo ang buhok ng kaibigan. "Wag ka nang nerbyusin. Kontrolin mo. Baka iyan pa ang magpahamak sa yo mamaya. Masyado kang kinakabahan," paalala niga rito. Tumango tango si Courtney at agad na nag-inhale exhale. "Kaya natin ito!" sulpot ni Ericka. Nagkatinginan silang tatlo. "Kaya natin ito!" sabay sabay nilang sabi at saka nagkatawanan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD