Hindi na mabilang ni Saia kung ilang tupa na ang kanyang binilang para lamang makatulog pero wala pa rin talaga. Sa inis ay marahas siyang bumangon. Tiningnan niya ang kanyang wall clock at mag aalas dose na iyon ng madaling araw. Nasapo ni Saia ang kanyang noo at inis na umalis ng kama. Bumaba siya at uminom ng malamig na tubig. Bumuntong-hininga siya at napatukod sa lamesa ng dining. Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nakatanga roon hanggang sa magdesisyon siyang lumabas para magpahangin. Sobrang tahimik na ng buong subdivision. Siya na nga lang yata ang gising pa e. Bumuntong-hininga siya at nilanghap ang sariwang hanging yumayakap sa kanyang katawan. Ikinalat niya ang tingin sa buong subdivision. Iyong mga bahay na tinutuluyan ng mga kapwa niyang contestant and halos lah