Kinabukasan ay tulala at walang gana si Saia. Ramdam na ramdam pa niya ang mga kakaiba at makahulugang tingin ng mga ito sa kanya. Parang gusto ng mga itong magtanong pero hindi lang makapagtanong. Alas siyete silang sinundo ng kanilang bus papunta sa ANH building. Bukod sa wala siya sa mood ay wala pa rin siyang tulog. Wala naman siyang choice kundi ang mag-comply. Kailangan niya ito. Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Medyo rush hour kaya natagalan din sila bago makarating sa building ng ANH. Pagkarating nila roon ay agad din silang pinapunta sa conference room. Doon naghihintay na si Dee sa kanila. Isa isa silang pinaupo ni Dee. Nang makaupo na silang lahat ay tumayo si Dee. Bakas sa mga ngiti nito na good mood ang kanilang manager. "Good morning, top 10!" masayang bati nit