Gabi na nang makarating sina Saia sa kanilang tinutuluyan. Mabuti na lang at hindi nakarating kay Dee ang naging sagutan nila ni Kiera, kung hindi ay baka napagalitan na naman sila. Good mood pa naman ang kanilang manager. "Saia, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Courtney kay Saia. Nasa couch sila at nag-uusap lang. Hindi pa sila nakaramdam ng antok. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina. Bumuntong-hininga si Saia. "Okay lang ako," sabi niya na lang. Nagkatinginan sina Courtney at Ericka. Yumuko lang si Saia. Binalot sila ng katahimikan. Ilang minuto rin silang nanatiling ganoon hanggang sa nagdesisyon si Saia na tumayo na. "Tulog na tayo," sabi niya na lang sa dalawa. Bahagya pang nagkatitigan sina Courtney at Ericka bago bumuntong-hininga at sumunod na rin sa kanya. Nauna