Chapter 7

3076 Words

Kinabukasan ay tinipon ulit silang mga contestant sa studio ng ANH. Maaga silang sinundo ng bus doon sa village. Laking pasalamat ni Saia at hindi nila kasama sa bus ang Lights Out. Laking problema na naman pag nangkataon. Problema na nga iyong kagabi dahil panay ang kulit sa kanya nina Courtney kung bakit daw siya umalis. Nagpalusot na lang siya na nahihiya siya kahit na sobrang lamya noon. "Oh my gosh. Ano kayang sasabihin sa atin ngayon no? Nako! Nakaka excite na nakakakaba!" Dinig niyang tili ni Courtney. Bumuntong-hininga na lang siya at sumandal sa glass window ng bus. As usual nakaupo sila sa pinakahuling row ng upuan. Rush hour at traffic pa kaya mas matagal silang nakarating sa ANH building. Nakatulog na nga siya at lahat pero pagkagising niya ay papasok pa lang sila sa daan p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD