"One, two, three and!" Pagkahampas ng drums ay agad na kumanta si Keira. Lahat sila ay napaindayog sa beat ng kanta nito. Nang tapos na si Keira ay nagtransition naman ang kanta papunta sa part ni Genevive. May pagkapareha ito sa beat ng kay Keira. Nagbago lang ang atmosphere nila nang pumasok na si Ericka. Hindi mapigilan ni Saia ang mapangiti sa kaibigan. She's just so confident in singing the song. Idagdag pang bumagay talaga ang boses nito sa areglo na nilagay nina Phil. Pati si Phil nga ay nadala sa pagkanta nito at with feelings ding hinahampas ang drum set. Okay naman sana lahat hanggang sa umabot sila part ni Aila, ang third to the last. Nasa kalagitnaan ng pagkanta ang dalaga nang biglang sumenyas si Duke na tumigil. Agad naman tumigil ang mga instrumento. Humarap si Duke