"Okay, I think that's good for now. Let's call it a day." Malapad na ngumiti si Courtney nang sinabi iyon ni Duke. Nag-stretch pa ito at humikab. Natawa na lang si Saia sa kaibigan. Sabay silang tumayo. "Sai, tara na. Kain muna tayo mamaya pa namab tayo susunduin," sabi nito sa kanya. Bahagya pa siyang nag-alangan at napatingin kay Duke. Tiningnan lang siya ni Duke na nag-aayos ng mga music sheets. "Uhm sige mauna ka na lang may iko-consult lang ako kay Duke." Tipid na nginitian niya ang kaibigan. Ngumuso naman si Courtney at tumango na lang. "Okay, sige una na ako, a," sabi nito. Saia just nodded. Umalis na rin naman si Courtney. Bumuntong-hininga siya at tiningnan na lang ang pagsarado ng pinto ng studio. Bahagya lang siyang napaigting nang maramdaman ang dalawang kamay n