Hindi malaman ni Saia ang gagawin nang makarating siya sa bahay na tinutuluyan nila ng dalawang kaibigan. Agad siyang nagkulong sa kanyang kwarto at humagulgol ng iyak. "Saia! Uy Sai! Sai, tara na! Nandiyan na iyong bus!" "Saia! Oh my god ano bang nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba?" Halos kalampagin na nina Ericka at Courtney ang kanyang pinto nang hindi siya sumagot. Nanatiling nakayakap si Saia sa kanyang unan habang umiiyak. Hindi siya pwedeng makita ng mga ito. "Saia! We'll call help na!" Agad siyang naalarma sa sinabi ni Courtney. Bigla siyang napatayo at agad na pumunta sa may pinto. "C-Courtney, okay lang ako. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko." Kinagat niya ang labi at huminga nang malalim. "What? You want us to call a doctor or something?" Nanlaki ang mga ma