"Thank you! Bukas ulit!" Malapad na ngumiti si Kiarra sa mga auditionees. Inilapag niya ang microphone tsaka tumalikod at hinarap ang mga kasama. Isa-isang tumayo ang mga miyembro ng Lights Out at kinawayan ang mga auditionees. Ilang sandali pa ay sinenyasan na sila ng mga staff na aalis na. Inalalayan sila ng mga bouncers papuntang backstage ng auditorium kung saan naghihintay si Dee. "Bravo! Bravo!" Agad na bungad ng manager nila pagkarating doon. Pulakpak pa ito at malapad na ngumisi. Umirap lang si Maena at sina Kein at Phil naman ay umiling-iling na lang. Si Duke ay hindi ito pinansin at agad na sumalampak sa waiting chair na nakalaan para sa kanila. Bumuntong-hininga si Kiarra at umupo rin sa katabing upuan ni Duke. Napatitig siya sa kawalan. Agad namang napansin ni Maena i