Lumipas ang ikalawang araw ng audition at hindi lumabas ng dorm si Saia. Simula noong nakita siya ni Kiarra sa CR ay palagi na siyang kinakabahan sa tuwing lumalabas kahit na pumapasok lang siya. Tuloy pa rin naman ang klase nila pero once na nakapasa ka sa audition, mapipilitan kang huminto dahil ang makakapasa ay dadalhin na sa lugar na pagdadausan ng music camp. It's the third day at hindi siya mapakali habang nag-aayos. Kailangan niya pa ring pumasok dahil mamaya pa naman ang audition. Wala na siyang kawala. She has to do this. Last day na at kailangan na talaga niyang mag-audition. Kailangan niya ring galingan para makapasok. Gusto man niyang hilingin na wag siyang makapasok para makaligtas sa possibleng pagkakasama ulit nila ng banda ay hindi pwede. She needs money. She needs this.