Chapter-9

1502 Words
"Ako unang nakakita sa kanya pare. Humanap ka ng ibang babae diyan!" Galit na saad ng lalaking nambabastos sa kanya kay Harvey. Sinulyapan niya si Harvey na nakatuon ang atensyon sa lalake. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga nito at galit na mga mata nitong nakatingin sa bastos na lalake. "Huwag kang bastos! Huwag kang mamilit ng babae!" Mariing saas nu Harvey sa lalake. "Pakialamero!' Galit na saad ng lalake saka tinaasa ng kamao nito para suntukin si Harvey. Napatili siya at napaatras palayo sa takot. Hindi naman umabot kay Harvey ang suntok ng lalake dahil nakailag ito at isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Harvey na agad nagpatumba sa lalake sa sahig. Mabilis na ring nagsilapitan ang mga tao nakakita sa nangyayari, pati bouncer lumapit na rin. Nanatili naman siyang nakatayo sa di kalayuan at kay Harvey nakatuon ang mga mata. Nangyari na ganito noon sa kanila ni Harvey nang mabastos rin siya sa kabilang bayan nang mamasyal silang patago nito. Naipagtanggol at naprotektahan siya nit Harvey katulad ngayon. "Are you ok, Ava?" Tanong ni Harvey sa kanya. Napa angat ang kanyang ulo nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Bakit kanina Miss lang ang tawag nito sa kanya. Ngayon mukhang kilala na siya nito. "Ok lang,' tugon niya sabay tango habang nakatingin sa gwapong mukha nito. 27 na si Harvey ngayon, pero parang walang nagbago sa itsura nito, para pa rin itong 22 years old, pero mas gwapong version, mas malakas ang appeal. "Salamat, Harvey," pasalamat niya rito. "Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Harvey asked her. Binuhat na rin ng mga bouncer ang lalake palabas ng bar. Bumalik na rin sa pagsasata ang mga tao loob ng bar. "No, I didn't know him. Kararating ko lang at hinahanap ko ang kaibigan ko, nang lapitan niya ko bigla," paliwanag niya rito. Tumango ito sa kanya. "Next time, mag-iingat ka,' Harvey said. Tumango siya at muling nagpasalamat rito. "Have fun,' Harvey said at akmang tatalikod na para iwan na siya nang pigilan niya ito. "Harvey sandali," pigil niya sa lalake na agad namang huminto sa paglalakad at sinulyapan siya. "Ah... Eh... Tinawag mo ko kanina sa pangalan ko. Naalala mo na ba ko?" She asked. "Ah?" Kunot noong tanong nito sa kanya na tila ba naguguluhan pa ito. "Bisita kita kagabi sa party sa bahay ko. Doon kita nakilala, right?" Tugon nito sa kanya. "Ah... ," tanging nasabi niya at nanatiling nakabukas ang kanyang bibig. May gusto siyang sabihin pero walang salitang lumabas sa kanyang bibig. "See you around. Enjoy the night," Harvey said nang wala na siyang masabi rito. Tumango na lang siya nagpatuloy na ito sa paglalakad palayo. Sinundan na lang niya ito ng tingin habang palayo ito. Humugot siya nang malalim na paghinga at magtutuloy na sana sa paghahanap kay Jacqueline nang makita niyang lumapit si Harvey sa isang babae. Kahit may kalayuan at medyo madilim na sa banda roon, nakilala pa rin niya ang babae. Iyon ang babaing tumatawag na babe kay Harvey. "May girlfriend na siya. Move on," bulong niya sa sarili at laylay ang mga balikat na lumakad na para hanapin ang mesa nila ng kaibigan. Malungkot siyang lumapit sa mesa na kinauupuan ng kaibigan. Umiinom na nga ito at walang kaalam-alam sa na encounter niya kanina. Mabuti na lang talaga at dumating si Harvey. Paano na lang kung wala si Harvey. Baka tuluyan na siyang nabastos ng lalaking iyon. "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo?' Tanong ni Jacqueline sa kanya sabay lagay sa basong may laman ng alak sa tapat niya nang maupo siya. "Parang hindi naman pang bar iyang mukha mo, Ava. Parang pang biyernes santo eh," saad nito. "Kanina ka pa ba?' Tanong niya. Hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan. "Sakto lang. Nakaubos na ng isang baso," tugon nito. Tumango na lang siya at hinanap ng kanyang mga mata si Harvey. Baka kase nasa tabi-tabi lang ito at kasama ang girlfriend nito. Pag nakita ng kaibigan niya si Harvey tiyak na makikilala nito agad iyon. "May gulo yata kanina,' saad nito. Hindi siya kumibo. Busy ang kanyang mga mata sa paghahanap kay Harvey. "Hoy!" Sita ni Jacqueline sa kanya sabay bato ng tissue. "Aray!" Reklamo niya sa kaibigan. "Hindi kita niyaya rito para malungkot no. Andito tayo para magsaya. Para maghanap ng bagong Papa," biro ng kaibigan sa kanya. "Wala akong planong maghanap ng Papa," tugon niya rito. "Sus... Ano ka ba naman Ava. Limang taon nang wala si Harvey sa atin. Baka nga may asawa na siya ngayon. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang umasa pa na babalik siya. Na magkakabalikan pa kayo," litanya ng kaibigan sa kanya. Lagi naman ganito ang linyahan ng kaibigan sa kanya sa tuwing nais nitong maghanap na siya ng bagong lalake sa kanyang buhay. Mula kasi nang maghiwalay sila ni Harvey, wala na siyang naging boyfriend pa. "Jacqueline, pang isang daang beses ko na yatang narinig sa iyo iyan!" Iling ulong saad niya at hinila ang basong may lamang alak saka na siya nagsimulang uminom habang malikot pa rin ang mga mata niya sa crowd. "Ava, may hinahanap ka ba? Kanina pa kasi malikot ang mga mata mo. Sino ba ang hinahanap mo?" Usisa nito. Sinulyapan niya ang kaibigan. Tutal nabuksan na rin ang usapan tungkol kay Harvey, sasabihin na niya rito na bumalik na si Harvey sa San Juan at magkapitbahay na sila. Alam naman ni Jacqueline ang lahat nang nangyari sa kanila ni Harvey noon. Isa pa wala naman siyang ibang masasabihan kundi ito lang. "Jacqueline," seryosong tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Lumalim ang kunot nito sa noo. "Ano ba iyan. Nakakatakot naman," saad nito. Palabiro ang kaibigan niya, kaya nga natutuwa siya pag kasama niya ito, kahit papano nakakalimot siya sa kanyang problema. "Harvey is back,' she said. Hindi agad nakapagsalita si Jacqueline sa sinabi niya. Nanatili itong nakatingin sa mga mata niya. "Seryoso?' Jacqueline asked her matapos siyang titigan ng matagal. Tumango siya rito. "Yes. And magkapitbahay na kame," tugon niya. Nakita niyang nagulat ito at nanlaki pa ang mga mata sa kanyang sinabi. "Magkapitbahay? Sa De La Cerna Subdivision?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jacqueline. Lahat naman silang nakakakilala kay Harvey nagulat sa pagbabago ng buhay nito. "Yes. He is now a billionaire,' tugon niya sa kaibigan na napasinghap pa nang marinig ang kanyang sinabi. "Billionaire?! As in billionaire?!" Bulalas nito sa kanya. Sunud-sunod na tango ang kanyang naging tugon sa kaibigan. "Paanong nangyari iyon, eh mas mahirap pa siya sa akin noong college siya? Paano siya naging bilyonaryo sa loob lamang ng limang taon?" Magkasunod na tanong nito sa kanya. Bagay na iyon din ang tanong niya at ng kanyang buong pamilya. Kung paano nangyaring mas mayaman na yata si Harvey kesa sa kanila. "I don't know, and may mas worst pa diyan,' she said. "Ano? May asawa na siya?' Tanong nito. Iniling niya ang ulo. Sigurado naman siyang walang asawa si Harvey, dahil kalat na single daw ito. Hindi lang siya sure kung ano ang relasyon ni Harvey sa babaing kasa-kasama nito. Baka side chick lang or whatever. Lalaki kasi ito, at baka hindi kayang walang babae sa tabi. "Single siya," tugon niya sa kaibigan. "Oh. Interesting eh,' Jacqueline said at dumampot pa ng maiinom na tila ba naging exciting ang lahat rito. "Baka bumalik para sa iyo friend. Naka dahil sa iyo kaya rin siya nagpakayaman ng ganon,' kinikilig nitong saad sa kanya sabay hawak pa sa kamay niya. "Hindi eh,' saad niya habang iniiling ang ulo. "Paanong hindi?" Kunot noong tanong nito. "Hindi niya ko kilala. Hindi niya ko maalala," tugon niya. Lalong lumalim ang kunot nito sa noo habang nakatingin sa kanya. Nagbukas pa ito ng bibig, pero walang salitang lumabas rito. "Dalawang beses na kaming nagkita, at ganun pa rin parang hindi niya alam kung sino ako sa buhay niya before,' saad niya. "Ano iyon? Amnesia?' Kunot noong tanong nito. "I don't know," she said. Dahil sa tensyon na rin dinampot niya ang kopita at inubos ang laman. "Walang ganon friend. Obvious na galit sa iyo si Harvey or sa buong pamilya mo. At nagpapanggap lang siyang hindi ka niya kilala para makaganti sa iyo, sa inyo. Now that he is billionaire, who you na daw kayo sa kanya," litanya nito sa kanya. Napalunok siya. Parang ganon rin naman ang sinabi ng Daddy niya sa kanya na galit si Harvey sa kanya, at gumaganti lang ito, kaya nagkukunwaring hindi siya kilala. Pero paano kung hindi? Alam naman ni Harvey na minahala niya ito ng totoo, at walang kinalaman sa ano mang ginawa ng Daddy niya rito noon. Habang malalim ang iniisip niya at naghahanap ng isasagot kay Jacqueline. Isang malakas na sipa sa paa ang naramdaman niya. Napa ouch pa siya at sinulyapan si Jacqueline na siyang sumipa sa kanya. Ngumuso ito kaya naman agad niyang tinignan ang nginuso nito sa kanya. Nakita niya si Harvey na tila palapit sa kinauupuan nila ni Jacqueline kasama ang babaing lagi nitong kasama. Napalunok siya at kumabog ng malakas ang kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD