Chapter-10

2119 Words
"F*ck! Si Harvey De Guzman nga!" Bulalas ni Jacqueline nang nasa malapit na sa table nila si Harvey. Mabilis niyang pinigilan ang kaibigan dahil baka marinig sila ni Harvey at isipin pa na excited silang makita ito. "Chill," bulong niya kay Jacqueline. Nagtaas naman ito nang kilay habang hindi inaalis ang mga mata sa grupo ni Harvey na palapit na ng palapit sa kanilang table. "Don't look at them," saad niya kay Jacqueline. "But, why? Kilala naman niya tayo, maniwala ka diyan," Jacqueline said. "No!' She said. Nagulat na lang siya sa sunod na ginawa ng kaibigan. Hindi na sana sila mapapansin pa ni Harvey nang bigla itong tumayo at tinawag si Harvey na agad namang napalingon sa kinauupuan nila ni Jacqueline. "Hey," Harvey said at lumakad palapit sa kanila ni Jacqueline. Inis niyang sinulyapan ang kaibigan na nakangisi naman sa kanya. Hindi tinago ni Jacqueline ang pag simangot nang kasamang lumapit ni Harvey sa kanila ang babaing kasama nito. "Ava, are you ok now?' Tanong sa kanya ni Harvey nang lapitan sila. Hindi tinago ng babaing kasama nito ang pagtaas ng kilay sa kanya at pasulyap sa suot niya. Kumpara naman sa suot ng babae na medyo mag pagka OA na tila ba may dance showdown ito mamaya sa gitna ng dance floor, eh mas hamak na mas maganda at elegante ang suot niya. Simple pero nagsusumigaw ang lakas ng dating. "Ah... Yeah, yeah... Thanks nga pala," kabado niyang tugon kay Harvey. "Siya ba iyung babaing binastos kanina?" Tanong ni babaing kasama ni Harvey na hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan at kung ano ang papel nito sa buhay ni Harvey. Although hindi naman siya interesado pa. "Yeah, siya nga,' tugon ni Harvey at muli siyang sinulyapan nito. "Hi, I'm Clau, and I'm the bar manager here. I want to apologize sa nangyari kanina," saad ng babae sa kanya. Mukha naman itong sincere sadyang hindi lang niya gusto ang tingin nito sa kanya. Halata kasi sa mga mata nito ang kaplastikan. Ito pala ang manager sa bar, baka naman si Harvey ang may-ari ng bar, katulad ng mall sa bayan na ito ay ito rin ang may-ari. Hindi naman imposible iyon, mayaman na si Harvey. "It's ok," tanging tugon niya sa babae. Wala na siyang nais idagdag pa dahil halata naman na plastik ang kaharap. Isama pang ni hindi nga nito magawang alisin ang kamay sa braso ni Harvey, na para bang may aagaw kay Harvey mula rito. Tumikhim naman si Jacqueline na nakaupo sa isang tabi. Marahil kinukuha ang atensyon niya para maipakilala ito kay Harvey o mabigyan ito ng pansin ni Harvey. Hindi naman nabigo si Jacqueline dah nalipat ang mga mata ni Harvey rito. Kaya naman hindi na sinayang pa ni Jacqueline ang pagkakataon. Tumayo ito at mabilis na nagpakilala kay Harvey. "Hi, I'm Jacqueline, do you remember me?" Pakilala ni Jacqueline na may kasamang pa cute, tila walang pakialam sa babaing nakapulupot kay Harvey. Bago pa makasagot si Harvey may lumapit na waiter sa mga ito at bumulong sa babae na agad namang nag paalam kay Harvey. This time kailangan na nitong alisin ang kamay sa braso ni Harvey para makaalis ito. Binulungan pa ng babae si Harvey at isang tango naman ang naging tugon ni Harvey. May kalakasan ang musika sa paligid kaya wala siyang marinig sa bulungan ng mga ito. Bago tuluyang umalis ang babae masamang tingin pa ang pinukol sa kanya. Hindi na lang niya ito pinatulan muna. Baka kase hindi naman siya nito nakikilala pa. "Ehem....," Jacqueline said. Kinukuha ang atensyon ni Harvey na sa kanya pala nakatingin. "Harvey, this is my friend, Jacqueline," pakilala niya sa kaibigan kay Harvey na agad namang nalipat ang mga mata kay Jacqueline. "Yeah, I remember you," Harvey said nang sulyapan si Jacqueline. Napakunot ang noo niya. Paano nito nakilala si Jacqueline, tapos siya hindi siya nito makilala. "Same school I guess," saad pa ni Harvey kay Jacqueline na lumalim ang ngiti at lalo pang nagpa cute kay Harvey. Ganito naman talaga ang kaibigan kahit noon pa, alam niyang hindi nito aakitin si Harvey dahil alam ng kaibigan kung gaano siya nabaliw nang iwan siya bigla ni Harvey. "Yes, Harvey. Classmate and bestie ko naman si Ava, your ex girlfriend," Jacqueline said na kinagulat niya sa kaibigan. "Jacqueline!" Mabilis niyang saway rito ay pinandilatan niya ng mga mata ang kaibigan. "Ang sabi mo kase hindi ka niya maalala, eh bat ako nakilala niya," Jacqueline said na obviously nais nitong maiparinig kay Harvey ang naging usapan nila kanina. :Jacqueline!" Muli niyang saway sa kaibigan at sinulyapan si Harvey na sa kanya nakatingin. Seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may lungkot siyang nakita sa mga mata nito, pero saglit lang iyon at bumalik ang malamig na mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Ava," tawag sa kanya ni Harvey na kinagulat pa niya. Napalunok siya dahil tila may kakaiba siyang naramdaman nang banggitin nito ang pangalan niya. Hindi lang niya maipaliwanag kung ano. Pero aaminin niyang napakasarap sa pandinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan, parang musika iyon sa kanyang pandinig na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanyang buong pagkatao. Napatingin sila pareho ni Jacqueline kay Harvey habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin sa kanya. Napanganga pa siya dahil nais niyang magsalita, walang salitang lumabas sa kanyang bibig. "Can we talk, privately," saad nito sa kanya. Pakiramdam niya huminto saglit ang kanyang paghinga sa sinabi nito, habang nakatingin sila sa isat-isa. "Ah... Yeah, yeah....," utal niyang tugon at sinulyapan ang kaibigan na nakatitig pa rin kay Harvey. Nakabukas pa ang bibig nito na para bang naglalaway sa kagwapuhan ng kaharap. Pasimple niyang tinampal ang bibig ng kaibigan para isara na nito at baka tumulo na ang laway nito sa kakatitig kay Harvey. "Hindi tayo makakapag-usap dito, masyadonh crowded at maingay sa paligid," saad nito sa kanya. "Ah...," tanging nasabi niya. "Sa itaas may VIP room. Pwede tayo doon mag usap, Ava," saad nito. Napalunok siya sa muling pag banggit nito sa pangalan niya. "Sige,' tugon niya habang halos hindi na siya makahinga sa kaba at mabilis na t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit abnormal pa rin ang kanyang dibdib pagdating kay Harvey, kahit limang taon na ang lumipas. "Excuse us,' paalam pa ni Harvey kay Jacqueline na napatango na lang habang tulala pa rin kay Harvey. Iba na kasi ang datingan ni Harvey ngayon. Kung noon gwapo, malakas na ang appeal at crush ng campus, mas lalo na ngayon. Mas gwapo na ito at lalo pang lumakas ang s*x appeal nito. Lalaking-lalake ang datingan nito. Sumunod siya kay Harvey sa sinasabi nitong VIP room sa 2nd floor ng bar. Malaki ang bar at mukhang ginastusan ng husto. Baka nga si Harvey ang may ari. Although wala siyang idea na nais ni Harvey ang ganitong klasing negosyo, lalo na noong kabataan naman nito hindi ito mahilig sa bar. Kahit nang maging sila, never niyang narinig na nagpupunta ito sa bar. Tahimik sa loob ng VIP room, hindi ganun kaliwanag ang paligid. Mula sa itaas tanaw ang mga nagkakasiyahan sa ibaba. May mini bar roon na may ibat-ibang alak, pero walang bartender na naka assign, baka self service ang pag inom ng alak doon. "Drinks?" Tanong ni Harvey sa kanya habang palapit ito sa may mini bar. Siya naman para ma distract nag kunwari siyang interesado sa natatanaw niya sa ibaba. Silang dalawa lang kasi ni Harvey sa loob ng silid. Alam niyang VIP, pero hindi niya expected na silang dalawa lang talaga. "Ah.. Yeah, iyung mild lang," tugon niya nang sulyapan ito ng mabilisan. Tumango naman sa kanya si Harvey. "Don't worry, hindi ka nila nakikita sa ibaba. One side mirror iyan," Harvey said nang mapansin siyang lumayo ng bahagyan sa salamin. "Oh!' Tanging saad niya. "I didn't expect to see you here, Ava,' saad nito sa kanya. Ewan ba niya sa tuwing binabanggit nito ang pangalan niya, parang lumulukso ang kanyang dibdib sa excitement. "Niyaya lang ako ng kaibigan kong si Jacqueline," tugon niya. "And also me, hindi ko alam na magkikita tayo dito," saad niya na habang nakamasid sa ibaba para mabawasan ang kaba niya. Lalo kasing tumitindi ang kaba niya pag nakatingin sa kanya si Harvey. "Here, for you," napapitlag siya nang nasa tabi na pala niya si Harvey at iniaabot ang isang kopita sa kanya. "Mild lang iyan, walang tama,' saad pa nito sa kanya. "Ah... Thanks,' pasalamat niya at tinanggapa ng kopita. Pansin niya ang panginginig ng kanyang mga kamay sa pagtanggap sa kopita, sana na lang hindi iyon napansin ni Harvey. "First night pa lang ng bar, hindi no expected na ganito na karami ang pupunta, and also hindi ko alam na pupunta ka Ava,' saad nito habang nakatingin sa mga taong nagsasaya sa ibaba. Tiningala niya ito at pasimpleng sinulyapan ang kagwapuhan nito habang ang atensyon nito ay nasa ibaba. Kung hindi sila naghiwalay ni Harvey ano na kaya ang estado ng kanilang relasyon ngayon? Ikakasal na kaya sila? O baka naman mag asawa na sila, lalo na't mayaman na ito ngayon at paniguradong tanggap na ito ng pamilya niya. "Ava," nagulat siya sa pagtawag nito sa kanya at hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kanya. "Tinatanong kita kung magkakilala nga ba tayo noon?' Tanong nito sa kanya. "Ah.. Eh..' tanging saad niya. Baka kanina pa siya nito kinakausap at hindi siya sumasagot dahil nga busy siya sa kakatitig rito at pag-iisip sa nakaraan nila. Bakit ba kailangan pa nitong itanong sa kanya ang ganoong bagay, wala ba talaga itong maalala pagdating sa kanya? Hindi ba siya nito naaalala? Of all people siya ang napili ng memory nito na kalimutan? Bakit? Dahil sa gulong nangyari sa kanila noon? "Ah... Yeah... We're close before..." kabado niyang tugon rito. "Ah.. I see," Harvey said at mas lalo siya nitong tinitigan. Napalunok siya at wala sa loob na napainom sa kopitang hawak niya. "Gaano tayo ka close before? Ganito ba?" Tanong nito at nagulat na lang siya nang hilahin nito ang kanyang magkabilang balikat at bigla siya nitong tinulak sa salamin naroon. Lumapat ang kanyang likuran sa salamin, saka naman nito isiniksik ang katawan nito sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin kay Harvey na walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "Harvey..... What... are you doing?" Garagal ang kanyang tinig na tanong rito. "Nothing, nais ko lang makumpirma kung gaano tayo ka close noon," tugon nito sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha pababa sa kanyang labi. Nag iba ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung dahil sa alak na nainom o dahil sa pagkakalapit nila ni Harvey sa isat-isa. Nasasamyo niya ang mainit nitong hininga. Amuy na amoy rin niya ang mabango nitong cologne na lalong nagpapahirap sa kanyang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito at kung bakit ganito ang kilos nito sa kanya ngayon. "It's seems I remember everything now," saad nito sa kanya na sa labi naman niya nakatingin. Sasabog na yata ang kanyang dibdib sa kaba. Hindi na rin siya makahinga ng maayos. Malamig sa VIP room kaninang pagpasok nila, pero ngayon ramdam na niya ang init sa kanyang buong katawan. "Harvey....," habol hiningang tawag niya rito dahil sa kaba. Hindi na rin niya napigilan ang pagtaas, baba ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. May kalakihan pa naman ang kanyang dibdib. "We used to date didn't we, Ava? We shared a special moment when we were both young. But, your dad unfairly separated us," Nagulat siya sa sinabi nito. Kung ganon umaarte lang ito na hindi siya nito kilala mula nang magkita sila nito. Ang galing ng akting nito at napaniwala siya nito. "You told me na hindi mo ko kilala!' She said. "Sino ba naman ang makakalimot sa isang magandang babaeng katulad mo Ava. Kahit kailan hindi kita nakalimutan, Ava. At bumalik ako ng San Juan, para sa iyo," tugon nito sa kanya at lalo pang siniksik ang katawan nito sa kanya. Na eskadalo siya, dahil may naramdaman siyang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita. "Gey off!" Mariin niyang saad rito. Lalo namang siniksik pa ni Harvey ang katawan nito sa kanya at nagyuko ito ng ulo para abutin ang kanyang labi. Sinubukan niyang umiwas, pero mahigpit nitong hinawakan ang kanyanb mukha, para hindi na makaiwas pa. Wala na siyang nagawa pa nang angkin nito ang kanyang labi. Hindi lang basta halik iyon, dahil ramdam na ramdam niya ang diin at lalim sa pag halik nito sa kanya. Naroon ang pait at poot, puno ng galit na nais sumabog sa tagal nitong kinimkim. Limang taong galit ng lalaking una niyang minahal ang sasabog na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD