Pilit siyang nanlaban habang halos isiksik ni Harvey ang katawan nito sa kanya, habang sakop nito ang kanyang labi. Parusa ang halik na ginagawad sa kanya ng lalake. Parusa mula sa lalaking una niyang minahal at umaasa siyang babalik pa ito para sa kanya, para maayos pa sana ang naging gusot sa kanilang pagsasama noon.
Hinihingal at habol ang kanyang paghinga nang pakawalan ni Harvey ang kanyang labi. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalake. Na agad hinawakan ang labi nito habang malisyosong nakatingin sa kanya.
Pakiramdam naman niya namantal na ang kanyang labi sa sobrang diin ng halik nito sa kanya.
"Limang taon ang lumipas, pero wala pa ring nagbago sa iyo, Ava. Masarap pa rin at napakatamis pa rin ng iyung labi," saad nito sa kanya na puno ng pagnanasa.
"Bastos!" Asik niya. Umigkas ang kanyang kamay para sampalin ito para sa kalapastanganan nito sa kanya, ngunit hindi pa man umaabot ang kanyang palad sa pisngi nito nahuli na nito ang kanyang kamay na mahigpit nitong hinawakan. Tumili siya sa sakit. Hindi pa nakontento si Harvey, tinaas nito ang kanyang kamay sa kanyang ulo habang nakadikit sa salamin.
"Ano ba!" Asik niya, pilit siyang nanlalaban. Sinubukan niyang kalmutin ito gamit ang isa pa niyang kamay nang huliin rin iyon ni Harvey at itinaas rin sa kanyang ulo, saka mahigpit na pinigilan ang mga iyon.
"Harvey ano ba!" Asik niya. Wala na siyang kamay na maipanlalaban rito. Sukol na siya nito. Ano bang laban niya rito masyado itong malakas kumpara sa kanya.
"Akala mo ganon ko na lang makakalimutan ang ginawa sa akin ng pamilya mo huh, Ava!" Mariing saad nito sa kanya habang halos kahibla lang ang layo niya ng kanilang mga mukha. Halos madurog naman ang kanyang katawan habang sa sobrang pagkakadikit nito sa kanya, na obvious naman na sinasadya nito. Pati ang iparamdam nito sa kanya ang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita ay parang sinasadya rin ni Harvey.
"Bitiwan mo ko Harvey!" Hiyaw niya habang sinusubukan pa rin niyang makaalis rito. Hindi na rin kasi niya gusto ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan dahil rito.
"Stop doing that, sweetheart. Mas lalo mo lang ginagawang kumplikado ang lahat sa atin,' kalmado nitong saad sa kanya. Mukhang hindi nito nararamdaman ang tensyon na kanyang nararamdaman ngayon. Hindi marahil ito kinakabahan o nag-iinit sa kanilang pagkakalapit.
"Bitiwan mo na ko Harvey! Itigil mo na ang larong ito!" Saad niya ay sinulyapan ang mga tao sa ibaba na patuloy pa rin ang kasiyahan. Sana na lang talaga hindi sila nakikita ng mga tao sa ibaba. Sana lang talaga totoong one sided mirror ang salamin na kinasasandalan niya
"Hindi na ako ang dating Harvey na kilala mo Ava,' Harvey said. Tumingin siya rito at nakita niya kung paano nag shift ang mga mata nito from pagnanasa kanina to galit na ngayon. Yes, galit ang nasa mga mata nito. Napalunok siya. Pakiramdam niya binalot siya ng takot habang nakatingin sa mga mata ni Harvey. Napakalayo na sa mga mata nito noon, na kung tumingin sa kanya ay puno ng pagmamahal, ngayon puno na lang ng galit ang kanyang nakikita.
"Sino ka ba talaga? Sinabi mo noong una tayong magkita hindi mo ko kilala!" Saad niya kahit kinakabahan. Tinigil na rin niya ang panlalaban para makawala. Totoo naman kasi ang sinabi ni Harvey na nagiging kumplikado ang lahat. Dahil sa bawat pag galaw niya lalo lang dumidikit ang mga katawan nila sa isat-isa. Bagay na nakakadagdag sa init na kanyang nararamdaman.
"Well, ginawa ko lang iyon para makuha ko ang atensyon mo. Panigurado kase na aalis ka once na makita mo ko. At least sa pagpapanggap ko na hindi kita kilala, hindi mo ko agad iniiwasan," tugon nito sa kanya.
"Ibig sabihin sa simula pa lang kilala mo na ko at nagpapanggap ka lang!" Inis niyang saad. Naiinis siya dahil naniwala na pa naman siya na baka hindi na nga siya makilala ni Harvey. Kung anu-ano na pa naman ang pumapasok sa isipan niya. Iyon pala pinaglalaruan na siya nito.
"Yes, sweetheart," tugon nito sa kanya.
"Pwede ba Harvey! Don't call me sweetheart! I'm not your sweetheart!' Asik niya rito. Noon pa man sweetheart na ang endearment nito sa kanya. At ngayon na wala naman na sila hindi na siya nito dapat tawagin pang sweetheart.
"Saka please bitiwan mo na ko! Nasasaktan na ko," pakiusap niya rito at reklamo.
Ngumisi naman si Harvey sa kanya, saka mas lalo pa nitong nilapit ang mukha sa mukha niya. Nais man niyang umiwas, hindi siya makaiwas rito. Sukol na siya nito.
"Alam mo ba kung bakit ako bumalik ng San Juan huh Ava?" Tanong nito sa kanya at mas lalo pang lumapit sa kanya. Iniwas niya ang labi nang ibaling sa kaliwa ang kanyang mukha. Naramdaman niyang dumampi ang labi nito ng bahagya sa kanyang pisngi. Bahagya lang peri naghatid na sa kanya ng bolta-boltaheng kuryente sa kanyang buong katawan, lalo na sa ibabang parte ng kanyang katawan.
Mariin niyang pinikit ang mga mata. Hindi naman niya nakikita si Harvey pero ramdam niyang nakangisi ito na tila enjoy na enjoy sa nangyayari.
"Bumalik ako ng San Juan, Ava para ipamukha sa pamilya mo lalo na sa Daddy at Kuya mo na nagkamali sila ng taong binangga at minaliit noon,' may diing saad ni Harvey sa kanya. Kahit hindi niya ito nakikita ramdam niya ang sakit sa sinabi nito.
"Hindi na ako ang dating Harvey na walang laban sa pamilya, Ava. Ibang Harvey na ito. At kahit wala na tayo, nais ko pa ring ipakita sa kanila kung sino na ako ngayon! Nais kong makita sa kanilang mga mata ang pagsisisi sa lahat ng ginawa nila sa aki,!' Mariing saad nito sa kanya na puno ng galit.
Hindi niya napigilang lingunin ito para sulyapan. Nakita niyang mabalasik ang mukha nito. Puno ng galit ang mga mata nito. Puno ng pagkasuklam, puno ng paghihiganti. Hindi niya naiwasang matakot kay Harvey. Ngayon niya napatunayan na hindi na nga ito ang Harvey De Guzman na nakilala niya, na minahal ng kanyang batang puso. Isa na itong estrangero sa kanya. Kahit nakikilala siya nito, malayo na rin ito sa Harvey na una niyang nakikilala.
"Kung ganon bumalik ka para gantihan ako," she said. Nagtaas rin siya ng mukha at tumingin sa mga mata nito. Kahit may takot pinilit niyang tumingin ng deretso sa mga mata nito.
"No, sweetheart," Harvey said.
"Don't call me, sweetheart!" Mariin niyang saway rito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito. Saka nito binitiwan ang kanyang mga kamay, sabay atras nito palayo sa kanya.
Nakahinga naman na siya ng maluwag. Nais niyang hawakan ang kanyang dibdib na malakas pa rin ang kabog. Pero pinili niyang huwag na lang at baka mapansin ni Harvey.
"Hindi ikaw ang gusto kong gantihan Ava. Ang Daddy mo ang Kuya Juancho mo ang binabalikan ko. Pero dahil anak at kapatid mo sila, ikaw ang magiging kasangkapan ko para gantihan sila,' tugon nito sa kanya.
"What do you mean?' She asked habang nakakunot ang noo rito.
"Malalaman mo rin,' tugon nito sa kanya at tumalikod para magtungo sa may mini bar. Sinundan niya ito ng tingin. Kahit nakatalikod ito napakalakas pa rin ng appeal nito. Likuran pa lang nito busog ka na.
"Hindi ka na sana nagpanggap pa na hindi ako kilala," saad niya nang sulyapan siya nito habang nagsasalin ng alak sa dalawang kopita.
"Iyon ang paraan ko para hindi ka makaiwas sa akin," tugon nito.
" As you can see, effective siya,' dagdag nito, saka ito humakbang palapit sa kanya bitbit ang dalawang kopita na may lamang alak.
"Here,' Harvey said.
"Para sa muli nating pagkikita, Ava,' saad nito sabay abot sa kanya nito sa kopita. Tinanggap naman niya iyon.
Ngayon alam na niya ang agenda nito sa kanya. Hindi siya dapat kito makitaan ng kahinaan, dahil baka mas lalo siya nitong pahirapan.
"May balak ka bang lasingin ako?' Taas kilay niyang tanong.
"Sa ngayon, wala pa, Ava. Pero sa susunod, meron na," tugon nito sa kanya sabay ngisi pa at pinasadaan na naman siya nito ng malisyosong tingin, bagay na never ginawa sa kanya ni Harvey noon. Puno ng respeto at pagmamahal ang bawat tingin sa kanya ni Harvey noon, Malayong-malayo sa ngayon.
"Hindi ka na lang sana bumalik pa ng San Juan Harvey!" Inis niyang saad rito.
"Why? Dahil ba may Philex Martinez ka nang pinagmamalaki ngayon, Ava?" Tanong nito sa kanya na kinagulat niya. Paano nito nalaman ang tungkol kay Philex?