Chapter-12

1712 Words
Galit na mga mata ni Ava ang nakatingin sa kanya, nanlilisik sa galit, puno ng pait ang mga mata nito na noon ay puno ng pagmamahal kung siya at tignan nito. Sadyang napakalayo na nga nito sa dati. Maraming binago ang dalaga sa loob ng limang taon. Mas gumanda ito para sa kanya, iyan ang una niyang nakita kay Ava. Pero hindi maitatago ng ganda nito ang lungkot na nasa mga mata nito. "Aalis na ko," saad nito sabay bitiw sa hawak nitong kopita at akmang lalakad na patungo sa may pintuan nang harangin niya ito. "Bakit ka nagmamadali. Limang taon tayong hindi nagkita, Ava. Bakit hindi muna tayo mag usap. Pag-usapan natin si Philex Martinez," he said. Kahit nasa malayo siya alam niya kung ano ang nangyayari sa buhay ni Ava. May tao siyang nakasubaybay rito para alamin kung ano na ang nangyayari sa buhay nito. Kaya updated siya. Alam niyang sa loob ng limang taon hindi pumasok si Ava sa ano mang relasyon, wala itong naging boyfriend maliban sa kanya. Alam din niyang marami ang nanligaw sa dalaga at isa-isa niyang inalam ang tungkol sa mga lalaking nagtangkang ligawan ito. Sa dami ng mga nanligaw na halos ka edaran din ni Ava ay walang nanalo sa puso nito. Until Philex Martinez came. Si Philex ay anak ng isang negosyante na kaibigan ng Daddy ni Ava. Alam niyang pinagkakasundo na ang dalawa. Alam niya ang lahat ng plano ng Daddy ni Ava at ng pamilya Martinez para sa dalawa. Kaya nga kahit hindi pa ngayon ang tamang panahon nang kanyang pagbabalik ng San Juan ay pinili na niyang bumalik. Kailangan na niyang kumilos dahil baka wala na siyang magawa pa pang naikasal na si Ava sa Philex Martinez na iyon. Hindi siya nagsumikap na marating kung ano siya ngayon, para lang sa wala. Kung ano man siya ngayon ay dahil kay Ava, dahil sa pamilya nito na nang hamak sa kanya at minaliit ang kanyang pagkatao. Ngayon sa kanyang pagbabalik ng San Juan hindi na siya mamaliitin pa ng pamilya ni Ava. "Wala tayong dapat pag-usapan Harvey! Lalong wala tayong dapat pag usapan tungkol kay Philex!" Mariing tugon nito sa kanya at muli itong sumubok na lumakad patungo sa pintuan nang harangin niya ito muli. Sumubsob ito sa kanyang dibdib. "Aray," saad nito. Mabilis siyang lumayo para sana tignan kung nasaktan niya ito, pero pinigilan niya ang kanyang sarili na ipakita rito na concern siya rito. Kahit concern pa siya kay Ava hindi na niya dapat ipahalata pa iyon sa dalaga. "Ok ka lang?" Tanong niya at uminom sa kopitang hawak niya, para ipakita rito na wala siyang pakialam rito. "Pabayaan mo na kong lumabas!" Inis nitong saad. "Gusto ko pang mag-usap tayo, Ava," he said. "Look, Harvey. Hindi ko alam kung ano ang alam mo about Harvey and me. Wala rin akong dapat pang ipaliwanag sa iyo! Actually, ikaw pa nga ang may dapat ipaliwanag sa akin ngayon. Bakit ka nagpanggap na hindi mo ko kilala!" Litanya nito sa kanya. Galit man ito hindi pa rin maitago ang angking nitong ganda. Hindi na teenager si Ava ngayon, pero ang cute pa rin nito sa kanyang paningin. Ganoon pa man hindi siya dapat magpadala sa ka cute-an nito. "Hindi ako nagpanggap na hindi kita kilala, Ava," kalmadong tugon niya rito. "Anong hindi! Miss ang tinawag mo sa akin. Tinanong mo pa kung ano ang pangalan ko! Hindi pa ba pagpapanggap iyon, Harvey!" Galit nitong hiyaw sa kanya. Kahit sumigaw pa ito at lumaki ng husto ang mga mata, hindi pa rin nakakasawa ang ganda nito. "Well, limang taon ang lumipas Ava, maraming nagbago sa iyo, hindi kita nakilala agad. Mas maganda ka kasi ngayon," paliwanag niya sa dalaga. Iyon naman talaga ang totoo, mas maganda ito ngayon, mas kaakit-akit. "I don't believe you!" Taas kilay nitong saad. "It's ok,' he said at nang mapansing ubos na pala ang laman ng kanyang kopita. Agad na siyang lumakad palapit sa bar na naroon para lagyan ng laman ang kanyang kopita. Wala siyang plano na magpanggap na hindi ito kilala. Sadyang natulala siya nang makita ang ganda ni Ava sa loob ng kanyang bahay. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at bumilis ang t***k ng kanyang puso, na matagal na niyang hindi nararamdaman mula nang magkahiwalay sila ni Ava. Nataranta siya at hindi malaman kung paano kikilos sa harapan ng babaing pinakamamahal. Kaya ganon na lang ang mga nasabi niya at ikinilos nang makita siya nito. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala. Pero sa totoo, walang araw o oras man lang na hindi niya nais makita muli ang magandang mukha ni Ava. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mabilis na pagkilos ni Ava para magtungo sa pintuan. Kung gaano ito kabilis kumilos ganoon rin siya. Mabilis siyang nakalapit rito para pigilan ang balak nitong paglabas. "Harvey ano ba,' Ava said nang mapigilan ang braso nito. Mabilis niyang naitulak ito sa may pintuan at sinukol niya ang katawan nito sa kanyang katawan para hindi na ito makaalis pa. "Bitiwan mo ko Harvey ano ba!" Hiyaw nito. Mahigpit niyang kinuha ang magkabilang kamay nito at tinaas sa may ulo nito, sabay ipit na rin nang mga hita nito sa hita niya, para hindi na talaga ito makawala pa. "Biti.. wan.. mo ko...," garalgal na ang tinig ni Ava habang halos maging isa ang kanilang mga katawan sa sobrang pagkakalapit. Amuy na amoy niya ang mamahaling pabango nito, na napakasarap sa kanyang ilong. Isama pa ang mainit na hininga nitong sumasalubong sa kanyang mainit na hininga rin, habang nakatingala ito sa kanya at nakayuko naman siya rito. Taas, baba ang dibdi nito at hindi maiwasan na dumikit sa kanyang dibdib. Kahit sa ganitong simpleng pagkakadikit lamang ng kanilang mga katawan, nakakaramdam siya ng kakaibang init, lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita, na sana hindi mapansin ni Ava na pinukaw nito ang kanyang pagkalalake. Marami nang babaing dumaan sa kanya. Iba-ibang klase ng babae. May bata, may matanda, may ka edaran niya. May birhen at meron ring marami ng karanasan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, si Ava pa rin ang laging nasa isip niya. Kung kailan niya maaangkin ang babaing minamahal. Limang taon man ang lumipas sa kanila ni Ava, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya para sa dalaga. Mahal na mahal niya ito, kaya pinilit niyang ayusin ang kanyang buhay at abutin ang mundo ng dalaga. At ngayong abot na abot na niya ito, wala siyang sasayangin pagkakataon. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaing pinakamamahal. "I love your smell, Ava. Hindi pa rin nagbabago ang taste mo sa perfume,' he whispered. "Pakawalan mo ko!" Hiyaw nito sa kanya. Tinignan niya ang mga mata nito na nanlilisik sa galit sa kanya. Pero sa kanyang paningin napakaganda pa rin nito. "Ava," tawag niya sa dalaga. "Tapusin mo ang kalokohan mong ito, Harvey!" Inis nitong saad sa kanya. "Ngayong bumalik na ko. Matutuloy pa rin ba ang plano mong pakasalan si Philex?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Wala kang pakialam Harvey! Matagal na tayong wala!" Inis nitong tugon sa kanya. "Paano kung sabihin ko sa iyo na mas mayaman ako kesa sa Philex Martinez na iyon," he said. "Stop it!" Sigaw nito sa kanya hanang nanggigigil ito sa galit sa kanya. Ngumisi siya at lalo pang linapit ang katawan sa katawan nito na napakalambot at napakabango. Kung pwede lang hindi na siya aalis pa sa ganoong posisyon nila. "Ano ba!" Galit na saad nito. "I still want you, Ava,' he said. Totoo iyon, actually mahal na mahal pa rin niya si Ava, kaya siya bumalik ng San Juan. Pero hindi niya iyon ipapaalam pa rito. Mas gusto niyang paghihiganti ang dahilan ng kanyang pagbabalik ng San Juan at hindi pagmamahal rito. "At gagawin ko ang lahat makuha lang kitang muli," dagdag pa niya habang kahibla na lang ang layo ng kanilang mga labi. Gustong-gusto niyang halikan ang labi nito, matinding pagpipigil ang kanyang ginagawa na hindi ito halikan, dahil baka madala siya at hindi mapigilan ang kanyang sarili. "Let me go!" Mariing nitong saad at nanlaban ito para makawala sa kanya. Bagay na lalong nakadagdag sa init na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan. "I'm back now, Ava. At ang pagbabalik kong ito ay hindi para ituloy ang naudlot nating pagmamahalan. Wala na ang pagmamahal ngayon Ava," saad niya na puno ng poot at sakit. Dahil iyon ang kanyang naramdaman nang panahong inalipusta siya ng pamilya nito. Nanatili namang nakatingin sa kanya si Ava, at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "All I want now is revenge, Ava," mariing saad niya sa dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng takot sa mga mata nito. Bumalasik din ang kanyang mukha para mas matakot ito sa kanya. Hinigpitan rin niya lalo ang hawak sa mga kamay nito, habang halos durugin na niya ang manipis nitong katawan gamit ang malaki niyang katawan. "Wala akong kasalanan sa iyo, Harvey,' Ava said. "Malaki ang kasalanan mo sa akin, Ava!" Mariing saad niya sabay yuko para abutin ang labi nito at gawaran ng nagpaparusang halik. Nagpumiglas si Ava at nagsubok na makawala sa kanyang nagpaparusang halik, pero hindi nito kaya ang kanyang lakas. Ngayon pa lang nais na niyang iparamdam sa dalaga ang kanyang galit rito. Halos mamantal ang labi nito nang pakawalan niya ito, matapos ang mahabang paghahalikan nila. Kapwa sila hinihingal. Patuloy pa rin ang pagpupumiglas ni Ava, na halos dumikit na ng husto sa kanya ang manipis nitong katawan. "Wala akong kasalanan sa iyo Harvey, para parusahan mo ko ng ganito!" Sigaw nito sa kanya habang taas, baba ang dibdib nito. May kalakihan ang dibdib nito na isa pa sa asset at kaakit-akit rito. "No, sweetheart. I want revenge," saad niya rito na puno ng pait at inanakit. "Let me go!" Sigaw nito at sadya na rin niyang pinakawalan ito dahil iba na rin ang kanyang pakiramdam. Baka higit pa sa halik ang magawa niya sa dalaga. Tinulak siya ni Ava palayo at mabilis na itong nakalabas ng pintuan, hindi na niya hinabol pa ang dalaga. Sapat na iyon na muna ang mangyari sa kanila ngayon. May susunod pa naman. Planado na niya ang pagbabalik niyang ito sa San Juan. Alam na niya kung ano ang kanyang gagawin, at ano ang kanyang uunahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD