Jessie’s POV “O-okay ka lang, besh?” biglang nahawi ang aking paningin nang marinig ko ang boses na iyon mula kay Cindy. Kaagad ko ring naibaling ang aking paningin sa kanyang mukha saka tiningnan siya sa kanyang mga mata. “O-okay lang ako. B-bakit?” utal na wika ko habang nakatingin sa kanyang mga marta. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ba akong nakatulala ngayon. Hindi ko alam kung bakit… “Bakit parang sobrang lalim ng pinag-iiisip mo. May problema ka bang hindi sinasabi sa akin. ha?” tanong niya habang halata sa kanyang mga mata ang pagsuyo sa aking paningin. Kapansin-pansin pa ang mga tingin niyang nakatuon sa aking mga mata na animo’y pinag-aralan ang aking atensyon ngunit hindi ko hinayaang makita niya ang nasa likod ng mga paningin kong ito. Hindi ako sumagot sa hali