Chapter 10

3634 Words
Chantal’s POV “Ano ba ang gagawin ko ngayon?” wika ko habang nakatingin ang aking paningin sa dinadaanan ko. Hindi ko pinagtuunan ng pansin si Cindy ngunit alam kong nakatingin lang siya sa akin ngayon. Magkasabay kaming nagtungo sa paaralan sa umagang ito. Sa mahigit dalawang linggo naming pagkakilala at bilang magkalapit na magkaibigan ay ito ang unang beses na puntahan niya ako sa bahay at magyayang magkasabay na pumasok. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa kanyang isipan ngunit alam kong nag-alala pa rin siya sa nangyari sa akin kahapon at alam kong iyon ang naging dahilan kung bakit siya sumasabay sa akin ngayon. “W-wala na tayong magagawa diyan, besh. Kahit sa ayaw o sa gusto mo, naging parte na siya ng journey mo bilang mag-aaral sa campus. Kahit ilang beses mong i-deny ay siya pa rin ang knight and shining armor mo,” mabilis akong napalingin kay Cindy hindi dahil sa payo niya sa akin kung hindi dahil sa huling katatagang kanyang binitawan. Mabilis kong kinurot ang kanyang tagiliran dahilan upang maintig siya. Hindi na rin niya nagawang umiwas sa pagkurot kong iyon dahil sa sobrang bilis ng aking paggalaw. “Hindi ba sabi ko sa’yo na huwag na huwag mo nang mababanggit ang katatagang iyon? Kahapon ka pa diyan, ah! Kapag iyan naririnig ni Kael, nako! Hindi ko na alam kung ano ang maaring gawin ko sa ‘yo,” wika ko saka mabilis na umiwas ng tingin kay Cindy. Ayaw ko ring ipakita sa kanya na naiilang ako sa tuwing naririnig ko ang pang-iinis niyang iyon sa akin. “Aysus! Ano ba ang tawag sa lalaking nililigtas niya ang babaeng gusto niya mula sa kapahamakan? Hindi ba knight and shining? Saka an---” Mabilis kog siyang pinigilan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang mga mata. “Say it, Cindy, binabalaan kita. Saka anong gusto? Siya lang. Kailanman ay hinding-hindi ko papayagan ang sarili kong madalit sa lalaking tulad niya ano!” mabilis na wika ko. Ilang segundo lang ang lumipas saka nagpatuloy sa paglalakad. “Oo nga pala, ano ang nakain mo at sinundo mo ako sa bahay? Himala yata at nakisabay ka sa akin? Hindi ba busy sa tindahan? Baka mamaya malalaman ko na lang na tumatakas ka na naman sa nanay mo o baka kung ano-ano na lang ang dahilan mo?” tanong ko habang tinatahak ang paghakbang. Alam ko na naman ang magiging sagot sa tanong kong iyon. Nais ko lang talagang sa kaibigan ko mismo manggagaling ang katatagang iyon. Nais kong sa kanya mismo galing ang iniisip kong iyon. “Aba. Mahirap na! Baka mamaya ay hindi ka na naman makakapasok at madukot ka na naman. Mas mabuti nang dalawa tayong madudukot kesa sa maiwasan akong nag-iisa sa silid habang iniisip kung maayos ka o hindi. Hindi mo alam kung paano mo ako napag-alala kahapon sa silid ni Miss Yoon. Sa kung saan-saan na lang napupunta ang isipan ko ni naisipan ko na lang na lumiban sa klase at hanapin ka. Buti na lang at sa kabila ng lahat ay maayos ka lang.” Hindi ko maiwasan ang mapahugot ng sariling hininga matapos kong marinig ang katatagang kanyang binitawan. Kahit papaano ay masaya na rin akong may kaibigan akong tulad ni Cindy na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako. Isang kaibigan na tulad niyang nag-alala sa aking kalagayan.. Ilang segundo pa at napahinto ako sa paglalakad. Nang mapansin ni Cindy ang aking mga tingin sa kanya ay mabilis na rin siyang napahinto saka ako tiningnan nang mapanunyo. Nakaangat na ang kanyang kilay ngayon habang halata sa aking mga mata ang kakaibang mga tingin na kulang na lamang ay iiyak ako sa kanyang harapan. “B-bakit? May mali pa sa sinabi ko?” tanong nito sa akin. Mabilis akong napangiti sa kanyang harapan. Kapansin-pansin mula sa ngiti kong iyon ang masayang bungad. “Salamat,” ngiting sambit ko at ilang segundo lamang ang lumipas at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis ko na rin siyang niyakap. Mahigpit ko siyang niyakap. Wala na yatang mas hihigit pa sa pakiramdam ng magkaroon ng taong totoong nagmamalasakit sa iyo. Iyong taong hindi mo naman kaano-ano o kadugo ngunit naglaan ng pagmamahal at pagmamalasakit para sa iyong kaligtasan. Mahigpit ko siyang niyakap. Pansin ko pa ang kamay niyang hinahaplos ako mula sa aking likuran. “S-salamat para saan, besh? Ito na naman tayo, nagd-drama ka na naman,” wika nito mula sa aking likuran. Nagtagal nang ilang segundo ang pagyayakapan namin saka ako tuluyang bumitaw. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Mula sa aking mga tingin ay pinapakita ko sa kanya ang totoong nararadaman ko- - - ang pasasalamat mula sa aking mga mata at ang pagmamahal na alam kong ramdam na ramdam niya mula sa aking pagtingin. “Salamat dahil nandito ka para pagaanin ang loob ko. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko matapos ang pangyayari kahapon. Salamat talaga at palagi mong pinaparamdam sa akin na mahalaga ako,” nangingilid pa rin sa aking labi ang malapad na pagngiti. Ngayon ay napangiti na rin si Cindy sa aking harapan. Sumikip ang kanyang mga mata saka mabilis akong kinurot mula sa aking tagiliran. “Ikaw naman kasi. Sa sobrang ganda mo, nagkakainteres sa’yo ang nag-iisang badboy at playboy ng campus na si Kael. Ayan tuloy!” wika nito kasabay ang pagkurot niya sa aking tagiliran. Mabilis na nagbago ang aking atensyon lalo pa nang mapansin kong hindi na sa akin nakatuon ang atensyon ni Cindy kung hindi sa aking likuran na animo’y may kung anong tinitingnan siya sa aking likuran na hindi ko naman alam kung sino ito. “B-bakit?” utal na tanong ko sa kanya ngunit nanatili pa nang ilang segundo ang pagtitig niya mula sa aking likuran saka muling bumaling sa aking mga mata. Gamit ang kanyang bibig ay may kung anong tinuro siya mula sa aking likuran. Napakunot ako ng aking noo saka ilang segundo lang ay dahan-dahan rin akong bumaling sa aking likuran. Laking gulat ko nang mamataan ko ang atensyon ni Kael. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa akin habang nangingilid sa kanyang mukha ang ngiti. Hindi tulad kahapon ay kunti na lamang ang mga band aid na nakadikit sa kanyang mukha at may parte sa kanyang mata na may bakas pa ng pasa- - - nangingitin iyon na alam kong masakit pa rin kung titingnan. Mabilis ko siyang iniwasan at pinilit na huwag pansinin ang kanyang imahe. Bumaling ako kay Cindy ngunit huli nan ang mapansin kong nauna na itong naglakad mula sa akin. Ilang hakbang na rin ang layo niya mula sa kinatatayuan ko ngayon na alam kong dahil kay Mikael. Nais ko sanang habulin si Cindy at nang maiwasan ko si Mikael ngunit hindi ko iyon nagawa gayong walang nagawa ang aking mga binti kung hindi ang manatili lamang sa kung saan ako nakatayo. “A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nakaangat ang aking kilay at pinapakita ko sa kanyang hindi ko gusto ang paglitaw niya sa aking harapan. “Kanina pa talaga ako dito at hinihintay kang dumaan.” Mahinang sambit nito sa akin. Mula sa kanyang mga mataa ay mabilis akong umiwas. Ngayon ay nagsimula na rin akong magpatuloy sa paghakbang. Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin ngunit alam kong nasa tabi ko lang siya at nakisabay sa aking paghakbang. “Sino naman ang nag-utos sa ‘yo na hintayin moa ko? Saka hindi ko naman kailangan ang presensya mo. Kung nandito ka upang guluhin ulit ako ay huwag na.” wika ko. Wala na rin akong ibang maibungad sa kanya kung hindi ang galit na aking nararamdaman. “Sino ang nagsabi sa ‘yo na nandito ako upang guluhin ka?” wika nito sa akin. Nakatuon lamang ang aking atensyon sa aking harapan. Ilang metro ang layo ni Cindy mula sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng ilang lalo pa at kami lang ni Kael ang magkausap ngayon. “Nandito ako upang humingi ng pasasalamat dahil kahapon. Okay na pala ako. May kunting pasa lang at sugat pero okay na ako.” pagpapatuloy pa nito. “Hindi ko tinanong.” Mabilis kong sambit. Hindi ko naman tinanong ang kanyang kalagayan at mas lalong hindi ko hininga ang kanyang pasasalamat kaya hindi ko alam kung bakit siya narito at ibinibigay sa akin ang mga katatagang hindi ko naman nais mula sa kanya. Nanatili siyang tahimik. Siguro nakaramdam rin siya ng kunting hiya o pagkakasita sa sinabi kong iyon. Totoo naman, hindi ko naman tinanong ang kanyang kalagayan at basta-basta na lamang niya iyong sinabi sa akin kaya alam kong may ibang dahilan kung bakit siya narito. Ilang minuto lamang at tuluyan ko nang naramdaman ang katahimikan sa pagitan namin ni Kael. Wala na rin naman akong balak na magsalita o ang basagin ang katahimikang bumabalot sa amin. Napatingin ako kay Cindy, nais ko mang tawagin siya at sa kanya makisabay kaysa kay Kael ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko naman iyon magawa. Nanatili lamang nakatikom ang aking bibig at nanatili lamang ang marahang paghakbang ko. Sa ginawa kong ito ay parang binigyan ko na rin ng pagkakataon si Kael na kausapin ako at lapitan ako. Parang binigyan ko na rin siya ng malaking espasyo para maging parte ng buhay ko. “I-ikaw okay ka lang ba?” ilang minuto ang lumipas nang muli siyang nagsalita. Sa puntong ito ay malapit na kaming nakarating sa gate unibersidad. Napatingin na rin ako sa akin relos at alas syete na ng umaga at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase. “Nakalimutan kong tanungin sa ‘yo kahapon ang tungkol sa iyong lagay. Hindi ka ba nasaktan? O ang nagkaroon ng pasa o sugat? Hindi ka ba nila nasaktan” tanong nitong muli sa akin. Sa puntong ito ay hindi na ako nakapagpigil pa at tuluyan na akong napahinto sa paghakbang. Ilang segundo akong napatingin sa malayong parte nitong daan. Ni pansin ko rin ang tuluyang pagkawala ni Cindy sa aking paningin. Marahan kong itinuon ang aking paningin sa kay Kael. Dahan-dahan kong tiningnan ang kanyang mga mata. Wala akong pinakita ni kunting emosyon mula sa aking paningin o sa aking ekspresyon kung hindi ang pagiging seyoso lamang. “Hindi ako nasaktan, Kael. Alam mo kung saan ako nasaktan?” napahinto ako. Napapikit ako at hindi rin nagtagal ay muli ko ring iminulat ang aking paningin. Ang kaninang nakangiti niyang labi ay ngayon binalot na ng seryosong pagtingin sa aking mukha. “Ang maging parte ka ng buhay ko, Kael. Simula nang lumapit ka sa akin at naging magulo ang takbo ng aking buhay. Pati pag-aaral ko ay ginulo mo na rin. Kaya pwede ba, umalis ka? Alam kong wala akong kasalanan sa gulong nangyari kahapon. Alam ko ikaw ang kanilang pakay at hindi ako. Malinaw hindi ba? Dahil sa’yo ay naging parte ako sa gulong kinasasangkutan mo?” pagpapatuloy ko pa. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng bigat sa aking puso. Buong akala ko ay magiging kuntento ako kapag nailabas ko na ang hinaing ng aking puso at akin nararamdaman ngunit hindi ko alam kung bakit mas lalo lang sumikip ang aking dibdib nang sambitin ko iyon. Mas lalo ko lang siyang tiningnan sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita sa puntong ito sa halip ay nakatingin lamang siya sa aking ekspresyon. Napahugot ako ng sarili kong hininga sa puntong ito. Ang kaninang buhay na buhay niyang ekspresyon ay napalitan ng madilim na pagmumukha at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa naging reaksyon niya. Hindi ko alam kung maging masaya baa ko sa sinabi kong iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong maging reaksyon. Nababaliw na yata ako! Hindi ko alam. Basta tanging alam ko ay nagkakaganito na ako mula noong dumating si Kael sa buhay ko! Nanatili kaming nakatitig sa isa’t-isa. Hindi ko na rin magawa ang magsalita sa kanyang harapan. I have said enough. Siguro nakuha na niya ang ibig kong sabihin at iyon ay ang umalis siya sa aking harapan. Umiwas ako ng tingin at sa puntong ito ay hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Kasunod kong ginawa ay ang mapatingin sa aking relos. Hindi ko na namalayan ang oras 7:20 na pala. Alas syete y media ang una naming asignatura kaya sampung minuto na lamang ang mayroon ako para maglakabay sa college of technology kung saan gaganapin ang computer class namin. Alam ko ring naghihintay na si Cindy sa akin sa gate. Matapos ang ilang segundong nakalipas ay mabilis ko rin siyang tinalikuran. Tahimik lamang siya ngunit akmang hahakbang na sana ako nang mabilis akong napahinto, mabilis niyang hinawakan ang aking palapulsihan saka mabilis akong pinigilan sa paghakbang. “Chantal, wala na ba talaga akon pag-asa sa’yo? Kahit bas a huling hininga ko ay hinding-hindi mo pa rin ako pipiliin?” mahinang sambit nito. Hindi ko alam ngunit ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso at kasabay ng malakas na pagtibok na iyon ay ang sakit na animo’y nasusugatan ito at alam kong dahil iyon sa huling katataganbg kanyang binitawan. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam… hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa puntong ito. Kasunod kong ginawa ay ang hilahin ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking palapulsuhan. Hindi kaagad ako nakapaghakbang nang tuluyan at nagtagal pa ng ilang segundo ang pagtayo ko doon. “Isang tanong isang sagot, Chantal. May pag-asa baa ko o wala?” pagpapatuloy pa nito sa akin. Hindi ko man tanaw ngunit ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang mukha. Ilang segundo akong nakapikit saka muling minulat ang aking mga mata. Napahugot ako ng malalim na hininga, “Magsisimula na ang unang asignatura ko, Kael. Pumasok ka na rin.” Ang tanging lumabas sa aking bibig saka mabilis na humakbang papalayo sa kanya. Hindi ko na rin siya napansing nakasunod sa akin at alam kong sa puntong ito ay nanatili lamang siya sa kung saan siya nakatayo kanina. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga katatagang binitawan ko kanina at sa mga katatagang pinaparinig niya sa akin kamakailan lang. Labis akong nasaktan. Hindi ko alam kung tama ba ako nang naging pagpasya. Basta tanging alam ko lang ay ito ang nararapat. Basta tanging alam ko lamang ay ito ang kailangan kong gawin. Kilala kko si Kael- - - kilala bilang badboy at playboy sa paaralan na ito. Hindi ko lubos maisip ang magiging sitwasyon ng buhay ko kapag pinapayagan ko siyang pasukin ang aking landas. Hinding-hindi ko makakapayag na tuluyan niyang guluhin ang aking buhay. Alam kong maraming gulo ang kinasasangkutan niya sa loob ng paaralang ito at isa na iyong nangyari kahapon. Kaya habang mas maaga pa ay mas mabuting pipigilan ko na siya. “B-besh?” napahinto ako sa paghakbang nang mapansin ko si Cindy sa aking harapan. Kakapasok ko lang sa mismong gate nitong paaralan at alam kong kanina pa naghihintay sa akin si Cindy. Mula sa aking mukha ay bumaling ang kanyang paningin mula sa aking likuran na alam kong may taong inaasahan siyang mamataan at alam kong si Kael iyon. “N-nasaan si Kael? Hindi ba at magkasama - - - ” “Magsisimula na ang klase natin, besh. Tara na,” mabilis ko siyang pinigilan at kasing-bilis ng pagsambit kong iyon sa kanya ay ang paghila ko sa kanya at nang tuluyan na kaming makapasok sa unibersidad. Hindi na rin nagtanong pa o ang magsalita man lang si Cindy. Hinayaan lamang niya akong hinalhin ko siya papasok sa college of technology ngunit alam kong nangingilid pa rin sa kanyang mukha ang tanong sa maaring nangyari kanina. Kilala ko si Cindy at alam kong hinding-hindi siya titigil hanggang hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo. Saktong kakapasok lang namin sa computer class nang sumunod rin ang aming professor. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang kanyang lectures. Buong oras ko pa ring iniiwasan ang pagtitig sa akin ni Cindy. May ilang sandali pang biglang nagkakatama ang aming paningin ngunit ako na mismo ang unang umiwas sa kanya lalo pa at alam kong may kung anong ibig sabihin mula sa mga titig niyang iyon. “Besh, ano ba talaga ang pinag-uuusapan ninyo ni Kael? At bakit parang wala ka sa mood? May break-up bang nagaganap?”: pangungulit pa niya sa akin. Hindi ko maiwasang magulat sa naging tanong niyang iyon. Kahit kailan talaga itong kaibigan kong iyon! Hindi ko talaga magiging gamay ang isipan! Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig! Hindi ko siya binalingan ng tingin sa halip ay nanatili lamang kay Mr. Lee ang aking atensyon. Hindi ko maipagkakailang kay Cindy nakatuon ang aking pandinig at atensyon at hindi sa professor namin. Hindi ko na rin maipigilan pa ang sarili ko at kung saan saan na rin ito napupunta. Hindi ko alam ang dahilan ngunit sa tuwing dumadako ang aking isipan kay Kael ay bigla na lang akong natutulala. “Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin, besh?? Akala ko ba kaibigan moa ko? Kailan ka pa natutong maglihim sa akin, ha?” kapansin-pansin sa kanyang boses ang panunuyo. Umaatake na naman ang kadramahan ng babaeng ito. “Shhh, tumigil ka nga diyan. Baka marinig tayo ni Mr. Lee.” Wika ko, trying to avoid her. Wala naman akong dapat na sabihin sa kanya dahil wala namang nangyari sa amin ni Kael. Wala lang iyon at kailanman ay hindi iyon nararapat na malaman ng iba. Saka wala namang kami ni Kael kaya there’s nothing to share about. Kahit papaano ay tuluyan na ring tumahimik si Cindy. Nang matapos ang aming klase ay sabay kaming lumabas. Alas dyes pa ng umaga at breaktime na namin. Hindi ko alam ngunit inaasahan ko na ang magiging tanong ni Cindy sa akin. Mula ngayon ay mag-iisip na rin ako ng magiging dahilan ko o ang maari kong gawin upang maiwasan ko ang mga tanong niya sa akin. Alam kong hinding-hindi siya titigil hanggang hindi niya makuha ang sagot sa mga naging tanong niya sa akin kanina sa loob ng computer class. “Saan mo gustong kumain? Sa labas ba ng campus o sa canteen na lang?” tanong ko sa kanya nang makalabas kami sa computer room. Ngayon ay nasa hallway na kami at tinatahak ang daan pababa nitong college of technology. Hindi siya sumagot sa halip ay hinawakan niya ang aking kamay saka mabilis akon tiningnan sa aking mga mata, “Hindi mo pa sinagot ang mga tanong ko kanina, besh ah.” Bungad niya sa akin. Hindi na ako nagulat sa naging tanong niyang iyon. Umiwas ako ng tingin sa kanya, “Besh, huwag ngayon please. Gutom na rin ako at gusto kong kumain.” Wika ko. Hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad hanggang sa mapansin ko ang paghinto niya dahilan upang mapahinto na rin ako. Napatingin ako sa kanyang reaksyon sa puntong ito. hawak-hawak niya ngayon ang kanyang cellphone na alam kong may kung anong binabasa siya doon. Base sa naging reaksyon niya ay importante ang binabasa niyang mensahe ngayon. “Hindi na yata kita masasamahan ngayon, besh. Nag-text si nanay sa akin, eh. Kita na lang tayo mamaya sa history class natin, ah? Baka mabalitaan ko na namang late ka!” mabilis nitong sambit sa akin at hindi na hinintay ang magiging sagot ko at mabilis rin niya akong iniwang mag-isa dito sa hallway. Kahit papaano ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Hindi ko alam ngunit kailangan ko yatang magpasalamat sa kanyang nanay. Kung hindi lang iyon nagtext sa akin ay maaring nandito pa rin si Cindy sa aking harapan at patuloy pa rin sa pangungulit at panay ang tanong na alam kong hinding-hindi ko naman kayang sagutin. Tulad ng sinabi ko ay sa labas na ako kumain. Sa isang coffee shop ako pumasok. Doon ko ginugol ang aking oras hanggang sa sumapit ang alas dyes y media at alam kong sa puntong ito ay kailangan ko nang bumalik sa klase. Mabilis kong kinuha ang cellphone kong nakalagay lamang sa mesa kanina. Saktong kakalabas ko lang sa coffee shop nang mapansin ko ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko na sana iyon pinagtuunan ng pansin ngunit nang mapansing tumunog iyon sa pangalawang beses ay wala akong ibang magawa kung hindi kunin iyon mula sa aking bulsa at tingnan kung ano ang laman ng pagtunog na iyon. Unang bumungad sa aking paningin ang pangalan ni Cindy. Dalawang mensahe ang laman n’on. “Besh! Nasaan ka!” ang unang mensaheng bumungad sa akin. “Kailangan mong bumalik. Si Mikael! Nasangkot na naman sa gulo!” ang kasunod na mensahe na bumalot sa aking paningin. Hindi ko alam ngunit mabilis na binalot ng kaba ang aking nararadaman. Hindi ko alam ngunit parang may kung anong nagtulak sa aking sarili na bilisan sa pagpasok sa campus at hanapin si Kael. Damn him! Ano na naman ba ang pumapasok sa kanyang isipan at bakit naghahanap na naman siya ng gulo? Baliw na ba siya? Bakit palagi na lang niyang sinasangkot ang buhay niya sa gulo?! Kasing bilis ng naging pagtakbo ko ngunit akmang dadaan na sana ako sa pedestrian lane nang mapansin ko ang mabilis na pag-ihip ng hangin. Kasabay ng pag-ihip niyon ay ang dahan-dahang pagbagal ng takbo ng mundo hanggang sa tuluyan ko nang naradaman ang pagkawala ko sa aking sarili. Hindi ko na alam pa ang kasunod na pangyayari. Kasunod kong naradaman ay parang may kung anong humihila sa aking kaluluwa papaalis sa aking katawan. Napapikit ako at sa puntong ito ay tuluyan ko nang naramdaman ang pagkawala ko sa aking sarili hanggang sa tuluyan nang nandilim ang aking paningin at ang pagkawala ng aking malay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD