Chantal’s POV
“O-okay lang ba siya nurse? A-ano na ang kanyang lagay? Hindi naman critical ang kanyang lagay ano?” utal na sambit ko. Sa puntong ito ay hindi ko na magawang sambitin ang mga katatagang aking binitawan. Hindi ko magawa ang kumalma lalo pa at alam kong matinding pasa at sugat ang natamo ni Kael sa puntong ito.
Nanginginig ako sa takot at kaba. Ni wala na akong ibang maisip pa na iba kung hindi ang imahe lamang ni Kael at ang kanyang kaligtasan.
Bakit siya ganoon? Bakit kailangan niyang ibuwis ang buhay niya para lamang sa akin? Bakit kailangan niyang ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa aking kaligtasan? Paano kung hindi niya kakayaning labanan ang mga iyon? Paano kung tuluyan na niyang mailagay ang kanyang sarili sa panganib?
Hindi ko alam kung maging maayos ba ang buhay ko kung ganoon. Lalo pa at alam kong may isang taong nagsasakripisyo para sa aking kaligtasam.
Ngunit hindi ko lubos maisip at hindi ko maiwasang isipin kung ano ang naging kasalanan niya sa mga iyon at kung bakit ganoon na lamang ang kanilang galit sa kanya. Alam kong malaking alitan ang nangyayari at iyon ay ang dapat kong alamin sa oras na magising na si Kael.
Hawak ang isang pirasong folder ay hinarap ako ng nurse. Nakatingin na siya sa akin ngayon habang ganoon rin ako sa kanya. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin sa puntong ito.
“Okay na naman siya. Kailangan lang niya ng pahinga. Saka hindi naman malala ang natamo niyang sugat. Minor Injury lamang at mga pasa,” may kung anong bagay siyang hawak at ngayon ay inabot niya ito sa akin. “Ipainom mo sa kanya ito. Ilang araw lang ay gagaling rin siya. Base sa test ay wala namang napuruhan sa kanyang buto. Sadyang mga pasa lamang at mga sugat.” Pagpapatuloy nito.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang tanggapin ang isang bote kung saan naglalaman ang gamot doon. Nang tuluyan iyong natanggap ay bumaling akong muli kay Kael at ngayon ay tahimik pa siyang nakahiga habang may napakaraming tissue ang nakakapit sa kanyang katawan. Nakahubad rin siya pang-itaas at tanaw na tanaw ko ang mga pasa sa kayang katawan. Hindi ko maiwasan ang malungkot habang tinitingnan siya sa puntong ito.
Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Alam kong naman wala akong kasalanan ngunit ako pa rin ang naging dahilan kung bakit niya dinanas ang bagay na ito. Hindi ko man alam ang puno at ugat ng pag-aaway nilang iyon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na ako ang maaring naging dahilan ng pagkakabugbog ni Kael at wala nang iba.
Hindi nagtagal ay mabilis ko ring napansin ang presensya ni Cindy. Nang mamataan ko ang kanyang presensya ay hindi na ako nakapagpigil pa at mabilis ko rin siyang tinungo at mahigpit na niyakap.
“Ano ba ang nangyari, Chantal? Hindi mo alam kung gaano mo ako napag-alala. Hindi kita nakita sa silid kanina kaya alam kong may masamang nangayayari. Bihira ka lang namang hindi pumapasok sa klase lalo na kay Miss Yoon,” mula sa mahigpit na pagkakayakap ay marahan rin siyang kumawala sa mga yakap na iyon saka ito tumingin sa aking presensya. “Ano ba ang nangyari at bakit humantong sa ganito ang lahat? Sana hindi na kita iniwan kanina at sana nanatili kang ligtas.” Pagpapatuloy pa nito.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at mabilis na lumitaw ang mga luha ko sa aking mga mata. Ngayong nakita ko ang aking kaibigan ay ngayon ko lang naramdaman ang matinding takot sa mga nangyari. Hindi ko na maipigilan pa nag umagos ang mga luha mula sa aking mga mata. takot ako sa nangyari. Sobra akoong natakot sa nangyari kanina.
“Ano ba ang nangyari, besh? Please sabihin mo sa akin,” punong-puno ng pag-alala ang boses ni Cindy habang ito ay nakatingin lamang sa akin. Patuloy pa rin sa pagpatak ang likido sa aking mga mata at ngayon ay hindi ko na iyon magawang indahin pa. lalo pa at nasa harapan ko na ang aking kaibigan at wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang umiyak na lamang dahil sa matinding takot.
Sa puntong ito ay pansin ko ang paningin ni Cindy na hindi na sa akin nakatuon kung hindi sa natutulog na si Mikael. Kapansin-pansin ang gulat nito sa kanyang mukha na alam kong hinding-hindi niya inaasahan ang kanyang nadatnan. Pati ako ay hindi rin alam kung ano ang aking gagawin. Kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa kanyang ginawa.
Ngunit paano ako magpapasalamat? Kung pati ako ay hindi ko alam kung ano ba ang nangyayaring ito. Ni hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng gulong ito. Basata tanging alam ko lang ay sa isang iglap may sumugod na lamang sa akin at dinala ako sa tagong lugar sa campus na ito na hindi ko man lang alam ang dahilan ng pagdukot nila sa akin..
“O my god! A-anong nangyari?” gulat na sambit ni Cindy at ngayon ay tuluyan na rin siyang napatakip ng kanyang bibig na alam kon dahil sa matinding gulat.
Nanginginig pa rin ang aking kamay. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napatingin na lang rin ako sa atensyon ni Cindy. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa nangyari. Parang sa isang iglap ay nadalit ako sa gulong hindi ko naman alam kung ano ang nasa likod nito.
“Hi-hindi ko alam, besh. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta sa isang iglap ay may mga lalaking sumalubong sa akin at dinukot ako. Ilang minuto lang at dumating na rin si Kael at ayon na ang nangyayari,” mas lalo lang akong napatingin sa mga mata ni Cindy ngayon. Alam kong halatang-halata na para sa kanya ang aking panginginig. “Hindi ko alam ang gagawin ko, besh. Natatakot ako. Paano kung muli na naman silang susugod? Hindi ko alam kung bakit ano biglang naging sangkot sa gulong ito. Hindi ko alam kung paano ako iiwas sa gulong ito,” pagpapatuloy ko pa habang nanginginig pa rin ang aking buong katawan sa labis na takot na aking nararadaman. Mas lalo lang lumakas ang paghahagulgol ko sa puntong ito.
“Sigurado akong alam ni Kael ang lahat. Hayaan mo, paggising at paggising ni Kael ay tatanungin natin siya sa lahat. Wala ka namang kasalanan at alam kong damay ka lang. Hindi ka naman nasaktan ‘di ba?” mabilis na kumawala si Cindy sa pagkakayakap ko sa kanya saka mabilis akong tiningnan sa aking ekspresyon.
“H-hindi naman. P-pero besh,” napatingin ako kay Kael na sa puntong ito ay wala pa ring malay. Mula sa kinatatayuan namin ngayon ay kapansin-pansin ang imahe nitong binabalot ng napakaraming band aid sa katawan. Nakahubad ang pang-itaas niyang katawan at kahit sa distansya namin ngayon sa isa’t-isa ay pansin na pansin pa rin namin ang mga pasa sa kanyang katawan. “P-pero si Kael. Siya ang napuruhan…” pagpapatuloy pa nito.
Pati si Cindy ay napabaling na rin kay Kael sa puntong ito. “Alam kong kayang-kaya ni Kael ang lahat ng ito. Kilala mo naman siya hindi ba? Alam kong sanay na siya sa bagay na ito. Alam kong mas malulungkot si Kael kung makikita ka niyang ikaw ang nasaktan.” Wika nito sa aking habang sa kay Kael nakatuon ang kanyang atensyon.
“Maiwan ko muna kayo dito, ah. Kapag nagising na ang pasyente, tawagin n’yo lamang ako at nang madischarge at makauwi. Sundin mo lang ang sinabi ko sa’yo kanina, Chantal.” Wika ng nurse na ngayon ay nakatayo na sa aming harapan.
“S-sige po. Salamat po,” wika ko saka tuluyan na rin itong nakaalis sa aming harapan.
Naiwan kaming dalawa ni Cindy sa clinic. Sa puntong ito ay tuluyan na ring tumila ang pag-iyak ko. Kahit papaano ay nakaramdam rin ako ng kaginhawaan sa aking sarili. Ngunit sa tuwing nakikita ko ang imahe ni Kael ngayon ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng sakit ng loob.
Paano kung hindi na lang niya ako niligtas mula sa mga lalaking iyon? Maaring hindi siya nabugbog pero hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ang makalabas sa silid na iyon nang ligtas. Pero bakit kailangang may masaktan? Hindi ko alam kung tungkol pa ba iyon sa panliligaw niya sa akin. Maraming tanong ang nabuo sa aking isipan at alam kong siya lamang ang tanging makakasagot sa mga tanong na iyon.
Napatingin ako sa aking relos. Alas singko na. Mula sa aking relos at bumaling ako ng tingin kay Cindy. “Alas singko na, besh. Hindi ka pa ba aalis? Alam kong hinihintay ka na ng iyong nanay sa tindahan. Baka mapagalitan ka na naman kapag magtatagal ka pa rito,” wika ko habang nakatingin sa atensyon ni Cindy.
“Talaga bang okay ka na?” mula sa aking mukha ay ibinaba ni Cindy ang kanyang paningin na animo’y sinisiguro niyang ligtas na talag ako at okay na.
“Okay na ako. Sige na, umuwi ka na at nang matulungan mo ang nanay mo sa pagtitinda. Ako na ang bahala kay Kael.” Wika ko saka ko tinapik ang balikat ni Cindy.
Hindi ko naman masisisi si Cindy. Alam kong nag-alala siya sa nangyari kanina. Alam kong hinanap niya ako kanina sa klase ni Miss Yoon kaya matinding pag-aalala ang kanyang nararadaman..
“Mag-ingat kayo sap ag-uwi, ah. Huwag kang mag-alala at tatawag ako mamaya galing sa tindahan kapag nakauwi na ako ng bahay,” wika nito sa akin saka bumaling muli kay Kael. “Ikaw na ang bahala kay Kael,” mula kay Kael ay muli siyang napatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam na ramdam kong may kung anong nabubuo sa mga tingin niyang iyon sa akin. Kumindat pa nga siya ng ilang beses saka niya pinakita sa akin ang malapad na ngiti na alam kong may ibig iyong sabihin. “Ikaw na ang bahala sa night and shining armor mo,” ngiting sambit nito at hindi rin ito nakapagpigil at mabilis rin akong kinirot mula sa aking tagiliran.
Hindi ko na nagawang umilag sa pagkurot niyang iyon. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko at mabilis na rin niyang tinahak ang daan palabas nitong clinic.
Nauna na si Cindy sa pag-uwi. Hindi na ako maninibago pa roon. Ma importante man o hindi ay kailangan niyang umuwi lalo pa at tulad ng sinabi niya sa akin ay palaging nakamonitor ang kanyang ina sa paglabas niya dito sa paaralan.
Nanatili sa imahe ni Cindy ang aking atensyon at ilang segundo lamang ang lumipas nang tuluyan nang nakalabas si Cindy sa clinic at sa puntong ito ay ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa kay Kael/ Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanya. habang papalapit nang papalapit sa kanya ay mas lalo ko lang naramdaman ang sakit sa kanyang katawan. Ngayon ko lang rin napansin ang matinding pasa na kanyang natamo. Kahit papano ay umaaliwalas na rin ang kanyang mukha dahil alam kong pinunasan iyon ng nurse kanina ngunit hindi pa rin nawala doon ang mga sugat sa kanyang kilay, sa bibig at sa kanyang panga. Ni pansin na pansin ko ang pangingitim ng kanyang noo na alam kong dahil sa matinding lakas ng pagkakasuntok nila kanina.
I wonder how he managed to get out from those 5 men. Hindi ko alam kung ano ang taglay niyang lakas at kung bakit nagawa rniyang takasan ang limang lalaking siga na iyon.
Nakatingin lamang ako sa kanyang mukkha. Ngayon ay dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang noo at nang maayos ko ang mga takas na buhok sa kanyang noo. Sobrang himbing ang kanyang pagtulog sa puntong ito at pansin na pansin pa rin mula sa kanyang pagmumukha ang maamo nitong ekspresyon.
Mula sa kanyang noo at marahan kong pinababa ang aking kamay sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako napahinto sa paghawak doon. basta tanging alam ko lamang ay ang bumalot ng hiya ang aking sarili. Hiya dahil hindi ko pa rin maiwasang isipin na ako pa rin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Hindi ko pa rin maiwasang maging guilty sa nangyaari sa kanyang ito.
Ngunit hindi ko masisisi ang aking sarili, kung tutuusin. Hindi ko naman alam ang tunay na nangyayari. Alam kong alam niya at alam kong alam niya kung paano umiwas sa gulong ito. Sadyang hindi ko lang alam kung paano ako nadalit sa gulong ito.
Akmang kukunin ko na sana ang aking kamay mula sa kanyang dibdib nang mabilis kong maramdaman ang kanyang kamay na mabilis na humawak sa aking palapulsuhan saka mas mahigpit niya iyong hinawakan at mas lalo lang iiginiit ang presensya ng aking kamay sa kanyang dibdib. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang maskuladong pangangatawan niya. Ang bawat sulok nitong sobrang tigas na alam kong nakakaakit ramdamin. Hindi ko maiwasang mapatitig doon.
Ito ang unang beses kong makahawak ng katawan ng lalaki at alam kong kakaiba si Kael. Ang bawat sulok ng kanyang katawan ay nangingilid ang tigas at maskulado nitong presensya na alam kong walang sino mang babae ang makakatanggi doon.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nagbago ang paningin ko kay Kael. Ang dating inis at galit na bumabalot sa aking puso at isipan sa tuwing nakikita o makausap ko siya ay bigla na lamang naglaho. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa kanya na alam kong may kakaiba itong ibig sabihin.
“H-huwag mo akong iwan, Chantal. Pakiusap.” Wika nito sa akin. Mahina ang boses niyang iyon at ramdam na ramdam ko ang lambing na bumabalot sa boses niyang iyon.
Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko ang init mula sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa puntong ito ngunit isa lamang ang alam kong nararadaman sa puntong ito at iyon ay ang kaba at ang mabilis na pagtibok ng aking puso na alam kong kakaiba na itong nararadaman ko simula noong una naming pagkikita. Kakaiba ang t***k na ito ni hindi ko naman magawang ipaliwanag. Nanatili pa rin sa kanyang dibdib ang aking kamay at mula doon ay ramdam na ramdam ko ang kaibang presensya nito, pakiramdam ko ay tumitigil ang aking mundo sa hindi ko alam na dahilan.
Hindi ako nakapagsalita. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata kaya kahit papaano ay naibsan ang ilang na siyang nararadaman ko ngayon. Kung nakamulat ang kanyang mga mata ngayon ay hindi ko alam kung saan pa ako pupulutin. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang hiya na ito kung sakaling nakatingin siya sa aking mga mata.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapaupo na lamang sa kanyang tabi. Sa puntong ito ay mas lalo lang naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Ilang segundo lamang ang lumipas at tuluyan ko na ring naramdaman ang pagtibok ng kanyang puso, siguro dahil sa katahimikang taglay nitong silid kaya naririnig ko pati ang pagtibok ng kanyang puso.
Hindi ko na namalayan pa ang oras. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na rin akong dinalaw ng antok. Gamit ang malambot na unan sa tabi niya ay pinuwesto ko iyon sa aking harapan saka doon ko sinandal ang aking mukha. Pumikit ako at hinayaan na lamang na lumipas ang oras.
“MISS CHANTAL?”
Marahan akong napaawat mula sa pagkakasandal sa unan nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko kaagad minulat ang aking mga mata at unang ginawa ko ay ang umawat mula sa malambot na unan na iyon.
Kasunod ay tumingin ako sa relos at ngayon ay pansin ko na ang oras, alas sais na at alam kong madilim na ang paligid.
“Miss Chantal, kailangan niyo nang umuwi. Gabi na,” bungad muli sa akin na alam kong mula iyon sa nurse.
Napatingin ako sa kinalalagyan ni Kael at laking gulat ko nang nakatingin na ito sa akin. Pansin na pansin pa rin ang mga band aid sa kanyang mukha at katawan ngunit tuluyan nang bumalik ang dating ekspresyon niya. nakatingin lamang ito sa akin ngayon, alam kong may kakaibang ideya na nangingilid sa tingin niyang iyon.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiwas sa tingin na iyon. Ngayon ko pa lang rin napansin na magkahawak pa pala ang aming kamay. Kasing bilis ng hangin ay mabilis kong kinuha ang kamay ko mula sa maiinit na palad ni Kael.
Mabilis akong tumayo saka kinuha ang aking bag. Wala ako sa sarili ko sa punton ito, bukod sa bagong gising lamang ako ay hindi ko maiwasang makaramdam na naman ng ilang lalo pa at ganoong posisyon ang unang bumungad sa akin.
“S-sorry po, nurse. Hindi ko namalayang lumalim na pala ang tulog ko,” mabilis kong sambit saka mabilis na kinuha ang bag kong nakalagay sa kabilang sulok nitong silid. Mabilis ang naging paggalaw ko.
Akmang lalabas na sana ako ng clinic nang marinig ko ang sinabi ng nurse, “Miakel still needs assistance, Chantal. Hindi pa siya tuluyang nakapagrecover ng kayang lakas. Maari bang samahan mo muna siyang makauwi sa kanila? Alalayan mo lang?”
Napahinto ako. Ilang segundo pa akong nakatayo sa tapat ng pinto nitong silid bago ako muling bumaling sa nurse. Napatingin ako sa kanyang mga mata habang taglay at nangingilid sa aking labi ang hilaw na pagngiti.
“S-sige po,” utal na sambit ko saka muling bumaling kay Kael.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang lapitan si Kael saka muling hawakan ang kanyang kamay.
“I brought a new shirt for him. Ito na lang muna ang isusuot mo sa kanya pansamantala,” wika nito saka inilahad sa akin harapan ang plain white shirt na alam kong para kay Kael.
Hindi ako bumaling sa nurse sa halip ay marahan ko na lamang na kinuha ang shirt na tinutukoy niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin na lamang ang sinabi ng nurse. Kung hindi lang sana siya napuruhan kanina ay hinding-hindi ko ito gagawin.
Saglit akong napatitig kay Mikael. Pansin na pansin ko ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam ngunit unti-unti ko na namang nakikita ang nakakainis niyang pagngiti.
Tsss! Mas mabuti pa iyon tulog siya dahil nagmumukha siyang anghel. Ngayong gising na siya ay paraang may bumubulong sa aking isipan at nararamdaman upang mainis sa kanya.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin ang sinabi ng nurse. Napalunok pa ako ng sarili kong laway bago ko tuluyang hinawakan muli ang kamay ni Kael saka marahan kong isinuot ang damit na ibinigay ng nurse.
"A-araaay!” mabilis akong napahinto nang marinig ko ang marahang sigaw niyang iyon. Napatingin ako sa kanyang mukha at ngayon ay binabalot ito ng sakit na nararadaman. Hindi ko alam kung totoo ba talagang nasasaktan siya o sinasadya lamang niya iyong sambitin.
“Please be carefull, Chantal. Maaring matinding pasa ang natamo ni Kael kaya hindi hamak na masasaktan siya kapag nahawakan iyon. He’s quite sensitive as of now.” wika ng nurse sa akin.
Napapikit ako at pinilit na pakalmahin ang akin sarili. “O-okay po,” wika ko habang kinakain ang sariling pride.
Kung hindi lang dahil sa mga sugat niya at dahil sa nurse aytt bihira ko itong gagawin. Sa imahe namin ngayon ay parang naging alalay na rin niya ako at sa tuwing nakikita ko ang bawat pagngiti niya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng matinding inis at galit lalo pa sa lalaking ito.
Parang ginagamit lang yata niya ang pagkakataong ito upang maging malapit sa akin!
Tiniisin ko na lamang ang bihisan siya. Hindi na ako nagbitaw pa ng anumang salita sa halip ay kinain ko na lamang ang sariling pride ko. Hindi ko naman masasabing utang ko ang buhay ko sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan at alam kong damay lang ako doon. Alam kong si Kael ang totoong may kasalanan at hindi ako!
Ilang minuto akong nagtiyatiyagang bihisan siya. Nang matapos iyon ay dahan-dahan ko na lamang na hinawakan ang kanyang kamay saka inalalayan siyang makalabas sa clinic. Wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin na lamang ang sinabi ng nurse.
Saka ka lang kapag nakalabas na tayo dito sa campus.
Tiniis ko ang oras hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas sa gate. Madilim na ang paligid gayong alas said na ng gabi. Halata na rin sa daan ang matinding traffic. Rush hour kaya abala ang bawat sulok ng daan.
“Malayo pa ba ang bahay ninyo?” sinumulan ko ang pag-uusap namin. Lalo pa at ramdam na ramdam ko ang kanyang bigat.
“M-medyo…” ang tanging sagot niya..
“Alam mo, hindi ko alam kung bakit umabot pa tayo sa ganito,” napahinto ako at sa puntong ito ay hinarap ko siya. Hindi ko siya binitawan sa halip ay tanging ang paningin ko lang ang ibinaling ko sa kanang atensyon. “Kialala mo ang mga lalaking iyon, hindi ba? Ano ang kasalanan mo? Sigurado akong may ginawa kang mal isa kanila kaya ganoon na lamang ang galit nila sa ‘yo. Saka nadamay lang ako dito.” Mabilis ang mga tanong kong iyon lalo pa at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kanina ko pa iyon nais na itanong sa kanya.
Hindi siya sumagot sa halip ay mas lalo ko lang naramdaman ang paghigpit ng paghawak niya sa aking balikat. Alam kong sa puntong ito ay kakaiba na ang pagkakahawak niya sa akin. Na animo’y sinasadya na niya. Kaninang pag-akbay sa akin ay ngayon parang naging pagyakap na iyon.
“Ang importante ay ligtas tayo.” Mahinang wika niya sa akin.
Ngayon ay unti-unti ko nang naramdaman ang tuluyang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sa puntong ito ay tuluyan ko na siyang tinulak. Mabilis ang naging pagtulak kong iyon sa kanya ngunit sa bilis na iyon ay hindi man lang siya natumba..
“Sabi ko na nga ba, e! Kaya mong tumayong mag-isa!” malakas na sambit ko at ngayon ay mas lalo lang uminit ang ulo ko sa kanya.
“H-hindi ka ba naniniwala sa nurse? I want your assistance, Chantal.” Wika niya. Sinubukan pa nga niyang ipakita sa akin ang panghihina mula sa kanyang mukha ngunit huli na siya.
“Manigas ka diyan! Umuwi kang mag-isa mo!” mabilis kong sambit at hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya sa sinabi kong iyon at mabilis ko na lamang na tinahak ang daan pauwi.
“C-chantal! Alalayan moa ko! Masakit pa ang buong katawan ko!” rinig kong sigaw niya ngunit hindi ko na iyon nilingon pa.