Chapter 8

4013 Words
Chantal’s POV Alas dyes nang magtungo kami ni Cindy sa ground. Hindi pumasok ang professor namin sa mga oras na ito kaya Vacant kami. Nasanay na rin kaming pumunta dito sa ground tuwing walang pasok o hindi kaya bakante ang aming asignatura. Sa ground lang kasi namin nararamdaman ang isa’t-isa. Sa ground kung saan malawak ang tanawin. Sa ground kung saan makikita mo ang maraming estudyanteng naglalaro ng kung ano-anong sports. Saka marami rin namang tumatambay rito at iyong iba pa nga ay dito nagrereview sa halip na sa study area. “Hindi ba magbibigay ng pasulit si Miss Yoon mamaya? Parang araw araw na lang niya tayo binibigyan ng pasulit. Hindi ba siya nagsasawa?” bungad ko ng tanong lalo pa nang mamataan kong ang libro ng asignatura namin ni Miss Yoon ang unag binubot niya mula sa bag. “Hindi ko alam, besh. Parang hindi ka na naman nasanay. Advance reading lang at baka mamaya magbibigay siya ng pasulit. Alam mo naman si Miss Yoon. Malupit ‘yon pagdating dito kaya mabuti nang handa kaysa sa magiging tulala ka pagdating sa kanyang klase.” Wika nito kasabay ang pagbukas niya ng libro. Pansin na pansin ko ang pagdiin niya ng atensyon sa librong hawak niya. Akmang itutuon na sana niya ang buong atensyon niya sa librong hawak niya nang mapansin kong mabilis na bumaling ang kanyang paningin mula sa aking likuran. Hindi ko alam ngunit alam kong may kung anong nakikita siya mula sa aking likuran na hindi ko alam. “B-bakit?” tanong ko habang nakaangat ang aking kilay. Pansin ko rin ang pagtuon niya ng atensyon doon na animo’y may nilalang na nakatayo mula sa aking likuran.. Hindi nagtagal ay tuluyan na ring lumitaw sa aking atensyon ang isang tao sa aking harapan. Napaangat ako ng paningin at laking gulat ko nang mamataan ko si Kael na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit siya narito. Mula kay Kael ay mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa aking kaibigan. Tinaasan ko siya ng kilay lalo pa at hindi ko alam kung bakit narito ang lalaking ito ngayon sa aking harapan. Wala akong ideya sa pagpunta niya rito. Hindi naman niya sinabing mag-uusap kami at hindi ko rin alam kung ano ang kanyang sadya at kung bakit siya narito ngayon. “Ay, oo nga pala,” biglang nagbago ang presensya ni Cindy sa aking harapan. Ngayon ay mapanuyo niya akong tiningnan na alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin. Sa puntong ito ay mas lalo lang umangat ang aking kilay lalo pa at kakaiba na ang kanyang kinikilos sa puntong ito. “M-may kukunin pala ako sa library. Uhmmm, maiwan na muna kita rito besh, ah! Saglit lang ako.” pagpapatuloy nito. Akmang magsasalita na sana ako nang mapansin ko ang mabilisang paghakbang niya papalyo sa akin. Hindi ko na rin siya magawang pigilan pa sa puntong ito gayong tuluyan na rin siyang nakalayo sa akin. ‘ Kahit pa gumawa siya ng rason ay malinaw naman sa akin ang nag-iisang rason niya. Alam kong ginawa lang niya iyon upang bigyan ng oras si Kael para sa akin. At nang masulo ako ng lalakin ito. Damn that girl! Akala ko ba magkaibigan kami? Sa ginawa niyang ito ay parang pinagkatiwala na rin niya ako sa lalaking ito. Kung alam lang niya ang angking personalidad ng lalaking ito ay tiyak na hinding-hindi niya ito magugustuhan para sa akin. Nanatili kay Cindy ang aking atensyon hanggang sa ito ay tuluyan nang makawala sa aking paningin. Hindi kay Kael dumapo ang aking paningin sa halip ay sa malawak na ground ito nakatingin at kailanman ay wala akong balak na tingnan si Kael. Wala akong balak na makipagpalitan ng salita sa kanya. “Hi,” bati niya na animo’y ito ang unang pagkikita naming dalawa. Hanip ah! Sa inasta niya, sa binitawan niyang salita ay parang hindi siya gumawa ng kalokohan kahapon. Hindi ko pinatulan ang pagbati niyang iyon. Sa halip na magpapakita ako ng gaan ng loob ay mabigat na presensya ang ibinungad ko sa kanya. Pinakita at pinapahalata ko sa kanyang hindi ko nagustuhan ang paglitaw niya sa aking harapan. Pinakita ko sa kanyang hinding-hindi ko nais ang makipag-usap sa kanya. Hanip rin ang lalakin ito kung umasta e, ano? Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya kahapon. Kung gusto ko lang sana ng gulo ay kanina ko pa siya pinapatawag sa guidance office. Hindi makatarungan ang ginagawa niya kahapon. Kung tutuusin ay isa iyong harassment. Kung tutuusin ay labag iyon sa batas nitong paaralan kaya alam kong mapaparusahan siya kung sakali ngunit Ayaw ko nang gulo kaya hindi ko na iyon pinansin pa. Saka nakauwi naman ako nang maayos kaya ayos lang iyon ngunit ang ipakita niya sa akin ngayon na animo’y wala lang sa kanya ang ginawa niya kahapon ay iyon ang hinding-hindi ko matatanggap. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. pinapahalata ko sa kanya ang kakaibang pakikitungo sa pamamagitan ng boses kong iyon. Pinakita ko sa kanyang hindi ko nais ang kanyang presensya. I hate him so much! Nayayabangan ako sa bawat inaasta niya na animo’y feeling niya ay kaya niyang pasunurin ang lahat. Na animo’y kaya niyang paamuhin at angkinin ang anumang matitipuan niyang babae. Pwes iba ako! Hindi ako tulad ng mga babaeng napagtritripan niya! “Relax… hindi ako narito upang makipag-away. Sa tono ng iyong boses ay parang pinapaalis mo na ako.” mahinang sambit niya sa akin. Nakaupo na siya ngayon sa aking tabi kaya sa tuwing umuuhip ang simoy ng hangin ay dinadala nito ang kanyang pabango dahilan upang ito ay aking malanghap. Kapansin-pansin ang panlalaki niyang bango at wala akong ibang magawa kung hindi ang manahimik na lamang.. “Narito ako upang humingi ng kapatawaran. Sa ginawa ko kahapon.” Mahinang sambit nito sa akin. Hindi ako nagbitaw nang anumang salita sa halip ay nanatili lamang akong tahimik at inabangan ang kasunod niyang sasabihin. Alam ko namang may sasabihin pa siya sa puntong ito. Pansin na pansin ko ang kanyang panggalaw. Napaaayos siya mula sa pag-upo sa aking tabi. Hindi ko man tanaw ngunit alam kong binabalot ng pagkakaseryoso ang kanyang mukha. “Alright,” pansin na pansin ko ang pagharap niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin. Pinilit ko ang sarili kong huwag siyang paningin at mananatili lamang akong nakikinig sa kanyang sasabihin. Nakatuon ang aking atensyon sa malawak sa ground ngunit kitang-kita ko ang kanyang presensya na nakatuon lamang sa aking mukha. “Tatanungin kitang muli, ano ang gagawin ko para matanggap moa ko?” tanong niya. Ngayon ay muli na namang nanumbalik sa akin ang tanong niyang iyon kahapon. Sa puntong ito ay marahan akong bumaling sa kanya. Kasabay ng pagtingin ko sa kanya ay ang pagtanaw ko sa kanyang presensya. Ngayon ay malapad ang pagngiti niya sa aking harapan. Kakaibang reaksyon ang pinakita niya sa akin sa puntong ito. Hindi tulad kahapon na sobrang rahas niya at sobrang seryoso ng kanyang mukha. Kakaiba ang kanyang paningin sa puntong ito at alam kong hindi ito ang Mikael na unang nakilala ko. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siyang maging mabait o talagang sinubukan niyang baguhin ang kanyang personalidad alang-alang man lang sa akin. Ngunit ang lalakin tulad niya ay hindi nararapat na bigyan ng tiwala. Kilala ko siya at alam na alam kong marami na siyang nalokong babae. Marami na siyang babaeng napaiyak at napagsawaan na at hindi ko lubos maisip sa tuwing naiisip kong magiging isa lamang ako sa mga babaeng iyon. “Wala kang gagawin, Kael. Alam mo kung ano ang nais kong gawin mo?” wika ko habang nakatingin sa kanyang presensya. Nanatili pa rin akong seryoso at kailanman ay wala akong balak na ipakita sa kanya ang gaan ng loob. “Layuan moa ko,” pagpapatuloy ko pa. Mabilis akong napatayo at akmang hahakbang n asana ako papalayo kay Mikael nang mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at mabilis akong hinila dahilan upang mapaupo akong muli sa kinauupuan ko kanina. Sa puntong ito ay sa ground na naman nakatuon ang aking atensyon. Hindi ko man tanaw ngunit alam kong nakatuon lamang sa akin ang atensyon ni Kael. “Hinding-hindi ako makakapayag na hindi kita mapasaakin, Chantal. Tandaan mo iyan. Kahit anong gagawin mong pagtaboy sa akin ay mas lalo lang akong lalapit at lalapit sa iyo. Sa bawat pagtanggi na ginagawa mo ay mas lalo mo lang akong tinutulak para suyuin ka.” Wika nito sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko sa puntong ito. Isa lang naman ang natatanging alam kong nais kong gawin sa puntong ito at iyon ay ang alisin siya sa aking harapan. Nais kong mawala siya sa aking mga mata at hinding-hindi na niya ako kukulitin pa. Ilang saglit pa nang mapansin ko ang pagdating ni Cindy sa aking harapan. Sa puntong ito ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob upang bitawan ang kanyang kamay. Hindi na rin niya ako pinigilan pa kaya sa puntong ito ay tuluyan na akong napatayo at mabilis na humakbang papalayo sa upuan na iyon. Hindi ako lumingon ngunit alam kong nakasunod lamang sa akin si Cindy. “Infairness besh, ah. Pero parang nililigawan ka na yata ni Kael.” Mahinang sambit ni Cindy sa akin. Hindi ko siya nilingon pa at nagpatuloy na lamang ako sa paghakbang papuntang canteen. Alas dose na rin at oras na ng tanghalian. Mabilis kaming kumain. Ilang minuto lamang nang matapos namin ang aming pagkain. “Mauna ka na sa silid, besh. Tumawag kasi si nanay. Kailangan daw niya ang tulong ko sa tindahan. Alas dose pa naman kaya mahaba-haba pa ang oras. Babalik rin ako bago ang oras sa klase ni Miss Yoon.” Wika ni Cindy sa akin. halatang-halata mula sa kanyang boses ang pagmamadali. “S-sige. Bilisan mo ah. Baka mapagalitan ka ni Miss Yoon saka baka may pasulit na naman siya at hindi ka makakaabot. Mag-ingat ka!” mabilis kong sambit habang nakatuon ang aking atensyon kay Cindy na ngayon ay mabilis na tumakbo palabas nitong campus. Mahigit dalawang linggo pa lang kaming nagkakilala ni Cindy ngunit sobrang lapit na ng loob namin. Sa tuwing nakikita ko siiyang nagmamadali ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa. Awa dahil halata sa kanyang mukha ang hirap. Nag-iisang anak lamang si Cindy kaya responsibilidad niya lahat bilang anak. Responsibilidad niya lahat ng gawain bilang anak. Siya lamang ang tanging katuwang ng kanyang ina. Maagang pumanaw ang kanyang ama kaya ang nanay lamang niya ang tanging tumataguyod sa kanya noon pa man. Minsan nga napapaisip ako kung paano ko siya matutulungan lalo pa at kapansin-pansin sa kanyang mukha na naghihirap na siya. Hindi ko alam kung paano pa niya nagawang i-balanse ang trabaho niya bilang anak at ang pagiging estudyante niya. Minsan nga napapansin ko siyang inaantake sa antok sa iba naming asignatura na alam kong dahil sa matinding pagod at kulang sa tulog. Sa ngayon ay wala akong ibang maitulog sa kanya kung hindi ang suportahan siya sa anumang desisyon niya sa bahay. Wala akong ibang magawa kung hindi ang ipakita sa kanya na narito lamang ako sa oras na kailangan niya ng tulong lalo na sap ag-aaral. Nang tuluyang nakawala sa paningin ko si Cindy ay humugot ako ng hininga saka tumalikod sa gate nitong campus. Marahan ko na lang na tinahak ang hallway papasok sa building ng engineering kung nasaan ang silid ni Miss Yoon. Alas dose pa naman at hindi ko kailangan ang magmadali lalo pa at sobrang aga pa ng oras. Napapaisip tuloy ako kung anong klaseng pagtitinda ba ang mayroon sina Cindy. Ni isang beses ay hindi ko pa siya nabisita ngunit sa nakikita ko ay sobrang hirap ng kanyang sitwasyon. Kailangan niyang i-balanse ang hirap ng pag-aaral at ang hirap ng kanyang buhay kasama ang kanyang ina. Mula sa marahang paglalakad ay mapahinto ako nang mapansin ko ang presensya ng mga paa na ngayon ay mabilis na humarang sa aking atensyon. Sobrang gulat ang hatid niyon sa akin kaya mabilis akong napaangat ng paningin sa puntong ito lalo pa at alam kong may balak silang masama sa akin ngayon. “A-ano ang nais ninyo sa akin?” utal na tanong ko lalo pa at hindi ko kilala ang mga ito. Hindi sila nagsalita sa halip ay nanatili lamang silang nakatitig sa aking mga mata. Lima sila. Alam kong estudyante rin sila sa campus na ito gayong suot nila ang kaparehong uniporme ng mga lalaki sa campus na ito. Ngunit kakaiba sila sa karaniwang estudyante rito. Kung titingnan ay mga siga sila. Kapansin-pansin ang angas sa kanilang presensya at ang tapang sa kanilang mga mukha. “Hindi ka masasaktan kung sasama ka nang kusa sa amin. Hindi naman talaga ikaw ang sadya namin ngunit kailangan ka namin para sa totoong sadya namin,” matapang na wika nito sa akin. Sa halip na kumalma ang nataranta ako. Wala naman sigurong hindi kabahan kung ang mga ito ang bubungad sa iyong paglalakad. Mabilis akong napatingin sa kapaligiran ngunit wala akong makita ni isang estudyante rito. Siguro alas dose pa at nas loob ng canteen pa ang lahat at abala sa pagkain. Akmang tatakbo na sana ako at lumayo sa mga lalaking ito nang mabilis nilang hinawakan ang aking kamay. Nais kong sumigaw nang malakas ngunit hindi ko magawa gayong mahigpit ng nakatakip sa aking bibig ang isa sa kanilang mga kamay. Ngayon ay kontrolado na nila ang aking paggalaw. Wala akong sapat na lakas upang labanan ang kanilang paghawak sa anumang parte ng aking katawan kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang hayaan na lamang silang kontrolin ang aking paggalaw. “Ono boo… botowon noyo oko…” pilit kong sambit sa kanila, sinusubukang makawala mula sa kanilang pagkakahawak sa akin. “Hindi ba sabi ko ay hindi ka masasaktan kung sasama ka sa amin? Patawad ngunit kailangan namin itong gawin, Chantal…” wika ng isa sa kanila. Hindi ko na rin mapansin pa ang pangyayari hanggang sa kasunod na bumungad sa aking paningin ay ang madilim na silid. Hindi ko alam kung saang parte ng paaralan na ito ngunit sa haba ng paghila nila sa akin ay alam kong sa liblib na parte nitong paaralan ang silid na ito. Ni rinig na rinig ko ang bawat hakbang nila sa sobrang liblib nitong silid. Tanging ang nag-iisang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. Nang tuluyan akong bitawan ay tiningnan ko sila sa kanilang mga mata. Seryoso nila akong tiningnan. Hindi ko alam kung ano ang sadya nila sa akin. Wala naman akong natatandaang naging kasalanan ko sa mga kumag at ungas na mga lalaking ito. Wala akong natatandaang naging atraso ko sa mga ito kaya wala akong ideya kung bakit nila ako dinukot! “Ano ang kasalanan ko sa inyo! Malalagot kayo sa guidance kapag pinakawalan ninyo ako dito! Wala naman akong ginawang masama para itrato ninyo ako nang ganito!” matapang na sambit ko. Pinapalibutan ako ng limang lalaking ito kaya kahit tatakbo pa ako ay mahuhuli at mahuhuli pa rin nila ako kaya ano pa ang magagawa ko? Malakas ang naging pagtibok ng aking puso. Panay ang tingin ko sa kabuuang sulok nitong silid at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako nang ligtas dito. Napatingin rin ako sa akin relos at doon ay pansin ko ang oras. Ilang minuto na lamang ay mag-ala una na at oras na para sa klase namin ni Miss Yoon. Alam ko rin na nasa silid na sa mga oras na ito si Cindy at ayaw kong mag-alala siya sa akin! Alam kong ako at ako ang unang hahanapin niya pagdating sa silid at ayaw kong pag-alalahin ang aking kaibigan! Mas lalo lang naging seryoso ang kanilang mga tingin sa akin. Pansin ko ang dahan-dahang paglapit sa aking atensyon ng lalaking nasa gitna. “Ikaw wala pero ang lalaking malapit sa iyo ay mayroon,” mahinang sambit nito sa akin habang kapansin-pansin pa rin ang nakakatakot nitong pagtingin sa akin. Sa kanilang reaksyon ay parang anumang oras ay kakainin nila ako at hindi ko alam kung paano ako iiwas sa mga ito. “S-sino ang lalaking tinutukoy n’yo?” utal na tanong ko lalo pa at wala naman akong ideya kung sino ang lalakin tinutukoy nila. Wala akong alam kung sino ang lalaking ibig nilang sabihin na malapit sa akin gayong wala naman akong maisip na lalaking sobrang malapit sa akin. Dahan-dahang humakbang ang lalaking nasa gitna nila. Tanging nagawa ko lamang sa puntong ito ay an mapaatras na lamang lalo pa at wala na naman akong maaring matakbuhan upang makaiwas sa kanilang presensya. Hindi ko na rin alam pa kung paano ako iiwas sa mga ito. Siguro isang himala na lamang kung may isang taong magliligtas sa akin mula sa mga ungas na lalaking ito. “Hindi ba kayo malapit? Sa pagkakaalam ko ay sobrang espesyal ka niya. Alam kong handang-handa niyang ibuwis ang buhay niya para sa’yo,” mahinang sambit niya sa akin saka nagpatuloy sa paghakbang papalapit sa akin. Mas lalo lang naging seryoso ang bawat pagtingin ko sa kanya sa puntong ito.. “S-sino ang ti- - -” “Bitawan n’yo siya!” Kasabay ng pagbitaw ko ng katatagan ay ang mabilis na pagguho ng boses na iyon. Mabilis na binalot ng malakas na pagsambit na iyon ang buong silid. Hindi kaagad ako nakalingon sa pinanggalingan nito ngunit alam kong bumabalot sa boses na iyon ang tapang. Pamilyar sa akin ang boses na iyon at hinding-hindi ako maaring magkakamali. Alam kong kilalang-kilala ko ang boses na iyon. “Bitawan n’yo siya. Hindi ba ako ang sadya ninyo? Bakit kailangan n’yo pang idamay ang isang inosenteng babae? Harapin n’yo ako at huwag kayong maging duwag!” matapang na sambit nito sa amin. Sa puntong ito ay tuluyan ko na ring naibaling ang aking atensyon kung saan galing ang boses na iyon. Si Kael suot ang kanyang umiporme ang unang bumungad sa aking paningin. Hindi sa mga lalaking dumukot sa akin nakatuon ang kanyang atensyon kung hindi sa akin. “Bitawan n’yo siya at ako ang harapin n’yo.” Pagpapatuloy pa nitong sambit. Nanatili pa rin sa aking mga mata nakatuon ang kanyang atensyon. Tulad ng sinabi ni Kael ay mabilis nila akong binitawan. Sa puntong ito ay kaagad na sumugod ang limang lalaking ito papalapit kay Kael.. “Ang babaeng ito lang pala ang katapat sa lahat. Ngayon ay wala ka nang kawala, Kael.” Wika ng isa sa limang lalaki na ito. Hindi na sila naghintay pa ng ilang segundo at kaagad rin nilang sinugod si Kael. Sa una pa lamang ay nagawa pang lumaban ni Kael. Tanaw ko pa ang tapang nito habang nilalabanan ang limang lalaking ito. Hindi ko man alam ang puno nitong pag-aaway nila ngunit alam kong matinding galit ang mayroon sila lsa isa’t-isa para humantong pa sa ganito ang lahat. “Tumigil na kayo!” malakas na sigaw ko, nagbabakasakaling magagawa ko silang pigilan sa kanilang pagtatalo ngunit hindi nila ako pinakinggan sa halip ay nagpatuloy na lamang sila sa pagtatalo sa aking harapan. Ilang beses pa akong napapikit lalo pa sa tuwing nakikita kong natatamaan si Kael sa kanilang mga suntok. Nag-iisa lamang si Kael at lima sila kaya kahit gaano pa man kalakas ni Kael ay magagawa at magagawa pa rin nila itong gulpihin. Pansin na pansin sa galaw ni Kael na sinubukan niyang lumaban sa limang lalaki na ito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang pagsigaw lamang at sinusubukang pigilan sila sa kanilang pag-aaway ngunit sa sitwasyong nasa aking harapan ay alam kong hinding-hindi ko sila magagawang pigilan.. “Tumnigil na ako kung hindi tatawag ako sa guidance!” muli kong sambit. Sa puntong ito ay tuluyan na nilang nahawakan s Kael. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Ilang segundo lamang ang lumipas at kaagad na ibinaling ni Kael ang kanyang atensyon sa akin. Pansin na pansin ko ang hirap sa kanyang mukha. Ang pagbabago ng kanyang tingin sa tuwing natatamo niya ang pagsuntok ng limang lalaki na ito. Unti-unti na ring bumabakat sa kanyang bibig ang kuntin dugo na alam kong dahil sa mga suntok ng mga lalaking ito. “Tumakbo ka na, Chantal! Iligtas mo ang sarili mo. Susunod ako!” malakas na sigaw niya. Sa puntong ito ay unti-unti nang pumatak ang mga likido mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung magagawa ko bang iwan si Kael dito lalo pa at alam kong tuluyan na siyang masasaktan. Ni hindi ko alam kung makakalabas pa siya ng buhay sa silid na ito. Hindi ako gumalaw sa halip ay nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Sa bawat pagsuntok nila kayu Kael ay ramdam na ramdam ko ang sakit doon. Ngunit nanatili lamang na matapang ang kanyang pagtingin. Alam kong iniinda lamang niya ang sakit sa puntong ito. “Ano pa ang hinihintay mo? Tumakbo ka na!” malakas nitong sambit muli sa akin. Tulad ng sinabi niya ay mabilis akong tumakbo papalabas sa silid na iyon. Hindi ko alam kung magagawa pa ba niyang makalabas nang ligtas doon. Sa galit na nakikita ko sa limang lalaki na iyon ay hindi ko alam kung mailigtas pa ba ni Kael ang kanyang sarili. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tanging pumasok sa aking isipan na lamang ngayon ay ang imahe ni Kael habang tinatamo nito ang mga suntok mula sa mga lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Naging marahan ang bawat paghakbang ko sa puntong ito. Patuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Naghaghalo na ang takot, kaba at awa sa aking nararamdaman. Takot dahil sa pagdukot nila sa akin, kaba dahil sa nasaksihan kong away kanina at awa kay Kael. Hindi ko lubos maisip kung paano siya makakatakas doon. Lima ang mga iyon at nag-iisa lamang siya kaya alam konmg bihira siyang makaligtas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya upang makawala sa limang ungas na iyon. Kung tama ba ang ginawa kong iwan ko siya doon. Ilang segundo pa at sa wakas ay bumalik na rin sa dati ang aking pag-iisip. Mabilis akong tumakbo papunta sa guard house at nang matulugan ko si Kael. Ngunt ilang hakbang pa nga lang ang aking nagawa nang mapansin ko ang presensya ni Kael na ngayon ay papalabas na ng liblib na silid na iyon. Sa halip an sa guard ang tungo ko ay mabilis kong nilapitan si Kael. Marahan ang naging paghakbang niya. Sa puntong ito ay pansin na pansin ko ang hirap at panghihina mula sa kanyang paningin. Ang mga pasa sa kanyang mukha ay kitang-kita ng dalwa kong mga mata. May bakas ng dugo pa sa kanyang labi. Ngunit sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin ang tapang sa kanyang reaksyon. “K-kael...” hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalo pa at sa puntong ito ay kitang-kita ko ang mga pasa at sugat na natamo niya mula sa mga lalaking iyon. “A-ano ba ang nangyari? B-bakit ka nila hinahanap? Kael! Sabihin mo sa akin!” pagpapatuloy ko pa at sa puntong ito ay tuluyan nang lumakas ang aking boses at mas lalo lang lumakas ang patak ng aking mga luha. Kabado ako sa puntong ito. Ito ang unang beses na madalit ako sa ganoon gulo at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ngumiti siya. Sa kabila ng mga sugat at pasa na kanyang natamo ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Damn this jerk! “Hindi ba sabi ko sa’yo ay gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang? Walang sino man ang magtatangkang saktan ka, Chantal. W-wala...” mahinang sambit nito habang pansin sa kanyang labi ang pilit nitong pagngiti sa aking harapan. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin siyang bumagsak sa lupa. Matinding sugat ang kanyang natamo at maraming pasa at hindi ko alam kung maging masaya ba ako o malungkot. Maging masaya dahil nakaligtas ako mula sa mga lalaking iyon o ang maging malungkot dahil may isang tao ang nasaktan at binuwis ang kanyang buhay alang-alang sa aking kaligtasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD