Chapter 7

3301 Words
Chantal’s POV   MABILIS kong naramdaman ang pagyugyog ni Cindy sa aking balikat. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang siya kung makapagreact sa puntong ito na animo’y kilig na kilig. Hindi ko rin mawari kung ano na ang kaganapan sa paligid gayong nakatitig lamang ang aking mga sa presensya ng aking kaibigan.   “Ano ba, Cindy. Tigilan mo nga ako,” sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakakapit sa aking balikat ngunit mahigpit siyang nakatitig ngayon sa akin.   “B-besh. Lumingon ka sa iyong likuran,” ngayon ay pansin ko ang biglaang pagtigil ni Cindy sa kanyang ginagawa. Hindi na rin sa akin nakatuon ang kanyang atensyon kung hind isa aking likuran na animo’y may kung ano siyang tinitigan doon na hindi ko naman alam kung sino.   Napatingin na rin ako sa aking kapaligiran. Ngayon ay pansin ko na ring sa akin na nakatitig ang atensyon ng mga taong nas canteen.   Tulad ng sinabi ng aking kaibigan ay marahan akong tumingin mula sa aking likuran. Ngayon ay pansin ko ang presensya ng isang lalaking nakaharap lamang sa akin ngayon. Hindi ko pa nakita ang kanyang mukha ngunit alam kong kilalang-kilala ko siya. O baka hindi lang ako kung hindi ang buong campus na ito.   Dala ang isang pirasong bulaklak ay nakatingin lamang siya sa akin. Napatingin ako saglit sa buong ground at wala ni isang estudyante ang hindi nakatitig sa amin ngayon. Kaya sa puntong ito ay hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong maging hakbang. Kung iiwas ba ako sa lalaking ito o hayaan na lamang na magpadala sa emosyon.   “Bulaklak para sa ‘yo.” Ngiting sambit niya. Hindi ko alam kung bakit naiinis akong tingnan ang kanyang mukha.   Ito ang pangalawang linggo ko sa paaralan na ito at sa loob ng dalawang linggo na iyon ay sapat na upang makilala ko ang mga kilalang estudyante sa loob ng campus na ito at isa ang lalaking ito sa mga kilalang estudyante sa paaralang ito. Kaya ngayong nasa harapan ko na siya ay hindi ko maiwasang isipin nab aka ako na naman ang kasunod na bibiktimahin nito.   Hindi ko iyon tinaggap sa halip ay mabilis ko na lamang na hinawakan ang kamay ni Cindy saka kami mabilis na lumisan sa ground na iyon.   “Halika ka na, Cindy…” ang wika ko saka namin mabilis na tinahak ang daan paalis sa ground na iyon.   Hindi na rin ako lumingin pa doon. Wala na akong pakialam pa kung ano man ang magiging reaksyon ng Kael na iyon basta hindi ko lang tipo ang kanyang galaw at pagkatao.   Nang tuluyang makaalis doon ay mabilis kong naramdaman ang pagpipigil ni Cindy sa akin. Nasa hallway na kami ngayon sa college of engineering kung nasaan ang unang subject namin sa hapon na ito. Nang tuluyang makahinto sa paghakbang ay saka ko binitawan ang kanyang kamay. Napatingin siya sa aking mga mata.   “Bakit mo naman tinalikuran si Kael, besh? Siya nan ga ang lumalapit s aiyo. Saka halata namang sincere siya sa ginagawa niya. Sana tinaggap mo man lang. Ang gwapo talaga ni Kael,” pansin ko pa ang kiliting pinakawalan ni Cindy matapos niyang sambitin ang katatagang iyon.   Wala akong naging ibang reaksyon kung hindi ang mapangiwi. Kilala ko ang lalaking iyon at hinding-hindi ko hahayaang maging isa ako sa mga babaeng niloloko niya.   “Parang kang temang. Ako nga na dalawang linggo pa lang sa paaralang ito ay alam na kung sino ang matinong lalaki at sino ang hindi. Hinding-hindi ko hahayaang madalit ako sa lalaking iyon. Habang mas maaga pa ay pipigilan ko ang tandahan na paglapitin kami sa isa’t-isa. Ayaw kong mabilang sa mga babaeng nagsasayang ng luha para sa lalaking iyon ano! Never!” wika ko saka mabilis na tinalikuran ang aking kaibigan at hindi nagtagal ay kaagad ko na ring tinahak ang daan paakyat sa pangalawang palapag.   Kilala ang lalaking iyon sa paaralan na ito bilang isang Mikael. Isang IT Student na walang ibang inatupag kung hindi gulo lamang at ang panliligaw sa mga babaeng natitipuan. Hindi naman siguro ako tangan upang magpadala sa angking karisma niya. Inaamin kong isa ako sa nabibighani sa angkin niyang karisma noong una ngunit hindi na ngayon, ngayong kilala ko na ang kanyang pagkatao. Hindi ko hahayaang maging isa ako sa mga babaeng napaiyak niya. Dinig ko pa na marami na raw na mga babaeng nagkakagulo at piniling mag-away para sa lalaking iyon and damn! Hindi ko maiimagine ang sarili ko na maging isa sa mga babaeng iyon!   Freshmen ako ngunit hindi ako tulad ng karaniwang estudyante sa campus na ito. Oo, maaring baguhan lamang ako sa paaralan na ito ngunit hinding-hindi ko hahayang mabilog niya ang aking isipan. Kung mukha lamang ay pag-uusapan ay inaaamin kong hindi ako lugi sa kanya ngunit mas pipiliin ko pang makipag-date sa lalaking may busilak na loob na hindi naman kagwapuhan kaysa sa lalaking gwapo nga pero wala naman sa ugali at galaw..   Hindi ko na nilingon pa si Cindy hanggang sa makarating kami sa loob ng room ni Miss Yoon. Tulad ng inaasahan ko ay nadatnan ko ang mga kaklase namning kaharap ang tanging libro sa kani-kanilang mesa. Ang librong tumatatak na rin sa aking isipan.   Dalawang lingo na rin akong ganito. Sa mga oras na ito ay ginugugol ko ang bawat segundong lumilipas sa pagbabasa ng libro ni Miss Yoon.   Nang makarating sa upuan ay kaagad kaming umupo ni Cindy doon. Hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo at pagkaupo aty pagkaupo namin doon ay mabilis ko na lang na kinuha ang libro mula sa akin bag at seryosong nagbabasa ng advance lesson nito.   Nasanay na rin ako. Dalawang linggo nan ang lumipat ako sa paaralang ito at nasanay na rin ako sa kalakaran ng paaralan na ito. Pagdating sa klase ni Miss Yoon ay walang sino man ang hindi natataranta at inaamin kong isa na ako roon. Isa na ako sa mga estudyanteng natataranta sa mga oras na ito.   Sino ba naman ang hindi matataranta kung nagbnibigay ng pasulit ng iyong guro nang wala ka man lang alam. Tulad ng ibang estudyante rito ay nasanay na rin akong magbasa nang advance lesson namin at nang magbibigay ng pasulit si Miss Yoon ay hindi magiging bakante ang aking papel.   Tulad ng inaasahan kong mangyari ay ilang minuto lang ang lumipas nang dumating si Miss Yoon sa silid. Tulad ng nakasanayan ay sabay-sabay naming tiniklop ang librong hawak-hawak namin saka itinuon ang mga atensyon kay Miss Yoon.   Sa pagkakaalam ko ay bitiranong professor si Miss Yoon sa paaralan na ito. lahat yata ng estudyante ay takot sa kanya dahil sa angkin niyang personalidad; mahigpit pagdating sa pasulit at rinig ko ay marami na rin raw ang bumagsak dahil sa kanya. Wala wala ni isang estudyante ang hindi nagseseryoso pagdating sa kanyang asignatura. Lahat ay nagsisikap na makapagreviw nang maayos at nang hindi ma-zero sa bawat pasulit na kanyang igagawad sa amin.   “Get one whole sheet of paper. May pasulit tayo tungkol sa lesson 4.” Bungad nito sa amin. Hindi na rin kami nagulat sa bungad niyang iyon gayong nasanay na rin kami sa kanyang pagbungad sa tuwing pumapasok siya sa silid na ito. Kapag ganitong oras ay nakahanda na ang papel at ballpen namin sa tag-iisa naming bag para sa magiging pasulit niya.   Pati ang aming utak ay nakahanda na rin. Ngunit inaamin kong matinding pagbabasa muna ang dadaanan namin lalo pa at Chemistry class namin si Miss Yoon kaya hindi maaring nakapikit ka lamang. Kailangan talaga ay masuring pagbabasa ang iyong gagawin bago mo makuha ang bawat tanong na kanyang igagawad.   Kaagad na binalot ng katahimikan ang buong silid. Bawat tanong ni Miss Yoon ay nakatuon ang bawat mata ng mga kaklase ko sa kanya. Napatingin ako kay Cindy at ngayon ay hindi ko inakalang nakatingin na rin pala siya sa akin. Kaagad na nagkasalubong ang aming paningin.   “May sagot ka bas a number 5? Ang number 3?” mahinang sambit ko lalo pa at maraming bakante ang aking papel at madalas doon ay hindi pamilyar sa akin.   Hindi siya sumagot sa halip ay pinakita na lamang niya sa akin ang kanyang papel at hindi ko maiwasan ang maubo nang matanaw ko iyon. Madalas ay bakante ang bawat numero na alam kong babagsak talaga ito sa unang tingin pa lamang.   “Haayst. Mas malala ka pa pala sa akin. Ito o,” marahan kong ibinaba ang aking papel saka iyon pinakita kay Cindy. Kasing bilis rin ng hangin ang pagtingin niya doon saka mabilis na pinunaan ng sagot ang bakanteng numero niya.   Nasanay na kaming ganito sa mga oras na ito. Sa oras ni Miss Yoon ay para na rin kaming sasabak sa giyera. Sa bawat pasulit niya ay walang hindi magiging kabado lalo pa at nakatatak na sa aming isipan na dapat makakapasa kami gayong maraming nagsasabing hindi niya pinapatawad ang mga estudyanteng nagkakaroon ng mababang marka sa kanyang klase saka wala naman sigurong hindi matatakot na babagsak sap ag-aaaral.   Ilang oras rin ang lumipas at nakahinga na rin kami nang maluwag nang matapos ang aming klase kay Miss Yoon. Para kaming nabunutan ng tinik sa anumang parte ng aming katawan. Kasay ng paglabas namin sa silid ni Miss Yoon ay ang paghinga namin nang maluwag. Kahit papaano ay natapos rin ang araw na ito.   Sabay naming binaba ang hallway. Napatingin ako sa aking relos.   “Malapit nang mag-alas singko. Mauuna ka na naman ba sa akin sap ag-uwi?” tanong ko. Inunahan ko na rin siya dahil madalas na naman niya iyong ginagawa. Nais ko mang sumabay sa kanya sa pag-uwi at makipagkuwentuhan ngunit hindi ko iyon nagagawa dahil sa pagmamdali niya.   “Oo. Mauna na ako. Naghihintay na si mama sa tindahan at kailangan ko pang tulungan siya. Mauna na ako, ah! Salamat ulit sa mga sagot kanina!” masayang wika niya saka mabilis na umalis sa aking harapan at mabilis na lumabas ng campus. Hindi ko na siya pinigilan pa. Naiitindihan ko naman si Cindy. Magkaiba kami ng antas ng pamumuhay at naiintidihan ko siya sa bawat pagmamadali niya. Hindi ko nga lubos maisip kung paano niya nagawang hatiin ang kanyang oras para sa pag-aaral sa sa munting negosyo ng kanyang ina. Ngunit kailangan kong masanay lalo pa at marangal naman niya iyong ginawa.   Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga. Sa puntong ito ay tanaw ko ang maraming estudyante na sabay sabay na nagsilabasan sa campus. Kasabay ng paghakbang ko ay ang pagkuha ko sa pocket book mula sa aking bag saka ko sinimulan ang pagbabasa. Akmang ilalagay ko na sana ang headset sa aking tainga nang mapansin ko ang pang humaharang sa aking harapan. Mabilis akong napahinto sa paglalakad. Unang tingin ko pa lamang mula sa suot niyang sapatos ay alam ko na kaagad kung sino ang lalaking ito sa aking harapan ngayon. Hindi na ako nagulat pa nang inangat ko ang aking paningin.   Mabilis kong tiniklop ang pocket book na hawak ko sana ko iyong mahigpit na hinawakan.   “Ano ang kailangan mo?” matigas na boses ang aking pinakawalan habang nakatingin ako sa kanyang mga mata. Ngayon ay pinakita ko sa kanya na kailanman ay hindi ako natakot sa paglitaw niya sa aking harapan ngunit ang totoo ay nanginginig na aking laman-loob ko sa sobrang takot.   Napasilip ako sa kapaligiran at ngayon ay madalang na lamang ang naglilingaliw sa paligid kaya alam kong bihira na lamang ang makakapansin sa amin. Saka hapon na rin at papalubog na ang araw kaya medyo madilim na ang paligid.   “Sa tingin mo bakit ako narito? Chantal?” malamig na boses ang kanyang pinakawalan. Kapansin-pansin sa kanyang pagmumukha ang seryoso nitong ekspresyon. Ang ekspresyon nitong alam kong walang sino man ang hindi matatakot lalo pa at sobrang seryoso nito kung titingnan.   “A-ano ang kailangan mo?” utal na tanong ko.   Kasabay ng tanong kong iyon ay ang mabilis niyang paghawak sa aking kamay saka mabilis akong hinila papasok muli sa matahimik na gusali. Hindi ko na magawa pa ang bumitaw o ang umiwas doon dahil sa malakas na pagkakahila niya sa akin. Nais ko mang umiwas sa pagkakahawak niya sa aking kamay ngunit wala akong sapat na lakas upang pantayan ang kanyang paggalaw. Nang makarating kami sa lobby ay saka niya ako binitawan.   Nang bitawan niya ang aking kamay ay sinubukan ko ang umalis sa kanyang harapan at lumayo sa kanyang presensya ngunit hindi ko iyon nagawa lalo pa at mabilis rin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at mabilis akong pinasandal sa pader. Ngayon ay nakatingin lamang siya sa aking mga mata. Pansin na pansin ko ang mga seryoso niyang pagtingin sa akin na animo’y anumang oras ay kakainin niya ako.   “Pinahiya moa ko sa harap ng mga tao. Alam mo bai yon?” seryoso niyang sambit. Ngayon ay pansin ko na ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking balikat at sa puntong ito ay marahas niya akong iginiit sa pader.   “E, ano ngayon? Kung sasabihin ko sa ‘yo na hindi kita type? Masama bang tumanggi? Saka hindi ako- - -“   “E, paano kung sasabihin ko sa iyo na wala pa ni isang babaeng tumatanggi sa mga alok ko. Hindi mo ba ako kilala, Chantal?” sabat niya sa akin. Ngayong tinawag niya ang aking pangalan ay hindi ko maiwasang mapakulo ang akin dugo lalo pa at sa puntong ito ay mas lalo ko lang naradaman ang seryoso niyang mga tingin sa aking atensyon.   “Kilala. Kilalang kilala kita, MIKAEL,” nilinaw ko sa pagkakasambit ang kanyang pangalan at nang marinig niya nang mas malinaw ang katatagang iyon. “Isang mayabang at babaerong estudyante sa campus. Isang basagolero at walang ibang inaatupag kung hindi ang paglaruan ang mga babaeng natitipuan.” Pagpapatuloy ko pa.   Natahimik siya sa sinabi kong iyon. Hindi siya kumibo kaya sa puntong ito ay ako naman ang nagmukhang mayabang sa kanyang harapan. “Hindi ba at tama ako?” wika kong muli ngunit mas lalo ko lang naradaman ang paghawak niya sa aking balikat. Sa punton ito ay pansin ko na rin ang pag-awang ng kanyang panga na alam kong dahil sa binitawan kong katatagan. Na alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyon.   “Ano pa? May nakalimutan ba pa akong sambitin, Kael? Hinding-hindi- - -“ hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita nang maramdaman ko ang mabilisang paglapit ng kanyang bibig sa aking mukha. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang kanyang hininga sa sobrang lapit ng aming presensyas.   “Hindi pa nga tayo nagkakilala Chantal ay nagsalita ka na ng tapos. Paano kung kilalanin mo muna kaya ako bago ka magsalita nang masama sa akin,” bulong nito. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tuwing nagbibitaw siya ng salita.   Napatingin na rin ako sa kanyang mga mata. Ngayon ay hindi ko maiwasan ang mapabilog ng aking paningin lalo pa at nabigla ako sa naging hakbang niya. Mas lalo ko lang nakita nang mas malapitan ang kanyang presensya; ang matangos niyang ilong at ang makinis niyang mukha. Ngunit kailanman ay hindi ako nahuhumaling doon. Kahit magmumukha pa siyang isang Hollywood Star ay hinding-hindi ako magkakainteres sa kanya. Hindi ko tipo ang mayayabang at basagolerong tulad niya.   Hindi ako nakagalaw matapos niyang sambitin ang mga katatagang iyon. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko sa sinabi niyang iyon.   “B-bitawan mo nga ako, Kael!” malakas na pagsambit ang binitawan ko. Sa puntong ito ay sinubukan kong hawiin ang kanyang kamay na nakakapit sa aking balikat ngunit hindi ko iyon magawa gayong sa tuwing sinubukan kong alisin ang kamay niya doon ay mas lalo lang niyang pinaramdam sa akin ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa aking balikat.   “Shhh,” gamit ang kanyang hinalalaki ay hinarangan niya ang aking bibig. Sa puntong ito ay tuluyan na naman akong napatahimik. Sa angking lakas niya ay hindi ko na magawa pa ang kumawala sa bawat paghawak niya sa aking balikat.   “Siguro nagawa mo akong tanggihan kanina sa ground. Ngayon, tingnan natin kung magagawa mo pa akong iwasan, Chantal.” Mahinang wika niya sa akin.   Sa puntong ito ay nanatili pa ring nakatakip sa aking bibig ang kanyang hinalalaki habang mas lalo lang niyang nilapit ang kanyang atensyon sa aking mukha.   “A-ano ba,” hindi ko magawang sambitin ang bawat katatagang aking bibitawan gayong masyadong mahigpit ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig. Ngayon ay wala akong ibang magawa kung hindi ang mapatitig lamang sa kanyang mga mata.   “Ano ang gagawin ko para magustuhan mo ako?” tanong niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa naging tanong niyang iyon sa akin.   Dammit, Chantal! Huwagn a huwag mong hayaang lokohin ka ng lalaking ito. Hindi siya tipo mo at kailanman ay hindi mo siya magugustuhan. Isa siyang playboy, basagolero at mabayang! Hindi siya ang lalaking nararapat para s aiyo! Sa dami-daming lalaki sa campus na ito ay natitiyak kong may mas lalagpas pa sa lalaking ito. Huwag na huwag kang magpapadala sa lalaking ito!   Nanatili akong tahimik. Kailanman ay wala akong balak na sagutin ang tanong niyang iyon sa akin. Kailanman ay wala akong balak na aminin sa kanya na gusto ko siya at mas lalong hinding-hindi ako magpapakita sa kanya ni kunting motibo upang bigyan suiya ng pag-asa.   Once a playboy always a playboy. Ang taong basagolero ay hinding-hindi na magbabago at kabisado ako doon. Nakaukit na sa pangalan niya ang mga katatagan na iyon at kailanman ay hinding-hindi na siya magbabago pa. Hindi kailanman.   Ilang minuto pa at tuluyan na rin niya akong binitawan. Hindi ako lumikha nang anumang galaw sa puntong ito. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanyang mga mata. Ni pansin ko ang seryoso niyang mga pagtingin sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon magawang iwasan ng pagtingin.   “Balang araw ay magugustuhan mo rin ako, Chantal. Maaring hindi ngayon ngunit pinapangako kong darating rin ang araw na iyon. Kahit gaano ako kasama sa paningin mo ay sisikapin kong maging mabuti at iyon ay para sa ‘yo.” Mahinang sambit niya. Pansin na pansin ko ang seryosong tunog ng kanyang boses at hindi ko alam kung maging masaya ba ako o masaktan sa sinabi niya.   Ilang segundo pa at dahan-dahan kong inangat ang aking paningin. Medyo matangkad siya kaysa sa akin kaya kailangan ko pang iangat ang aking paningin bago magkatama ang aming paningin. Napalunok ako ng sarili kong laway.   “Sa ginawa mong ito ay mas lalo mo lang sinira ang pagkatao mo, ang imahe mo. Mas lalo mo lang sinayang ang pagkakataong magustuhan kita.” Mahinang sambit ko at sa puntong ito ay tuluyan ko na ring nahawi ang kanyang kamay na kanina ay mahigpit na nakahawak sa magkabila kong balikat.   Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis ko na ring tinahak ang daan pabalabas nitong lobby. Hindi na rin niya ako pingilan pa. Medyo makulimlim na ang paligid nang tuluyan akong nakalabas ng lobby.   Hindi ko alam kung ano ang kanyang trip. Imposible namang ganoon na lamang kabilis niya akong magustuhan. Bago lamang ako sa campus na ito. Sa loob ng dalawang linggo ay bihirang magugustuhan niya kaagad ako kaya alam kong may dahilan sa likod ng mga iyon.   Siguro isa ako sa mga babaeng napapagtripan niya sa loob ng campus na ito at kailanman ay hinding-hindi ako makakapayag na maging isa ako sa mga nakahilerang mga babaeng napagsawaan niya. Ang maging isa sa mga babaeng dumaan sa kanyang kamay at nagsayang ng ilang patak ng luha.   Isang playboy, basagolero at hindi seryoso sa kanyang pag-aaral kung ilalarawan si Mikael at kailanman ay hinding-hindi ako magkakainteres sa mga taong may ganoong klaseng personalalidad. Hindi kailanman at pinapangako ko iyon sa aking sarili.   Hindi kailanaman darating ang araw na magugustuhan ko siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD