Chapter 8: Megan

2040 Words
Habang kumakain hindi ko mapigilan na hindi sumulyap minsan kay Jessica, na nakatalikod sa gawi ko. Dati nakaharap s'ya sa akin at pinapanuod akong kumain pero ngayon ay hindi. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko noong nakaraan na wag akong tingnan o dahil sa nangyari at nasabi ko sa kan'ya kanina noong nasa k'warto niya ako. Hay! Ewan ko ba naman kung bakit ganun ang mga nabitiwan kong salita sa kan'ya kahit na alam ko naman na nagbibiro lang s'ya. Masyado akong sensitibo sa usapan na may kinalaman sa s*x. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang gawin ang bagay na iyon. Isinubo ko na ang huling pagkain sa bibig ko bago ako uminom ng tubig. "Tapos na ako," sabi ko para tawagin ang kan'yang pansin. Humarap s'ya sa gawi ko pero nakayuko naman ang ulo. Mukhang ayaw n'ya talaga akong tingnan. Tumayo na ako at umalis sa kusina. Baka kapag nagtagal pa ako roon ay hindi na rin s'ya kumain. Pumasok ako sa k'warto ko. Sumampa ako sa kama at sumandal sa headboard. Nag-scroll ako ng mga social media accounts ko. Maraming notification pero hindi ko iyon tiningnan dahil tinatamad ako. Nag-scroll din ako ng mga post ng mga friends ko sa account na iyon pero wala pa sigurong 30 minutes ay nabo-bored na ako kaya bumangon na ako sa kama. Pumunta ako ng banyo para maligo ng mabilis bago matulog para presko ang pakiramdam ko. Habang nagsasabon ng katawan sumagi na naman sa isipan ko ang nangyari kanina, hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapabuntonghininga. Masyado yata akong lumampas sa mga salitang ginamit ko sa kan'ya kaya ganun na lang ang naging kilos niya ngayon. Pagkatapos magbanlaw ay nagtuyo na ako ng katawan gamit ang towel bago ko isinuot ang roba na kalahati lang ng hita ko ang haba. Naupo ako sa harap ng vanity mirror at nagsimulang mag-blower ng aking buhok para mas mabilis matuyo. "Pasok," tugon ko sa taong kumatok sa k'warto ko. Naglakad ako papunta sa kama para maupo kasabay ng pagbukas ng pintuan ng k'warto ko. "Telepono po," sabi niya. Inabot niya sa akin ang hawak niyang telepono habang nakatungo. Hindi man lang n'ya magawang tingnan ako kahit saglit. "Sino raw?" tanong ko. "Mommy n'yo raw po," sagot niya na hindi pa rin nakatingin sa akin. Pagkarinig ng sinabi n'ya ay umasim agad ang mukha ko. Ayoko kong makausap ang aking ina. "Sige, makakaalis ka na," sabi ko pagkakuha sa kan'ya ng telephone. Tumango s'ya at agad na lumabas sa aking k'warto. "Bakit?" walang gana kong tanong sa aking ina. "Wala naman anak, gusto lang kitang kamustahin at makausap kahit saglit," sagot niya. "Ayos lang po ako." sagot ko, "Sige po at marami pa akong gagawin." "Anak naman... hindi mo pa rin ba ako kayang patawarin?" tanong niya. Napaikot ang mga mata ko. Paano ako magpapatawad kung wala naman s'yang ginawa para tulungan ako noon? "Huwag n'yo na akong umpisahan Mommy. Alam n'yo na dapat ang sagot," sagot ko. Huminga s'ya ng malalim. "Sige naiintindihan ko. Ang kapatid mo, hindi mo man lang ba s'ya kakausapin o kakamustahin man lang?" Napakuyom ang isang palad ko. "Hindi." Ibinaba ko na ang tawag. Kakaligo ko lang pero ang init ng pakiramdam ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Nanahimik na ako. Bakit kailangan n'ya pa kasing tumawag?! Lalo lang n'yang ipinapaalala sa akin ang nangyari na gustong-gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa. Inalis ko na ang robang suot ko. Kumuha ako sa drawer ng undies at isang over sized na t-shirt bago ako lumabas ng k'warto bitbit ang telepono. Naabutan ko sa sala si Jessica na nanunuod ng TV. Mukhang tutok na tutok s'ya sa pinapanood dahil hindi n'ya ako napapansin. Nanunuod s'ya ng pelikula, korean movie to be exact. Napataas ang kilay ko dahil mukhang maganda ang pinapanuod niya at parang gusto ko rin manuod. Lalapit na sana ako sa couch ng maalala ko ang pakay ko kaya ako talaga lumabas ng k'warto. Pumunta ako sa mini bar ng unit ko at kumuha ng isang bote ng alak at shot glass. Binitbit ko iyon papunta sa sala. Naupo ako sa katapat niyang upuan. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya tumingin din ako sa kan'ya pero agad naman s'yang nag-iwas ng tingin. "Pwede mo ba akong ikuha ng yelo?" sabi ko. Tumango siya at agad na tumayo para sundin ang utos ko. "Eto po," sabi n'ya at inilapag sa harapan ko ang ice bucket na punong-puno ng yelo. Agad akong nagsalin sa akin baso pagkalagay ko ng yelo at mabilis iyon tinungga na parang tubig lang. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-shot ng alak. Hindi ko na nga alam kung nakailang shot na ako simula ng maupo ako rito sa sala. Hindi na rin ako nakapanood ng palabas na pinapanuod niya dahil pag-inom na ang inatupag ko. "Ma'am, may pasok pa po kayo bukas," sabi niya nang pigilan ang kamay ko nang aktong iinom ulit ako. "Don't worry, kaya kong magtrabaho kahit may hang over ako," sagot ko. Inalis ko ang kamay niya na pumipigil sa kamay ko. Pero bago ko pa man mailapit sa bibig ko ang baso ay mabilis n'ya iyong inagaw sa kamay ko at ininom. "Ihahatid ko na po kayo sa k'warto n'yo," sabi niya pagkatapos inomin ang alak. Hinawakan niya ako sa bewang para alalayan pero mabilis akong umiwas. Hindi dahil ayoko, umiwas ako dahil para akong nakuryente sa hawak niya. Napahinga s'ya ng malalim sa ginawa ko at napakamot sa isa n'yang kilay habang nakatingin sa akin. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa naging kilos niya. Bakit ang cute n'ya yata bigla sa paningin ko? Mukhang lasing na nga yata ako. "Lasing na nga yata ako," sabi ko bago tumayo. Biglang umikot ang paningin ko kaya na out balance ako pero mabilis naman n'ya akong dinaluhan para alalayan. Tahimik kaming naglakad papunta sa aking k'warto habang hawak niya ako sa bewang. Inihiga n'ya ako ng dahan-dahan sa kama at kinumutan. Aalis na sana s'ya ng pigilan ko s'ya sa kan'yang kamay. Gusto ko s'yang kausapin tungkol sa nasabi ko na hindi maganda sa kan'ya. "Galit ka ba?" tanong ko na namumungay ang mata. First time kong ma-bothered na may galit sa akin dahil sa nagawa o nasabi ko. Sa iba naman kasi noon hindi ako ganito. Wala akong pakialam kahit kamuhian nila ako pero sa kan'ya parang ang bigat ng loob ko. "Hindi po Ma'am," sagot niya. Hindi ako nanininwala roon dahil nag-iba talaga ang kilos n'ya pagkatapos ng nangyari. "Sinungaling!" sabi ko, "Kung hindi ka galit bakit hindi mo ako magawang tingnan kanina?" "Sabi n'yo naman po kasi, staring is rude," sagot niya na ginaya pa yata ang tono ko noong sinabi ko iyon sa kan'ya, kaya natawa na naman ako. Hindi ko ugaling ngumiti o tumawa simula nang mangyari ang isang malaking bangungot sa buhay ko. Nawalan ako ng dahilan para ngumiti at maging masaya pagkatapos noon. Pakiramdam ko hindi ko na deserve pa ang ngumiti at sumaya pero bakit pagdating sa kan'ya parang ang dali lang ng lahat. Bakit dahil sa kan'ya napapangiti ako dahil sa simpleng kilos lang niya? Hinila ko s'ya bigla sa kamay para paupuin sa kama pero nabigla yata s'ya sa ginawa ko dahil dere-deretso s'yang napadagan sa akin habang nakatuon sa aking dibdib ang isa niyang kamay. Napapikit ako dahil sa bahagyang paggalaw ng kamay niya roon. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. "Sorry po... sorry!" natataranta pa na sabi niya at muling tumayo. "Aalis na po ako Ma'am, pahinga na po kayo." Nagmamadali s'yang naglakad para umalis pero tinawag ko s'ya. Napatigil s'ya sa aktong pagpihit ng doorknob ng pinto. Gusto ko sanang magpasama hanggang sa makatulog ako. Baka sakali kasing hindi ako bangungutin kagaya noong nakaraan ng patulugin niya ako. Lumingon s'ya sa akin. "Bakit po?" Umiling ako. Nagbago na ang isip ko. Baka kasi masanay ako at hilingin ko na sa kan'ya iyon palagi. "Wala. Sige na, matutulog na ako," sagot ko. Tumango siya sa akin bago lumabas ng k'warto ko. Pumikit na ako para matulog. Mabilis lang naman siguro akong makakatulog dahil madami akong nainom. Siguro naman hindi na ako dadalawin nang nakaraan. "No!" umiiyak na sigaw ko at pilit kumakawala, pero tila isang bakal iyon na hindi man lang natinag sa aking pagpupumiglas at pagwawala. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, kasama na rin siguro ang impyerno dahil sa nangyari. Dahan-dahan akong umalis sa lugar na iyon pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay may pumigil na ulit sa akin. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas hanggang sa makawala ako. Mabilis akong tumakbo at sumakay sa kotse ko. Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho dahil sa takot na abutan ako ng humahabol sa akin kaya nagulat ako ng may biglang lumagabag sa harapan ng kotse ko kasabay ng pag-agos ng madaming dugo. "No! No!" sunod-sunod na sigaw ko. Hindi ako makahinga! Halo-halo ang nararamdaman ko. "Ma'am!" may naririnig akong sigaw kasabay ng paggalaw ng aking balikat. "Ma'am, gising!" Luhaan akong nagmulat ng aking mata. Mukha ni Jessica, ang bumungad sa akin kaya para akong nakahinga ng maluwag. Iyon na naman ang panaginip na iyon na palaging kong napapanaginipan halos gabi-gabi. "Okay lang po ba kayo, Ma'am?" bakas ang pag-aalala sa magandang mukha n'ya para sa akin. Bumangon ako sa kama at agad na yumakap sa kan'ya. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko dahil natigilan s'ya pero saglit lamang iyon dahil naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran na masuyong humahaplos doon. Umiyak ako habang nakayakap sa kan'ya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, parang sasabog na ako at kailangan ko ng karamay ngayon. "Sige lang Ma'am, iiyak n'yo lang po 'yan. Nandito po ako para damayan kayo kung ano man iyang bumabagabag sa in'yo," aniya, "Magtiwala lang po kayo at magiging maayos din po ang lahat." Simpleng salita lang iyon at malimit ko rin iyon marinig sa iba na sinasabi iyon, pero iba kasi ang sa kan'ya, parang ang sincere. Nakakagaan ng pakiramdam kahit papaano. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya ng kumalma ang emosyon ko. Pinunasan n'ya ang pisngi ko gamit ang kan'ya kamay habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako umiwas ng tingin sa titig niya dahil gusto ko ang epekto ng mga tingin niya sa akin. "Ikukuha lang po kita ng tubig at gatas," sabi niya sa akin bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Tumango ako sa kan'ya kaya lumabas na s'ya sa akin k'warto. Sampong minuto siguro ang lumipas ng makabalik s'ya sa k'warto ko dala ang isang maliit na tray na may lamang isang baso ng gatas at isang baso ng tubig. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng aking bedside table bago naupo ulit sa tabi ko at kinuha ang baso ng gatas at inabot iyon sa akin. "Salamat," sabi ko. Ininom ko ng straight ang laman ng baso ng gatas at inabot ulit iyon sa kan'ya. Kinuha n'ya sa akin ang baso at pinalitan naman ng isang baso ng tubig. Uminom ako ng konti para lang mawala ang lasa ng gatas sa bibig ko at muli iyong iniabot sa kan'ya. Pagkatapos niyon ay isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa sa loob ng k'warto ko. "Gusto n'yo po bang pag-usapan kung ano man iyang bumabagabag sa in'yo?" sabi niya sa akin makalipas ang ilang minuto. "Baka sakali pong makatulong kapag inilabas n'yo o may pinagsabihan kayo tungkol sa panaginip n'yo." Umiling ako habang malungkot na nakatingin sa kan'ya. Hindi ko kayang ikwento ang bangungot na iyon sa iba. Ngumiti s'ya sa akin ng bahagya bago ipinatong ang kan'yang kamay sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng aking hita at bahagyang pinisil. "Kayo po ang bahala Ma'am, pero kung sakaling dumating ang oras na gusto n'yo ng makakausap tungkol doon, nandito lang po ako," sabi niya. Tumayo na s'ya pagkatapos kong tumango sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay niya nang aktong tatalikod na s'ya. Lumingon s'ya sa akin na may nagtatanong na mga mata. "P'wede bang samahan mo muna ako ulit hanggang sa makatulog ako?" Isang malaking ngiti ang sumilay sa kan'yang labi. "P'wedeng-pwede po Ma'am, nanginginig pa." Bahagya akong natawa sa isinagot niya sa akin bago umayos ng higa at pumikit para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD