Chapter 7: Jessica

2008 Words
Nang ayain ako ni Ma'am Megan, na lumabas na ng meeting room ay nakangiti pa rin akong tumango sa kan'ya kahit na ang sama na ng pakiramdam ko dahil sa gutom. Inabot kami nang alas dos ng hapon sa meeting niya kay Mr. Oh, kaya naman parang malapit na akong panawan ng ulirat. Mula umaga hanggang matapos ang meeting namin ay kape lang ang laman ng aking tiyan dahil hindi naman ako nakakain kaninang umaga dahil hindi pa s'ya kumakain. Ayoko naman kumain nang hindi pa s'ya kumakain kaya nagbaon na lang ako ng almusal sana naming dalawa kaya lang iyong para sa dalawang tao eh, inubos n'ya na ikinagulat ko pa dahil hindi ko akalain na kaya n'ya iyong ubusin ng mabilis. Gutom na gutom yata s'ya kaya nawala ang poise o ang pagiging mahihin niya sa pagkain. Pagdating sa opisina ay agad pumasok si Ma'am, sa loob ng opisina niya kaya mabilis din akong naupo sa desk ko dahil nahihilo na ako. Sumobsob ako sa ibabaw ng lamesa ko. Parang hindi ko na yata kayang magtrabaho hanggang sa mag-uwian. Nahihiya naman din akong magpaalam kay Ma'am Megan, na lalabas muna para kumain, and besides parang hindi ko na rin talaga kakayanin ang maglakad pa papunta sa canteen. Pakiramdam ko any moment mahihimatay ako kapag tumayo pa ako. "Excuse me, Ms.," dinig kong may nagsalita kalahating oras siguro simula ng sumobsob ako sa lamesa. Nag-angat ako nang tingin bago nagkusot ng aking mata kung tama ba ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. "Yes po?" tanong ko sa delivery boy ng mga pagkain. Kahit nasa plastic pa lang ang mga bitbit niyang pagkain ay amoy na amoy ko na ang mga iyon kaya lalong kumalam ang sikmura ko. "Tatanong ko lang po kung kayo po ba si Ms. Jessica Mendoza?" tanong ni Kuya delivery boy sa akin. Tumango ako sa kan'ya. "Ako nga po, bakit po ba?" "Delivery po para sa in'yo," sagot niya sa akin at inilagay sa ibabaw ng table ko ang ilang plastic bag ng pagkain na may logo ng kinainan namin kahapon ni Ma'am. "Oi, Wow! Pagkain, sarap niyan, Jessica!" singit ni Ms. Alvarado, na hindi ko napansin na dumating pala. "Ang dami naman ng order mo Jess." Napangiwi ako kay Ms. Alvarado. "Hindi po ako nag-order n'yan Ma'am, baka nagkamali lang si Kuya." Nakakunot ang noo na bumaling s'ya kay Kuya na nag-deliver. "Hindi daw s'ya nag-order Kuya." "Si Ms. Heard po ang nag-order nito para kay Ms. Jessica Mendoza," sagot ni Kuya na ikinagulat ko. Nagkatinginan pa kami ni Ms. Alvarado. "Nasaan po ba si Ms. Heard, meron din po kasi s'yang order para sa kan'ya at s'ya rin po ang magbabayad nito?" "Akin na Kuya, ang para kay Ms. Heard," sabi ni Ms. Alvarado. Inabot naman ni Kuya, ang isang plastic na naglalaman ng pagkain. "Magkano po ba lahat ng ito? Ako na lang ang magbabayad?" Ibinigay ni Kuya, ang resibo kay Ms. Alvarado, na agad naman dumukot ng wallet sa bulsa ng suot na slacks at nagbigay ng bayad kay Kuya, na nag-deliver. Umalis na si Kuya pagkatapos magpasalamat sa amin ni Ms. Alvarado. "Pasok na ako sa loob, kain ka na, ubusin mo ha? First time lang nag-order ng babae na 'yun ng pagkain para sa empleyado," nakangiti na sabi n'ya sa akin. "Mukhang special ka." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi n'ya sa akin. "Ang cute mong mag-blush," aniya at pinisil ang pisngi ko bago pumasok sa loob ng opisina ni Ma'am Megan. Special daw ako? Eeeehh! Bakit ba parang kinikilig ako na ewan. Ipinilig ko ang ulo ko habang hawak ang dalawang pisngi ko na ramdam ko ang pag-iinit. "Para kang tanga, Jessica!" bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko na ang pagkain at nagsimulang kumain. Gutom lang ako kaya kung ano-ano ang nararamdaman ko. Unang subo ko pa lang ng pagkain na in-order para sa akin ay hindi ko napigilan ang mapapikit sa sarap. Ang sarap talagang mabuhay kapag ganito kasarap ang kakainin mo araw-araw kasama ng pamilya. Bibilihan ko ng ganito si Tita, sa unang sweldo ko para naman masayadan ng pang mayaman na pagkain ang tiyan niya kagaya ko. Napatingin ako sa pintuan ng opisina ni Ma'am Megan, nang bumukas iyon. Kakatapos ko lang kainin lahat ng pagkain na in-order para sa akin at nagliligpit na ako ng mga kalat ko. "Naubos mo?" nakangiti na tanong sa akin ni Ms. Alvarado. "Yes po Ma'am. Simot sarap!" sagot ko na ikinatawa niya. "Very good!" sagot niya, "Buti ka pa, 'yung boss natin, iyon mukhang busog pa at kalahati lang ang nakain sa in-order n'ya para sa sarili n'ya." "Bakit daw po? Kanina pa po s'yang mga 11 ng umaga kumain ng almusal," sagot ko. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kan'ya. Nagkibit balikat siya sa akin bago naupo sa harap ng desk ko. "Not sure. Pero tingin ko nabagabag lang s'ya ng tanong ko sa kan'ya kanina." Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko sanang itanong sa kan'ya kung ano ba ang tanong niya kanina at nasabi niya iyon. Ngumiti s'ya sa akin ng bahagya. "Tinanong ko lang naman s'ya about sa unusual na behavior niya." Hindi ko pa rin makuha ang sinabi n'ya sa akin kaya hindi ko napigilan ang mapakunot ang noo. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko. "Basta, saka ko na lang ipapaliwanag sa'yo kapag naulit nang naulit ang behavior n'yang tinutukoy ko." Tumayo na s'ya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad. Kumaway s'ya nang hindi lumilingon sa akin. Naguguluhan na ibinaling ko sa computer ko ang pansin ko at magsimulang magpipindot doon ng kung ano-ano. Wala naman kasi akong particular na gagawin doon dahil wala naman ipinapagawa sa akin si Ma'am Megan. Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang lumipas mula sa paglalaro ko sa computer nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma'am Megan. "Tara na," sabi niya sa akin paglabas niya ng opisina niya bitbit ang mga gamit niya. Nagmamadali akong tumayo at kinuha ang ilang mga gamit sa kan'ya bago ako bumalik sa table ko at pinatay ang computer bago kunin ang gamit ko. Nakasunod ako ng tahimik sa kan'ya mula sa pagsakay sa elevator hanggang pagdating sa ground floor ng kompanya. Binabati s'ya ng mga empleyado na nakakasalubong namin pero dedma lang s'ya, ni hindi man lang ngumiti o tumango man lang na parang hangin lang ang bawat makakasalubong namin. Sumakay ako ng kotse pagka-unlock n'ya niyon at ganun din naman siya. Tumighim ako saglit para bumwelo. "Salamat po pala sa pagkain kanina, Ma'am." "Hindi ka ba nag-almusal kanina?" sa halip ay tanong niya sa akin na hindi nag-abalang sulyapan ako. Umiling ako kahit hindi naman s'ya nakatingin. "Hindi po, hindi po kasi kayo kumain." "Kapag hindi ako kumain hindi ka na rin kakain? Bakit?" tanong niya. "Para po may karamay kayo sa gutom," sagot ko. Napapikit ako sa isipan ko dahil sa naging sagot ko. Ang baduy ng dating. "Karamay? Hindi ko kailangan ng karamay kung magiging bangkay ka naman agad dahil sa gutom," sagot niya. "Kinuha kita para may makasama ako hindi para ako ang maging dahilan para paglamayan ka." seryosong sabi niya. Infairness naman kahit na ganun ang way niya ng pagsasabi sa akin ng ganun, ramdam ko naman amg concern n'ya sa akin kahit papaano. "So, bakit hindi mo rin ipinagbalot ang sarili mo kagaya ng ginawa mo sa akin?" tanong niya nang hindi ako nagsalita tungkol sa sinabi niya. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung ano isasagot ko baka kasi mapahiya s'ya kapag sinabi ko ang totoo. "Sabihin mo na iyang iniisip mo," sabi niya na sumulyap na sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi pa rin ako nagsasalita. "I'm waiting, Jessica," aniya at muling sumulyap sa akin. Ang weird! Pagkatapos n'ya kasing banggitin ang pangalan ko my heart skip a beat. "Sasagutin mo ba ako o titigan mo na lang ako?" tanong niya at nag-alis na ng seatbelt. "Tara na. Dito ka na lang din ba?" Dali-dali akong sumunod na bumaba sa kotse pagkababa niya. Nandito na pala kami nang hindi ko napapansin dahil lang sa lintik na pagbanggit n'ya ng pangalan ko. First time lang n'ya kasi banggitin ang pangalan ko tapos parang ang lambing pa. Para tuloy akong namaligno na nawala sa sarili bigla. "Ano na? Hindi ka pa rin ba sasagot?" tanong niya nang sakay na kami ng elevator. "Nagbaon naman po ako kanina Ma'am, ng para sa ating dalawa," sagot ko na hindi tumitingin sa kan'ya. "Meron naman pala. Bakit hindi mo kinakain?" tanong niya bago kami lumabas ng elevator. Napakamot ako ulit ng ulo. Hindi ako sumagot at nakasunod lang na naglakad papunta sa loob ng unit niya. Naupo s'ya sa couch kaya pupunta na sana ako sa k'warto ko pero tinawag n'ya ako. "Po?" tanong ko. Lumapit ako sa p'westo niya at naupo sa katapat niyang upuan. "Bago ka pumasok sa k'warto mo, sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit hindi ka kumain? Hinayaan mo pa ang sarili mong mamutla dahil sa gutom." seryoso na sabi niya. Huminga ako ng malalim. "Hindi po ako kumain dahil wala na akong kakainin kasi inubos n'yo na po lahat." Tinaasan n'ya ako ng kilay. "Anong inubos kong lahat?" "Kasi Ma'am, 'yung ibinigay ko pong pagkain sa in'yo dapat po hati tayo roon dahil madami po iyon at alam ko po na hindi n'yo iyon kayang ubusin pero mali pala po ako kasi kaya n'yo palang kainin iyong ganun kadami, kaya po ang ending mula umaga hanggang sa matapos ang meeting ng alos dos ng hapon ay walang laman ang t'yan ko kung hindi isang tasa ng kape, kaya po namutla na ako sa gutom. Mabuti nga po at hindi ako nahimatay!" mahabang sagot ko. Hindi s'ya sumagot sa sinabi ko at nakatingin lang sa akin ng walang reaksyon. "Mahirap po pala kayong gutumin Ma'am, nawawala ang hinhin n'yo sa pagkain," sabi ko na agad ko rin naman pinagsisihan. Kung pwede lang hampasin ang sarili ko ginawa ko na. Ang daldal ko! Putik! Tinaasan n'ya ako ng kilay. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Ang taray ng awra niya bigla. "Pasok na po muna ako sa k'warto Ma'am, bago ako mag-prepare ng dinner natin mamaya," sabi ko at tumayo na. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil natatakot akong mabulyawan na naman. Pagdating sa k'warto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Kinapa ko ang dibdib ko na grabe ang kaba. May phobia na yata ako sa kan'ya. Tingin pa lang n'ya nangangatog na ako. Nang bumalik sa normal ang t***k ng puso ko ay bumangon na ako. Naghuhubad ako ng damit ng biglang bumukas ang pintuan ng k'warto ko at iluwa s'ya niyon. Natigilan s'ya saglit habang nakatingin sa katawan ko bago nagmamadaling tumalikod. "Sorry!" aniya, "Ang tagal mo kasing lumabas, sasabihin ko lang na magsimula ka ng magluto!" Habang nakatalikod s'ya ay lumapit naman ako sa cabinet at kumuha ng damit at short, at nagsimulang magbihis. "Ano po bang gusto n'yong pagkain mamaya? Adobong baboy o manok?" sabi ko, "Pero baka po napapaibig kayo sa kilawin na ako." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon sa kan'ya. Mabilis na humarap s'ya sa gawi ko kaya ini-ready ko na ang sarili ko na masigawan at mabilis na pumikit pero walang nangyari na ganun kaya nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Sorry, pero hindi ako kumakain ng kilawin o kahit anong hilaw na pagkain," sagot niya, "At lalong hindi ako pumapatol sa isang empleyado lang na kagaya mo na isang babae pa." Pagkatapos n'yang sabihin iyon sa akin ay mabilis na iniwan n'ya ako sa k'warto ko. Naiwan akong natitigilan dahil sa mga salitang binitiwan niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, para akong sinaksak sa aking dibdib dahil may nararamdaman akong kirot doon. "Para kang tanga, Jessica!" sita ko sa sarili ko habang nangingilid ang luha. Isa akong engot para magbiro ng ganun sa kan'ya. Ito tuloy ang napala ko. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD