"Hi, good morning," nakangiti na bati ni Mia, sa akin nang pumasok s'ya sa loob ng opisina ko.
Isang simpleng tango lang ang ginawa kong sagot sa pagbati niya.
"Problem?" tanong niya at naupo sa harapan ng aking desk. "Hindi maganda ang gising mo?"
Kilalang-kilala na talaga n'ya ako. Konti iba lang sa mukha ko alam n'ya na agad na may something sa akin.
Sabagay, s'ya lang naman ang takbuhan ko noon pa man, she's my best friend since high school. Dati kay Mommy s'ya nagtatrabaho pero nang magtayo ako ng sarili kong kompanya at naging matagumpay ay kinuha ko s'ya kay Mommy, para sa akin magtrabaho.
Huminga ako ng malalim bago umiling. "Hindi. Nainis lang ako sa bagong kuha mong PA sa akin. Sobrang dami na n'yang palpak at iniisip ko nga ngayon na tanggalin na s'ya."
"Na naman?" aniya habang nakanguso. "Meg naman, ang hirap nang kumuha ngayon ng PA para sa'yo lalo na at wala ng gustong mag-apply. Kapag tinanggal mo pa s'ya baka wala na tayong makuha pang iba and the worst part kapag wala na tayong makuha at malaman ng Mommy mo, uuwi s'ya rito sa Pilipinas para s'ya ang makasama mo. Gusto mo ba ng ganun?"
Umiling ako bilang sagot. Ayokong umuwi si Mommy, ayoko ko s'yang makita!
"Ayon naman pala. So, pagtiyagaan mo na lang muna si Jessica. Tingin ko naman konting turo mo lang sa kan'ya nang maayos kayang-kaya n'ya ang trabaho, kinaya nga n'ya magsaulo ng mga batas, ito pa bang simpleng trabaho lang?" mahabang komento niya, "And please lang naman Meg, 'wag mo naman masyadong sisigawan, dahil baka hindi mo nga s'ya tanggalin pero s'ya naman ang umayaw dahil sa takot sa'yo."
"Hayst! Oo na. Ang dami mong sinabi, umalis ka na nga. Wala ka bang trabaho?" nakataas ang kilay na sabi ko.
Ngumisi s'ya sa akin. "Meron, pero dahil mapagmahal akong kaibigan kaya inuna kitang puntahan."
"Ang sabihin mo, nagpapatama ka sa oras. Bawasan ko kaya ang sahod mo?" pananakot na sabi ko.
"Oi! Huwag naman! Para ka naman hindi friend niyan! Aalis na nga ako at magtatrabaho, nakakahiya naman sa'yo!" sabi niya at tumayo na at walang lingon-lingon na lumabas ng opisina ko.
Napailing na lang ako. Ang galing n'yang umarte na takot sa sinabi ko. If I know, kung saan-saan pa iyon mag-iikot pagkagaling dito sa opisina ko.
Pinindot ko ang intercom. "Come here."
"Bakit po Ma'am?" tanong ni Jessica, sa akin pagpasok n'ya sa loob ng opisina ko. Ang aking PA na secretary na rin.
Ayos lang naman na maging secretary ko rin s'ya kahit wala s'yang experience sa trabaho na ganito o kahit hindi iyon ang kursong tinapos niya dahil mga simpleng task lang naman ang ipapagawa ko sa kan'ya. Mas gusto ko kasing ako mismo ang gumagawa ng trabaho ko kesa ipasa sa iba, and besides, kumukuha lang naman kami ng PA dahil kailangan ko ng kasama dahil kung hindi uuwi si Mommy rito sa bansa at iyon ang ayokong mangyari.
Kinuha ko ang isang sliding folder na naglalaman ng ilang dokumento na gagamitin ko mamaya sa meeting at inabot iyon sa kan'ya.
"Ipag-photo kami mo ako. Ten copies each," sabi ko.
"Okay po," sagot niya at agad na lumapit sa machine na nasa gilid ng opisina ko.
Habang busy siya sa ginagawa ay pinagmamasdan ko s'ya.
Infairness maganda s'ya. Iniisip ko tuloy na sa ganda n'yang iyon bakit criminology ang kinuha n'yang kurso?
Sa pagtitig sa kan'ya naalala ko 'yung naabutan ko sa kusina kaninang umaga.
Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa table kaya agad akong bumalik para kunin pero hindi ko na naituloy nang makita ko s'yang dali-daling umupo sa hapag-kainan para kumain. Para s'yang gutom na gutom talaga dahil hindi n'ya na nagawa pang kumuha ng sarili n'yang plato at ang ginamit na lang ay ang platong ginamit ko nang kumain ako.
Hindi ko alam pero that time parang nakonsensya ako na hindi ko mawari kahit na alam ko naman na wala akong ginawang masama sa kan'ya.
"Ito na po Ma'am," seryoso na sabi niya habang inaabot sa akin ang ginawa n'ya. Naka-stapeler na iyon lahat.
"Okay. P'wede ka ng bumalik sa table mo," sabi ko. Isang tango lang ang ginawa n'ya at lumabas na nga ng opisina ko.
Tiningnan ko ang ginawa n'ya bawat isa at bawat pages. Gagamitin ko iyon mamaya at mahalaga na makita ko kung kompleto ba iyon o hindi.
Napahilot ako sa sintido ko dahil iyong dalawang set ay kulang ng tig dalawang pages.
"Come here!" inis na sabi ko sa intercom.
"Bakit po?" tanong niya. Pansin ko ang namumula niyang tenga.
"Pagpo-photo copy lang, hindi mo pa rin magawa ng tama!" inis na inis ako talaga, at kapag ganito hindi ko makontrol ang sarili ko. Inihagis ko sa kan'ya ang dalawang set ng ipinagawa ko sa kan'ya kanina. "Kulang iyan! Ayusin mo!"
Bago n'ya pulutin ang inihagis ko ay nakita ko pa ang pagkuyom n'ya ng kamao at ang pagkagat niya sa kan'yang ibabang labi.
Napahilot tuloy ako sa sintido ko dahil doon. Alam ko na sumobra na naman ako ngayon.
Pagkatapos n'yang gawin ang ipinagawa ko ay walang imik na inilagay niya iyon sa ibabaw ng table ko bago walang paalam na lumabas ng opisina ko.
Gusto ko sana s'yang sitahin na naman pero nagbago ang isip ko dahil naisip ko ang sinabi ni Mia sa akin kanina.
Binuksan ko ang drawer ko at kumuha ng gamot at agad iyong ininom para ma-relax ako.
Nang maramdaman ko na kumalma na ng konti kahit paano ang pakiramdam ko ay kinuha ko ang mga papel na ipinatong niya sa table ko at tiningnan ulit isa-isa. Kompleto na iyon ngayon.
"Mia," sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Yes?" sagot niya sa kabilang linya.
"May gagawin ka ba? P'wede bang samahan mo ako mamaya sa meeting ko?" tanong ko. Kailangan ko kasi ng katulong doon kahit sa simpleng bagay.
"Meron," sagot niya, "At saka bakit ako? Bakit hindi si Jessica ang isama mo, eh s'ya ang secretary mo?"
"Napagalitan ko kasi kanina," sagot ko, "And I don't think na magandang ideya na isama ko s'ya mamaya dahil tingin ko napikon na s'ya kanina."
"What?! Megan naman! Nag-usap na tayo kanina 'di ba? Bakit hindi ka naghinay-hinay?"
Napakamot ako sa kilay ko. "Nagalit ako. At alam mo naman na kapag galit ako, hindi ko makontrol ang action at bunganga ko."
Dinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.
"Hayst! Bahala ka. Busy ako, hindi kita masasamahan, so, mamili ka, a-attend ka mag-isa o isasama mo si Jessica?"
"Kainis ka!" sabi ko at ibinaba na ang tawag. Badtrip! Mukhang wala talaga akong choice.
Tiningnan ko ang oras sa relo na suot ko, ten na ng umaga. Ang bilis ng oras parang wala pa nga akong nagagawa kun'di maupo at magalit.
"Ms. Mendoza, come here," tawag ko sa kan'ya sa intercom.
"Bakit po?" tanong niya pagpasok sa loob.
"Dalahin mo ang mga ito," turo ko sa mga pinagawa ko kanina sa kan'ya, "May meeting ako, kasama ka."
Tumango siya sa akin at kinuha ang mga papel. Tumayo na rin ako bitbit ang gamit ko.
Nauna akong lumabas sa opisina, nakasunod s'ya sa akin. Naglakad kami papunta sa elevator at sumakay roon para pumunta sa lugar kung saan ang meeting ko, which is a Korean restaurant, mga koreano kasi ang ka-transaction ko ngayon.
May ilalabas kasi akong produkto na balak kong i-export sa Korea at kailangan ko ng malaking investment mula sa kanila.
"Thank you po," sabi niya nang ipagbukas ko s'ya ng pintuan ng kotse. Hindi naman n'ya kasi mabubuksan iyon dahil sa mga dala niya.
Tumango lang ako sa kan'ya bago lumakad sa kabilang side ng kotse.
Tahimik kaming bumiyahe hanggang makarating kami sa destinasyon namin.
Hindi ko na s'ya pinagbuksan ng pinto dahil binuksan n'ya na iyon habang nakaupo pa lang.
"Hello, good afternoon. Do you have a reservation, Ma'am?" tanong sa akin nang tingin ko ay manager ng restaurant.
"Yes, table for eight, for Ms. Heard," sagot ko.
Tiningnan n'ya ang isang notepad bago muling bumaling sa akin. "This way Ma'am."
Pagpasok namin sa isang private room ay wala pa ang mga ka-meeting ko.
"Are you going to order now or you're gonna wait for the others to come?" tanong ng waitress na nag-iistima sa amin.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko, eleven thirty na ng tanghali, almost lunch na at hindi ko alam kung anong oras dadating ang mga ka-meeting ko. Usapan kasi namin ay eleven o'clock pero wala pa sila.
"I'll order now for just the two of us," sagot ko at sinulyapan ang kasama ko na walang kakibo-kibo. Tahimik na tahimik s'ya habang kandong ang mga papel na dala niya.
Inabutan ako nang menu ng waitress at agad akong namili ng mga pagkain. Sinabi ko iyon sa kan'ya.
"Okay Ma'am," sabi niya at iniwan na kaming dalawa ni Jessica.
"Ibaba mo na muna iyang mga dala mo," sabi ko dahil mukhang wala talaga s'yang balak ibaba iyon.
Tumingin siya sa akin bago tumayo at sinunod ang sinabi ko. Pagkatapos nu'n ay wala na uling salita na namagitan sa aming dalawa hanggang sa bumalik ang waitress dala ang mga in-order ko para sa amin katulong ng dalawa pang waiter.
Isa-isa nilang inilapag sa ibabaw ng table ang mga pagkain. Ang bango lahat ng mga iyon at talaga namang nakakagutom.
Napasulyap ako sa katabi ko mula sa pagtingin ko sa bawat pagkain na inilalagpag nila dahil narinig ko ang pagtunog ng kan'yang tiyan na nakakaramdam ng gutom.
Gusto ko sanang matawa dahil doon pero pinigilan ko ang sarili ko lalo na at kita ko ang pamumula ng buong mukha niya hanggang tenga. Kita ko rin ang paggilid ng mga mata niya sa p'westo ko para tingnan siguro kung narinig ko ba ang tiyan niya.
"Ma'am, I'll just go outside, just ring the bell if you need anything," sabi ng waitress. Tumango ako kaya lumabas na s'ya sa k'warto namin.
"Kaen na," sabi ko sa kan'ya pero hindi ko s'ya sinulyapan.
Nagsimula na akong kumuha ng pagkain at inilagay sa plato ko. Susubo na sana ako ng mapansin na wala pa rin s'yang kagalaw-galaw mula sa kan'yang pagkakaupo.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ko.
"Sasabay na po ba ako sa in'yo?" tanong niya.
"Oo. Wala naman tayo sa bahay kaya kumain ka na rin," sagot ko.
Kaya naman pala hindi s'ya kumikilos dahil iyon ang iniisip niya. Hay! Hindi ko s'ya pinapasabay kumain sa akin sa bahay dahil ayokong masanay na may kasabay kumain. Paano na lang kapag umalis s'ya sa pagtatrabaho sa akin, eh 'di maninibago ako ng sobra?
"Sige po. Salamat," aniya at nagsimula na rin maglagay ng pagkain sa plato niya.
Nagsimula akong kumain at ganun din siya. At habang kumakain ako ay palihim ko s'yang pinagmamasdan.
Natatawa ako kung paano s'ya kumain ngayon. Sobrang hinhin ng pagnguya at pati na rin ng pagsubo n'ya malayong-malayo sa kung paano ko s'ya nakitang kumain kaninang umaga.
"Kailangan nating ubusin ito bago dumating ang mga ka-meeting ko kaya dalian mo ang pagkain," sabi ko pero sa plato ko nakatingin.
"Ang dami po nito," aniya nang lumingon s'ya sa akin mula sa kinakain niya. "Busog pa rin po ako, hindi ko po kayang ubusin ito."
"Kaya mo iyan," sabi ko at uminom ng juice sa baso ko bago tumayo. "Punta lang akong rest room."
Hindi ko na s'ya hinintay na sumagot. Lumabas na ako sa k'warto na iyon at iniwan s'yang mag-isa.
Actually hindi naman talaga ako magre-rest room, kunyari lang iyon para maiwan ko s'yang mag-isa, para makakain s'ya nang maayos at hindi iyong parang ilang na ilang s'ya dahil nandoon ako.
Isa o dalawang minuto siguro ang pinalipas ko bago ko binuksan ng sobrang liit ang pinto ng k'warto na kinaroonan namin kanina para tingnan kung ano na ang ginagawa niya.
Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang ngiti na gustong sumilay sa aking labi dahil sa nakikita ko mula sa loob.
Kung kanina kasi ang iniwan ko sa loob ay isang mahinhing dalaga habang kumakain, ang nakikita ko naman ngayon sa maliit na siwang ng pintuan ay isang babae na parang ilang araw ng hindi kumakain.
"Hindi daw kayang ubusin," bulong ko at tuluyan ng napangiti. Mukhang kulang pa yata sa kan'ya ang mga pagkain na iniwan ko roon.