TULOY ANG BUHAY

1137 Words
[Ysa]            “Hi, Tita Pepper!”          "Happy birthday, Ysa! Eto nga pala iyung gift naming sa iyo ng Tito Chad mo,” masiglang bati sa akin ni Tita Pepper, sabay abot ng isang naka-gift wrapped na box.          “Naku, Tita… thank you po! Asan po si Tito?” tanong ko.          “Si Tito Chad mo ba talaga ang hinahanap mo?” may panunukso na balik-tanong ni Tita Pepper.          “Tita?” nahihiyang sagot ko.          “Baka hindi makapunta si Zyrus eh. Masakit daw ang ulo. Gabi na nga umuwi iyung batang iyon kagabi. Kayo ang magkasama kagabi, di ba? Saan ba kayo nagpunta?” tanong ni Tita Pepper.          Natigilan ako. Oo nga pala. Naalala ko na sabi ni Zyrus kahapon na ipinagpaalam daw niya ako kay Daddy na kakain kami sa labas. Pero hindi kami natuloy. Paano ko ba sasagutin ang tanong ni Tita Pepper?          Unang-una, ako ang nakiusap kay Zyrus na huwag nang mabanggit kay Daddy na hindi kami natuloy sa dinner kagabi. Malamang, hindi rin niya sinabi sa mga parents niya. Nabasa kaya ni Zyrus iyung message ko sa kanya kagabi?          “Eh, Tita….”          “Ysa.”          Sabay kaming napalingon ni Tita Pepper kay Daddy.          “May bisita ka sa labas,” seryosong anunsiyo ni Daddy, at saka naglakad na papunta sa umpukan nila Tito Judd, Tito Chad at Ninong Adam. Sino kaya ang nasa labas at hindi pa pinapasok ni Daddy?                “Eh, Tita… wait lang po. Titingnan ko lang po kung sino ang nasa labas,” paalam ko kay Tita Pepper.          “Sige lang, Ysa.”          Naglakad na ako papunta sa labas. Kilala naman ni Daddy lahat ng kaibigan ko. Nakakapagtakang hindi pa niya pinapasok kung sino man ang nasa labas.          “Lance?”          “Happpy birthday, love,” pagbati ni Lance.          “Tara, Lance! Pasok ka,” sabi ko sa kanya, sabay hawak sa kamay niya at saka ko siya hinatak papasok sa loob ng bahay.          Unang nabungaran ng mga mata ko ay sina Tito Chad at Tita Pepper na nakatingin sa amin ni Lance. Bumaba pa nga ang tingin ni Tita Pepper sa mga kamay naming magkahawak ni Lance. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng guilt. Bakit ba pakiramdam ko ngayon ay para akong nagtaksil kay Zyrus at nahuli ako ng mga magulang niya?          Lumunok muna ako bago nagsalita. “E-Everybody, si-- si Lance po… b-boyfriend ko.”     [Zyrus]            LUNES. Gusto ko sanang huwag munang pumasok sa school. Pero anong sasabihin ko sa parents ko? Alam ko namang hindi sila maniniwalang may sakit ako.  Kung sana lang may genie na katulad nung kay Aladdin, na tutupad ng wish ko. Hihilingin ko sanang maging invisible muna ako, para hindi muna ako makita ng mga tao.   Ysa calling….               Lalo na siya. Dinampot ko ang phone ko at nilagay ito sa silent mode at saka ko sinubukang matulog uli.          Mayamaya ay may narinig akong katok sa pintuan.          “Zy?”          Pagdilat ko ay nakita kong nakasungaw ang ulo ni Nanay sa pintuan. Nagtuloy ito sa pagpasok nang makita niyang nakadilat na ako. Nakangiting naglakad ito at saka naupo sa gilid ng kama ko.          “Hindi ka ba papasok sa school? Baka ma-late ka. Ipapahatid na lang kita kay Manong Bert. Huwag ka na munang mag-drive,” malambing na sabi nito.          “Ayaw ko nga po sanang pumasok muna ngayon, Nay.”          Lumapit pa lalo sa akin si Nanay at saka sinuklay pataas ang buhok kong nasa may noo ko.          “Anak, di ba sabi sa iyo noon ni Nanay, kahit anong mangyari… dapat laging tuloy ang buhay? Tuloy ang pag-ikot ng mundo, kaya dapat hindi tayo humihinto, kahit ano pang nararamdaman natin. Ke masaya tayo, o masakit ang loob natin… kailangan, ituloy lang natin ang gagawin natin.”          Nararamdaman kong may hinala na si Nanay kung anong ipinagkakaganito ko. Pero hindi ko pa kasi kayang pag-usapan ang tungkol doon.          “Bumangon ka na diyan at maligo. Kailangan, tuloy pa rin ang buhay, Zyrus Samaniego. Bata ka pa. Marami ka pang pwedeng gawin bago mag-seryoso sa ibang bagay. Kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin iyang pinagdadaanan mo sa ngayon, anytime, katukin mo lang ako sa kuwarto namin ng Tatay mo,” dagdag pa ni Nanay, at saka ginulo ang buhok ko at mahina akong tinampal sa braso.                        ONE week has passed. Sinunod ko si Nanay. Normal na pumapasok ako sa school. Lalo na, at isang linggo na lang at Graduation na namin. Kailangan kong magpasa ng mga requirements para sa final projects at sa papasukan kong university.          Sa University of St. Claire ko balak mag-enroll para maka-iwas kay Ysa. Alam ko kasing sa St. Thomas College niya balak pumasok, kasama ng tatlo niyang kaibigan. At maaaring pati si Lander.          “Anak, sure ka bang hindi ka ipagda-drive ni Manong Bert today?” tanong ni Nanay.          “Yes, ‘Nay. Nagpaalam na ako sa inyo ni Tatay,di ba? Hindi ko muna papasukan iyung afternoon subjects ko,” sagot ko sa kanya.          “Sumama na kaya ako sa iyo mamaya, anak?” tanong ni Nanay.          “Babe, hayaan mo na si Zyrus. Basta, mag-ingat ka lang sa pagmamaneho. Ngayon ka pa lang magda-drive nang malayo,” sabat ni Tatay sa amin ni Nanay.          “Yes, ‘Tay. I will. Pasok na po ako,” sabi ko, sabay tayo na sa mesa.          Bago makalabas ng subdivision namin ay narinig ko ang message alert ng phone ko. Sa pag-aakalang si Nanay ang nag-text ay tumabi muna ako at saka binasa ang message.   From: Ysa Zy. Why are you not answering my call? Naka- alis ka na ba? Daanan mo naman ako sa bahay. Sabay ako pumasok sa iyo.             Napabuntong-hininga ako. Kung alam ko lang na si Ysa ang nag-text ay wala akong balak basahin ang message nito. Bakit ako? May boyfriend siya, di ba?          Pero alam ko namang hindi titigil si Ysa sa pagte-text sa akin hanggang di ko siya nire-reply-an. So, no choice ako kung hindi sagutin ang text ni Ysa.    To: Ysa Where's Lander?    From: Ysa Hindi makakapasok.  May hangover   To: Ysa Take a cab. Nakaalis na ko. You did not inform- ed in advance.                             Talaga, Zyrus? Kung nagsabi ng maaga si Ysa isasabay mo siya??    From: Ysa Eh di ikutan mo na ako... Please…            Parang nai-imagine ko pa ang itsura ni Ysa ngayon. Tiyak na kandahaba ang nguso nito habang nagta-type sa phone niya para pabalikin ako.     To: Ysa Can't. Malapit na ako sa school.                    Sorry, Ysa. Kailangan kong magsinungaling sa iyo.    From: Ysa Ganun? Okay....            Huminga ako nang malalim at saka muling ipinatong sa dashboard ang phone ko. Ibinalik ko na sa daan ang sasakyan, at saka pina-abante na palabas ng subdivision. Alam ko namang hindi pababayaan ni Tito Klarence si Ysa, ang nag-iisang prinsesa ng mga Montenegro.     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD