[Zyrus]
Hindi ako mapakali habang hinihintay ko na makabalik si Patrick na siyang inutusan ko para mag-abot ng gift ko para kay Ysa. Ewan ko ba. Simpleng iaabot ko lang naman sa kanya iyung paper bag pero bigla akong nakaramdam ng hiya kaninang umaga. Hanggang sa makababa na siya ng kotse at maglakad na palayo sa parking lot ng school.
“Zyrus!”
Napalingon ako sa direksiyon kung saan ang lokasyon ng canteen. Doon kasi namin nakita ang grupo nila Ysa kaya pina-abot ko kay Patrick iyung paper bag at saka ako nagmadaling umalis doon.
“Okay na. Nabigay ko na,” sabi ni Patrick
“Thanks. Sana magustuhan niya,” sagot ko.
“Ano ka ba naman, bro. Iaabot mo lang iyung regalo mo, dinaga ka pa?” natatawang sabi sa akin ni Patrick.
Napailing na lang ako. Sana lang alam ko ang sagot. Hindi ko nga alam kung bakit, eh.
“Tara na! Ililibre mo ako ng lunch pag inabot ko na iyung paper bag, di ba?” paalala sa akin ni Patrick.
“Tsk! Sa lahat ng mayaman, ikaw ang mahilig sa libre,” sabi ko dito.
“Siyempre! Libre iyun, eh. Bawal daw tumatanggi sa grasya,” nakatawang sagot nito.
“Tara na nga! Mukha namang hindi mo ko titigilan sa libre ko sa iyo.”
NASA isang fastfood kami ni Patrick hindi kalayuan sa school. Ayaw ko kasing sa school o sa tapat ng school kumain at baka matiyempuhan kaming magkita ni Ysa. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin kung anong reaksiyon niya sa regalo ko. Nang mag-vibrate ang phone ko ay wala sa loob na dinukot ko ito sa bulsa ng pantalon ko.
Pero halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko na si Ysa ang nag-text sa akin.
From: Ysa Ganda
Zy!!! Thank you sa gift!!!! Grabe!!
Hindi ko napigilang mapangiti.
To: Ysa Ganda
You like it?
It was a special edition Minnie Mouse Instax Camera. Alam ko naman kasing mahilig siya sa Cartoon character na iyon.
From: Ysa Ganda
My gosh! Like is not the right word. Thank you
talaga!! By the way, saan ka nakabili nito? Sa
November pa ilalabas to ah!
To: Ysa Ganda
Amazon.com
From: Ysa Ganda
What?????? Grabe ka.... Eh, di ang mahal
pala nito kasi dollars pa ang ibinayad mo.
Hindi naman siguro masamang magyabang ako ng konti ‘noh?
To: Ysa Ganda
Hey! I am not a Samaniego for nothing.
From: Ysa Ganda
Yabang....Wait! Andito na prof ko. Text uli
kita later.
Pinakatitgan ko pa iyung emoticon na inilagay niya sa text niya. Tama ba ang nakikita ko? Flying kiss emoticon? Wow! Sh*t!!
“Huy! Zyrus! Anong nangyayari sa iyo diyan? Para kang napo-possses!” Napaangat ako ng tingin kay Patrick, tapos ay sa mga katabi naming mesa. Baka mamaya may nakarinig sa sinabi ni Patrick.
“Bakit? Nagbabasa lang ako ng text,” sagot ko sa kanya.
Ano bang napo-posesses ang sinasabi ng gag*ng Patrick na ‘to?
Bahagyang tumawa si Patrick. “Para ka kasing maiihing ewan diyan sa upuan mo, eh. Hulaan ko! Si Ysa ang ka-text mo ano?”
Napailing na lang ako at saka itinago na ang phone ko.
From: Ysa Ganda
Zy! Ang ganda talaga! Grabe! Nag-try na
Kami nila Bettina
To: Ysa Ganda
Talaga? Buti naman at nagustuhan mo. Last
subject mo na rin, di ba? See you later pag-uwi.
Treat kita dinner. Nagpaalam na ako kay Tito.
Dito na rin prof ko.
From: Ysa Ganda
Wow! May pa-gift na may pa-dinner pa!
See you!
Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa lecture ng teacher ko. Lumilipad ang isip ko sa napipinto naming labas mamaya ni Ysa. Actually, date talaga siya pero hindi ko direktang masabi kay Ysa kaya idinaan ko na lang na kunwari ay libre ko sa kanya dahil birthday niya bukas.
Ang plano ko ay sabihin ko na rin sa kanya mamaya na liligawan ko na siya nang pormal. Sa totoo lang ay natatakot ako sa magiging sagot ni Ysa. Kung papayag ba siya na ligawan ko o hindi.
Malaki man ang takot ko na ma-disappoint ako sa sagot mamaya ni Ysa, pero kailangan ko nang sumugal. Wala akong pinangarap mula noong mga bata pa kami kung hindi dumating ang panahon na ito na legal ko na siyang maliligawan.
Kapag pumayag na si Ysa ay saka ko naman kakausapin si Tito Klarence at Tita Annika bukas sa mismong birthday ni Ysa.
“Huy, Zyrus! Uwian na! Nakatulala ka pa rin diyan. Halatang hindi ka nakinig kay Mam,” pansin sa akin ni Patrick na katabi ko ng upuan.
“Ha? Hindi, ah! Nakinig ako,” pagkakaila ko.
“Mabuti naman kung ganun. Pakopyahin mo na lang ako sa exam sa Monday, ha?” sagot sa akin ni Patrick.
“Exam??” Tumatawang tumayo na si Patrick, at saka ako iniwan doon.
To: Ysa Ganda
Okay ka na? Sunduin ba kita sa room mo? O
sa parking na lang kita hintayin?
From: Ysa Ganda
Zy... sorry. Hindi muna tayo sabay uuwi nga-
yon. Sama muna ako kay Lander. Mag-uusap
daw muna kami. See you bukas sa house namin
sa b-day celebration ko. Wag mo na lang sabihin
kina Mommy at Daddy na hindi tayo tumuloy.
Thank you uli sa gift. Paalis na kami.
Kung kanina ay natutuwa ako sa flying kiss emoticon ni Ysa sa text niya sa akin, bakit ngayon ay parang hindi na maganda ang dating sa akin ng emoticon na iyon?
Kung kanina ay walang kasing-saya ang pakiramdam ko, sobrang kabaligtaran iyun ng nararamdaman ko ngayon.
Nanghihinang napa-upo uli ako sa upuan ko. Mabuti na lang at mag-isa na lang ako ngayon dito sa classroom at nagsilabasan na lahat ng mga kaklase ko. At least, hindi nila makikita ang itsura ko ngayon. Feeling ko kasi mukha akong timang ngayon. Totoo pala iyung naririnig kong sinasabi sa mga palabas sa TV. ‘Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa.’
Sabi ko pa dati. Ano kayang itsura nun? Iyung pinagbagsakan ng langit at lupa? Hindi ko man nakikita ang sarili ko, pero pakiramdam ko, ganun ang itsura ko ngayon.
Binuksan ko uli ang phone ko at saka di-nial ang number ni Patrick.
“Patrick? Nasaan ka na?”
[“Andito pa sa parking. Nagi-scroll ako sa phonebook ko ng pwede kong ka-date ngayon, eh. Alam mo na, Friday ngayon. Fri-date.”]
“Huwag ka nang maghanap ng ka-date. Ako na muna ang samahan mo. Inom tayo.”
~CJ1016