Kabanata 7:
Maga ang mga mata ko nang magising ako kinabukasan. Magdamag ba naman akong umiiyak, malamang na mamaga ito. Magdamag ko kasing iniisip kung may solusyon pa ba ang problema ko kahit na alam ko namang wala. Ang hirap umasa na may solusyon pa rito pero kahit na ganoon, baka sa 99% na wala nang pag-asa, mahanap ko pa ang 1%.
Hindi ko alam kung bakit ang laki ng naging epekto sa akin ng kwento ni Rayven. Siguro dahil naawa ako sa kanya. Kahit kasi pinatay ni papa si mama, hindi ko naranasang saktan niya ako. Kahit na ganoon ang kinahinatnan ni mama sa kamay ni papa, alam kong mahal niya ako. Naniniwala akong kinontrol lang si papa ng demonyong nasa likuran niya no'ng gabing 'yon dahil noong huling kita ko sa kaniya, faded na ang demonyong nakakapit sa kaniyang likuran.
"Good morning!" bati sa akin ni ate Sol pagkababa ko mula sa hagdan.
Bahagya pa siyang natigilan nang makita ako pero nagpapasalamat akong hindi na lang siya nagsalita dahil baka mapadrama na naman ako. Gusto ko na lang talagang maging bagong umaga na lamang ito.
"Good morning din ate," bati ko sa kaniya sabay ngiti.
Nag-urong ako ng silya pagkatapos ay naupo na roon. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko na paborito ko ang almusal, tocino at sinangag. At least napagaan nito ang umaga ko.
Pagkatapos naming mag-almusal, umalis na kaagad ako dahil mag-a-alas otso na ng umaga. Naabutan ko si Rayven na abala sa paggugupit ng mga damong ligaw. Ngumiti ako dahil sa unti-unting sumisilay na ang ganda ng hardin samantalang noong nakaraan ay mukhang tuluyan nang inabandona. Medyo matagal na kasi noong huling ipinaayos ko ang hardin, halos dalawang taon na rin. Akala ko kasi kahit na kami lang ni ate Sol ang magdilig at mag-alaga ng hardin ay ayos lang pero nitong nakaraan lang ay napagtanto kong hindi namin kaya.
"Unti-unti na muling nabubuhay ang mga halaman." Naglakad ako palapit kay Rayven.
Huminto siya sa ginagawa at saka nag-angat ng tingin sa akin. Mabilis na nasilayan ko ang demonyong nasa likuran niya pero hindi ko iyon ininda. Somehow, I realized that maybe, that demon behind him is just like the demon that made my papa killed mama.
"Mas gaganda pa po ang mga iyan sa susunod na mga araw ma'am, sisiguraduhin ko pong hindi kayo magsisisi na kinuha nyo akong hardinero." Ngumiti siya nang malapad at saka umayos sa pagkakatayo.
-
Matamlay akong nakarating sa Bakery. Hindi katulad kahapon na hinayaan lang ako ni Bella, ngayon ay nag-alala na siya sa akin.
“Matamlay ka na naman ngayon, ma’am!” Hindi maganda ang tono ng pagkakapuna ni Bella. Halata sa kaniya ang pagka-curious at pag-alala kung bakit ako nagkakaganito.
“Kulang lang ako sa tulog,“ sagot ko.
Hindi ko na siya hinayaan pang magtanong muli. Dumiretso na ako sa opisina para mag-compute ng sales na daily routine ko na. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaupo sa harap ng lamesa ko, narinig ko na ang pagbati nila Bella kay Cyrus.
Nagsimula akong kabahan. Hindi dahil sa demoyong nakakapit sa likuran ni Cyrus, kundi dahil sa isiping ayaw ni Morris kay Cyrus at baka mamaya ay maging magkaaway pa silang dalawa sa oras na magtagpo silang mamaya sa baking area.
Kabadong naglakad ako palapit kay Cyrus at saka ngumiti. "Welcome!" bati ko.
Ngumiti siya kaagad sa akin. Kapansin-pansin naman ang pananatili ng tingin ng demonyong nakayakap sa kanya kay Morris. Tila ba may iba itong tinitingnan. Pero hinayaan ko na lang as long as wala itong ibinubulong na hindi maganda kay Cyrus.
“Salamat talaga sa pagtitiwala, ma’am.” Makikipagkamay sana siya sa akin pero kaagad siyang hinila ni Morris.
“Kailangan nating dumiretso sa Baking Area, marami akong ituturo sa ‘yo,” ani Morris.
Sasagot pa sana si Cyrus kung hindi lang pakaladkad ang ginawa sa kaniya ni Morris. Napailing na lang ako. Atleast hindi na siya tutol sa pagpayag ko na magtrabaho si Cyrus dito.
Isa pang dahilan kung bakit tinanggap ko si Cyrus ay dahil gaya ng mga demonyong mayroon sila Bella noon, gusto kong mag-fade rin ang sa kaniya. Gusto kong sa pagtagal ng panahon, maging transluscent na rin ang sa kaniya at hindi na siya kayang kontroin nito. Para kahit manlang sa ibang tao, magawan ko ng paraan. . . kahit hindi na ang sa akin.
Humigop ako sa mug ng kape na dinala sa akin ni Bella pagkapasok ko sa opisina. Hindi ko na siya inutusan at nagkusa na lamang siya. Sabagay, araw araw naman niya na kasing ginagawa 'yon kaya siguradong hindi na 'yon bago sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng pag-ko-compute ko ng sales, biglang tumawag si Ate Sol. Oo, para na naman akong tangang kinabahan. Kung anu-ano na namang pumasok sa utak ko. Natatakot ako na baka isang araw ay tumawag na lang bigla si Ate Sol na ang dahilan ay ninakawan ako ni Rayven o kaya ay may masama nang ginawa sa kaniya. Minsan, naaawa ako kay Rayven pero mayamaya naman ay mag-iiba ang timpla ko, bigla na namang wala akong tiwala. Ang gulo!
“Ate Sol! Bakit?”
Mas lalo akong kinabahan. Hindi kasi siya sumagot kaagad.
“Ate Sol! bakit?!”
Tumayo na ako sa upuan ko at handa na naman sanang umalis pabalik sa bahay pero napasapo na lang ako sa noo ko nang magsalita na si Ate Sol sa kabilang linya.
“Nasaan ba 'yong ibang damit mo? Isang linggo na nang huli akong naglaba pero lilima lang ang nasa lagayan mo ng maruming damit!”
Pabagsak na naupo ako ulit. Masyado na yata akong nagiging paranoid. . .
“Ate, nasa banyo. Sinabit ko ang lahat sa hanger,” mahinahong sagot ko.
“Bakit doon mo nilagay—” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Pinatay ko na kaagad ang tawag at saka ko pabagsak na inilapag sa lamesa ang cellphone ko. Hinilot ko ang sentido ko dahil pakiramdam ko’y sumasakit na ang ulo ko.
Kasalanan ko rin kasi e. Ang tanga ko para tanggapin si Rayven. Kung hindi ko sana siya tinanggap sa trabaho, edi sana wala akong aalalahaning ganito!
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang CCTV at inilagay 'yon sa harap ko. Kailangan ko siyang bantayan palagi, hindi pwedeng makampante ako dahil lang nakakaawa ang kwento niya. Baka kasi nagpapaawa lang talaga ang isang 'yon para bumigay ako sa kaniya at maawa ako. Sa laki ng demonyong nasa likuran niya, malamang na gano’n nga. . .
Nang matapos ang trabaho, niyaya ko silang lahat sa isang resto bar. Hindi na ako nag-alala na baka kung anong gawin ni Rayven kay Ate Sol dahil nakauwi na iyon ng ganitong oras.
“E ma’am, bakit may pa-resto bar kang nalalaman ngayon? Ayaw mo lang umamin na gusto mong uminom e!” pang-aasar ni Marlon.
Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign siya sa akin. Nauuna akong maglakad habang sila’y nakasunod lang sa akin. Si. Bella, Cyrus at Marlon, panay ang kwentuhan habang ginigisa nila Bella at Marlon itong si Cyrus na hindi nila ginawa kay Morris dahil nga natatakot silang kausapin ito. Kung alam lang nilang mas walang demonyong nakakapit kay Morris kaysa kay Cyrus, ewan ko na lang talaga. Wala naman kasi silang alam, walang nakakaalam sa kung anong klaseng tao ako kundi ako lang. Maging si Ate Sol ay walang ka-ide-ideya.
“Pa-welcome party ko 'to kay Cyrus!” Nakangiting itinaas ko ang bote ng beer na kaka-order lang namin. Pare-pareho rin silang nagtaas maliban kay Morris na dumiretso na kaagad sa paglagok. Lahat kami ay napatingin sa kaniya pero tumawa lang si Cyrus.
“Hayaan na natin siya! Cheers!” ani Cyrus.
Sabay sabay naming pinagdikit ang mga bote namin at sabay sabay ring uminom mula sa baso. Si Morris lang talaga ang walanghiyang hindi kami sinabayan.
Somehow, kahit na nagugulo ang utak ko, medyo nahimasmasan naman ako sa lasa ng alak. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano hanggang sa napunta ang topic kay Cyrus.
“May girlfriend ka na?” tanong ni Bella sa kaniya.
Umiling si Cyrus. “Wala, e. Pero ready to mingle naman dahil matagal na akong uhaw sa pagmamahal,” sagot niya.
“Ay sus! Ang sabihin mo hindi ka sa pagmamahal uhaw, sa kajerjer-an!” pang-aasar ni Bella.
Biglang natawa si Marlon at Cyrus. Pero hindi si Morris, maging ako’y hindi natuwa. Hindi kasi magandang biro iyon lalo na at alam ko kung ano ang nasa likuran ni Cyrus. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng nilalang iyon.
“Paano mo nalamang iyon nga? Manghuhula ka, ano?” ani Cyrus sabay tawa.
Nagtawanan silang tatlo maliban sa akin at kay Morris. Hanggang sa gitna ng tawanan nilang dalawa, tumayo si Morris at pabagsak na inilapag ang baso niya.
“Huwag kang mag-imagine ng kung ano bago ka matulog, baka magkatotoo,” ani Morris.
Naging seyoso tuloy ang atmosphere namin!
“A-anong imagination naman 'yon? Lakas talaga ng tama mo e, 'no?” kunwari pang patawa tawang tanong ni Cyrus.
Hindi sumagot si Morris. Instead, padarag na hinila niya ang upuan. “Magbabanyo lang ako.” Malamig na tugon niya.
Wala silang nagawa kundi ang magsikibit-balikat na lang habang ako naman ay napalingon kay Morris na papaalis. Ramdam ko na ngayong may kakaiba talaga sa kaniya. Na hindi talaga siya ordinaryong tao lalo nasa mga ikinikilos niya ngayon.
And I want to know what it is. Umaasa akong siya na nga ang hinahanap kong kapareho ko.