Kabanata 8: "Alam n'yo, nakakatakot pero parang nababasa yata ni Morris ang mga iniisip natin," ani Bella. Nakagat ko ang labi ko. Sigurado akong may kakaiba kay Morris pero hindi naman siguro niya magagawang mabasa ang nilalaman ng isip ng isang tao. Isa pa, sa tagal kong nakakakita ng mga kakaibang nilalang, never akong napansin ng mga demonyong iyon. Hindi nila nababasa ang utak ng tao. Kung ang demons hindi kayang basahin ang isip, ang kapwa tao pa kaya? Nagpatuloy sila sa usapan. Kung ano-anong kababalaghan na nga ang pinagkwe-kwentuhan nila. Habang ako nanahimik na lang habang lumalagok ng beer na nasa baso ko. "Paano kaya talaga 'no kapag may taong kayang basahin ang laman ng isipan natin? Ang creepy!" bulalas ni Bella. Tumango si Cyrus. "Totoong nakakakilabot." Gusto kong mai