Chapter 5 - One Night

2103 Words
NAKARATING na sila sa mall, kung saan dapat sila mamimili ng damit ng magiging anak ni Mikaela. Hindi lang natuloy ang kanilang plano, nang dahil sa ex-lover ni Mikaela na si Richard. Ang mahalaga kina Ruth at Lily muna ay ang makausap nila ng maayos at seryoso si Louie. Bumaba muna sila sa kotse nito, upang balikan at kunin ang iniwan nilang sasakyan sa may parking area. Pinaalis na rin nila si Louie at susunod na lang sila sa hotel. Wala namang nagawa si Louie kundi ang sumunod sa kanila.  Habang binabaybay ni Louie ang daan pabalik sa kanyang hotel, tinawagan niya ang kanyang isang tauhan. Pinapunta niya ito sa lugar nina Mikaela, upang magmatiyag at magbantay.  Pati na rin ang tagapangalaga ni Mikaela ay tauhan din ni Louie. Ang lahat ng taong nakapaligid kay Mikaela, ang lahat ng tumutulong sa kanya ay konektado kay Louie. Pwera sa magulang ni Mikaela at ang mga kaibigan nito.  Mabuti na lang, nagkataon na hindi masyadong abala si Louie sa araw na iyan. Siya mismo ang sumubaybay at nagbantay kay Mikaela. Kaya naman, madali niyang natulungan si Mikaela sa pambabastos at pagpapahiya ni Richard. Naisip din ni Louie, na gumawa na ng aksyon ang tadhana at kapalaran upang silang dalawa ay magkalapit na ng tuluyan. Para kay Louie, hindi na niya sasayangin ang pagkakataon na iyon na makasama ang kanyang mag-ina. Mabilis ang naging biyahe niya. Kasunod din niya ang sasakyan ni Lily. Nang makarating na sila sa labas ng hotel, halos sabay-sabay silang bumaba sa kanilang mga sasakyan. Nagtipon muli sila sa loob ng restaurant. “Ikaw talaga ang may-ari ng hotel na ito?” tanong ni Lily habang lumilibot ang kanyang mga mata sa paligid.  “Yes!” matipid na sagot ni Louie. “Ikaw lang ba ang namumuno nito? O kasama mo ang pamilya mo?” patuloy na nagtanong si Lily habang tahimik naman si Ruth.  “Mag-isa lang ako. Wala akong kapatid at wala akong magulang. Lumaki ako sa isang bahay ampunan at nagtiyaga akong makamit ang mga pangarap ko sa sarili kong pawis at dugo,” seryosong sabi ni Louie. Napahinto sa paglalakad sina Ruth at Lily, dahil nagulat sila sa sinabi ng binata. Ang totoo niyan, may ina si Louie. Napadpad siya sa bahay ng ampunan nang dahil sa kanyang ina. Iniwan siya roon ng kanyang ina sa kadahilanan na nag-asawa muli ito. Sa murang edad niyang walong-taong gulang, matured na ang pag-iisip niya. Alam niyang may dahilan ang kanyang ina. Subalit, hindi pa rin maiwasan masaktan ng kanyang inosenteng puso. Kahit sino naman ang batang iwanan ng magulang ay napakasakit. Iyon na ata ang pinaka-masaklap na karanasan sa buhay ng isang tao. Pinilit ni Louie na intindihin ang lahat. Pero tumatak sa kanyang isipan na balang araw o pagdating ng araw, kung magkita man silang muli ng kanyang ina, maipagmamalaki siya nito. Kaya naman tiniis lahat ni Louie ang kahirapan. Lalo na noong bagong salta siya sa bahay ampunan ay hindi niya maiwasan ang ma-bully. Ang paglaruan siya ng mga batang may katandaan sa kanya. Mabuti na lang, nariyan si Vince. Si Vince ang naging kakampi niya at naging matalik na kaibigan. Hindi lamang iyan ang  nagpahirap kay Louie. Tuwing gabi siya ay laging nababangungot dala ng pag-iwan ng kanyang ina. Marahil, kahit lumipas ang araw, buwan, at taon, sariwa sa kanyang alaala ang pag-abandona ng kanyang ina sa kanya. Gayunpaman, kahit mahirap ang kanyang dinaranas. Kahit hindi lubos masaya ang kanyang nararamdaman. Nagsumikap siya sa buhay. Naging mabuti rin siyang bata, kasama ni Vince. Hanggang sa kanyang paglaki. Pinagkakamalan nga siyang cold-hearted, suplado, at masungit. Ang hindi alam ng lahat ng taong nakakasalamuha niya ay sadyang tahimik lamang talaga siya. Wala lang siyang panahon sa mga bagay na hindi naman importante. “I’m sorry!” humingi ng paumanhin sina Ruth at Lily. Nakaramdam din sila ng kirot sa kanilang mga dibdib mula sa maikling katagang binigkas ni Louie. “It’s okay! Sanay na ako na that I’m alone in my whole entire life. Hindi lang ito ang pagmamay-ari ko. Mayroon pang iba. By the way, bakit napunta ang usapan sa buhay ko?” lingon ni Louie kina Ruth at Lily.  “Of course! Kailangan naming makasiguro sa iyo para kay Mikaela. Hindi porke ikaw ang tunay na ama ng baby niya, papayag na rin kami basta-basta sa gusto mo, right Lily?” sagot agad ni Ruth at siniko niya si Lily sa tagiliran. Tumango lang si Lily.   “Hindi ko lolokohin si Mikaela. That one night…” hindi tinuloy ni Louie ang kanyang sasabihin nang mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang serye ng pangyayari nang gabing magkasama sila ni Mikaela sa loob ng kanyang penthouse. “Ilang minuto na ang lumipas, hindi niyo pa nagawang tapusin ang inuutos ko sa inyo,” wika ni Louie sa kanyang mga tauhan sa hotel na may gigil. Ang kanyang tinutukoy ay ang isang room sa kanyang hotel. Pinapalinis niya ito para kay Mikaela. Iniligtas niya kasi ito sa isang bar, sa mga lalaking nais itong bastusin. “Marami po kasing ginawa ang mga staff natin, boss. Halos sabay-sabay ang mga booking, kaya hindi nila nagawa agad ang bilin niyo. Pero, inaayos na---” “Tawagan niyo na lang ako, kapag okay na ang lahat. I will take her to my penthouse first. Hurry up!” Buo ang boses ni Louie. Mabilis na tumango ang ulo ng manager ng kanyang hotel. Nang tumalikod siya sa kanila, kinikilig ang mga staff. Nagbubulungan na parang mga bubuyog. E, kahit sino naman ang makakita sa kanila ni Mikaela sa ganun na sitwasyon, napagkakamalan talaga sila na bagong kasal.  Walang malay kasi si Mikaela. Karga siya ni Louie. Nang lilingunin sana muli ni Louie ang kanyang mga tauhan para klaruhin sa mga ito na wala silang relasyon ni Mikaela, biglang gumalaw ang dalawang kamay ni Mikaela. Niyakap niya ang leeg ni Louie. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. Ngumiti pa si Mikaela at nagsabing, “I love you!” Bumilog ang mga mata ni Louie sa gulat. Naging mahigpit ang hawak niya sa katawan ni Mikaela. Napanganga at natulala naman ang mga staff. Walang nagawa si Louie kundi ilakad ang kanyang mga paa na mabilis. Nag-init ang kanyang buong katawan. Humagikgik naman ang kanyang mga staff. “Sa wakas! May babae ng bumihag sa puso ni boss,” wika ng manager. Nang makarating sila sa loob ng penthouse, kaagad binaba ni Louie si Mikaela sa sofa. Nang tumalikod si Louie, bigla siyang niyakap nito. “Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis. Ako pa rin ang pipiliin mo. Ako pa rin talaga ang mahal mo, Richard.” “Richard?” ulit ni Louie sa pangalan ng isang lalaki. Hinawakan niya ang kamay ni Mikaela, tinanggal niya ito sa kanyang katawan. Hinarap niya si Mikaela. Nakangiti ito sa kanya. Hinaplos-haplos pa nito ang kanyang pisngi. Umiiwas ang ulo ni Louie. “Hindi ako si Ri--” hindi nagawa ituloy ni Louie ang kanyang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Mikaela sa labi. Hindi na naman nakagalaw ang kanyang katawan. Sa buong buhay niya, hindi pa niya nararanasan ang ganung bagay. Wala kasi siyang panahon para sa pag-ibig. Ginugugol niya ang kanyang oras sa kanyang mga negosyo. Pinapanalangin na nga ng mga taong nakapaligid sa kanya, na sana ay dumating na ang babaeng magpapatibok sa puso nito. Para na rin may magmana sa lahat ng kanyang ari-arian. Kusang lumayo si Mikaela sa kanya. Wala siyang alam na salitang bigkasin. Napalunok lang siya. Sinakmal niya ang kanyang mga kamao, nang biglang tanggalin ni Mikaela ang kanyang blusa. “Heto ba ang gusto mo, ha? Sige, ibibigay ko sa ‘yo!” sigaw ni Mikaela, ngunit hindi na tuwa ang nakikita ni Louie sa mga mata nito. Luha na. Kaya bago pa man, maibaba ni Mikaela ang suot niyang skirt, mabilis siyang nilapitan ni Louie. Niyakap niya ito nang mahigpit. Ngunit, lumaban si Mikaela. Hindi alam ni Louie kung saan nanggaling ang lakas nito. Sinakmal muli ni Louie ang kanyang mga kamay. Senyales ito na pigilan ang kanyang sarili. “Let me spend the night with you, please…” pakiusap ni Mikaela. Lasing na lasing siya. At ang nakikita ng kanyang mga mata ay ang kanyang ex-boyfriend na si Richard. Samantala, titig na titig naman ang mga mata ni Louie sa mga mata ni Mikaela. Dahan-dahan lumakad ang mga paa ni Mikaela palapit sa kanya. Muli, hinaplos ni Mikaela ang pisngi ni Louie. Kusang bumukas ang mga kamao ni Louie at bigla niyang hinablot ang katawan ni Mikaela palapit lalo sa kanya. “Wala akong pakialam kung sino man ang sinasabi mong Richard. Basta ang alam ko ay hindi ako iyon. But if you want us to share the night, I will grant your wish. Huwag mo sanang pagsisihan ang lahat paggising mo, dahil simula sa gabing ito hindi na kita pakakawalan.” Binuhat ni Louie si Mikaela papunta sa loob ng kanyang silid. “That one night?” sabay pa sina Ruth at Lily, inaabangan nila ang kasunod na sasabihin ni Louie. Ito rin ang nagbalik sa ulirat ni Louie.  “Let’s go to my penthouse. Mas mabuting doon na lang tayo mag-usap.” Naglakad muli si Louie papunta sa elevator. Sumunod naman ang dalawa. At nang makarating sila sa penthouse, namangha sina Ruth at Lily. Parang isang nakatagong palasyo.  “Dito ba nangyari ang lahat?” pagbibiro ni Ruth.   “Tumigil ka nga!” saway ni Lily. Tumango naman si Louie.  “Totoo? Nakarating dito sa penthouse mo si Mikaela?” hindi na rin napigilan ni Lily.  “Yes, dito ko siya unang dinala, habang ang mga tauhan ko ay inaayos ang kanyang dapat na maging kwarto. Pero hindi ko inaasahan na…” hindi tinuloy ni Louie ang kanyang sasabihin dahil nahihiya siya kay Ruth at Lily.  “Hindi mo inaasahan ang?” dugtong ni Ruth.  “Iyon nga, ‘yong nangyari.”  “Mahal mo ba si Mikaela, Louie?” diretsong tanong ni Lily. Hindi muna sumagot si Louie.  “Kasi kung hindi mo mahal talaga ang kaibigan namin, kung pananagutan mo lang siya dahil lang sa pagkakamali na nagawa ninyo, hindi ka namin matutulungan. Hindi ka namin tatanggapin. Mas gugustuhin namin na mag-isa na lang siya kasama kaming mga taong nagmamahal sa kanya,” paliwanag ni Lily.  “Big check!” dugtong naman ni Ruth. Ngumiti si Louie sa kanila.  “Siya ang kukumpleto sa buhay ko. Kasama ng magiging anak namin. Ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko nang bata ako,” sagot ni Louie.  “Sagutin mo ang tanong ko? Ayaw ko ang paligoy-ligoy,” nagsalita muli si Lily.  “Simula nang gabing iyon, minahal ko na ang kaibigan ninyo. Simula nang umalis siya, hinanap ko na siya dahil sinisigaw siya ng aking puso,” pagtatapat ni Louie.  “Oh my God, Lily. I’m so kilig!” parang naiihi si Ruth sa mga salitang binitawan ni Louie.  “Paano kami makakasiguro na mahal mo ngang talaga si Mikaela?”   “Tulungan ninyo akong mapapayag siyang sumama sa akin. Na tanggapin ang alok ko sa kanya. Alam kong hindi salita ang magpapatunay na mahal ko siya. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya na tunay ko siyang minamahal kahit isang gabi lang ang pinagsaluhan namin noon,” paliwanag ni Louie.  “Kinikilig talaga ako! Parang mga bida sila sa teleserye,” sabat na naman ni Ruth.  “Ano ang gusto mong gawin namin, Louie?” pinipigilan lang ni Lily ang kanyang emosyon na kiligin para kay Mikaela.  “Gusto ko sanang unti-unting maalala ni Mikaela ang lahat. Lalo na ako,” paliwanag ni Louie.  “Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin Louie. Makakausap namin si Mikaela.”  “Maraming salamat sa inyo. Matagal na akong nag-iisa sa buhay. Kahit kailan hindi pa ako umibig. Si Mikaela lang ang bumihag sa aking puso,” patuloy na sabi ni Louie.  “Ano ba? Tama na! Baka tuluyang maihi na ako sa sobrang kilig e,” sabi ni Ruth.  “Siguraduhin mo lang na hindi kasing tamis ng asukal ang tabas ng dila mo, Louie. Kapag sinak— “  “Hindi ko sasaktan si Mikaela. I promise!”   “Okay! Mabuti naman kung ganun. Siguro ang unang hakbang na gagawin natin ay ang mga magulang ni Mikaela. Kailangan mo ring ipagtapat sa kanila ang lahat,” wika muli ni Lily.  “No problem!” sagot agad ni Louie. Nakita naman nina Ruth at Lily ang katapatan ni Louie sa kanilang dalawa.  Ang determinasyon nito na makasama si Mikaela. Hindi na nila tuloy mahintay na masaksihan ang pag-ibig sa pagitan nina Louie at Mikaela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD