Chapter 2 : Unlikely Friendship

1839 Words
SI DECLAN ang natatakot para sa babaeng nakatapon ng cold coffee sa mamahaling damit ni Avril. Nakikinita na niya na masisigawan nito ang waitress na ang pangalan ay Sydney. "Sorry po, ma'am! Hindi ko po sinasadya! Patawad!" halatang kinakabahang paghingi ng tawad ni Sydney sabay kuha nito ng panyo at pilit pang pinupunasan ang nabasang damit ni Avril. Huminga ng malalim si Avril na matalim at nakasimangot na ang mukha. Muntikan pang mapapikit si Declan dahil hinihintay niya ang nakakabinging reklamo ni Avril. "Okey lang, Ate Sydney. Mag-ingat ka na lang sa susunod ah?" malaki ang ngiti na sagot nito. Muntikan nang mapanganga si Declan. Nakangiti si Avril? Himala ba itong nangyayari? Hindi ito nanampal o nanigaw pagkatapos na madumihan ang favorite dress nito? Alam niya na malagkit pa sa katawan iyon dahil kape ang tumapon rito pero ayos lang para rito? Nakapagtataka... "Babayaran ko na lang po ang damit ninyo, Ma'am. Sorry po talaga," hindi pa rin makapali na sabi ni Sydney. "Hindi. Ayos lang talaga. Hindi naman masyadong namantsahan e. Medyo malagkit lang talaga sa katawan," nakangiti pa ring pag-iling ni Avril na para talagang anghel. Ngayon lang niya nakitang ganito kabait ang babae. Kung sa ibang tao ay baka lagas na ngayon ang buhok ni Sydney. Totoo nga ba talaga ang himala? "Kung gusto po ninyo, sasamahan ko na lang kayo sa CR. May extra t-shirt po akong dala ibibigay ko na lang po sa inyo," magalang na alok ni Sydney. "Talaga? Sige! Tara na!" Biglang tumayo si Avril na parang excited na excited pa talaga. At kumapit pa talaga ito sa braso ni Sydney na para bang kinalimutan na nito na kasama pa siya nito. Napailing na lang siya. Ano bang trip nitong mahal niya? Nasundan na lang niya ng tingin ang dalawang babae hanggang sa makalayo na ang mga ito. ------------------------------------------------------------------------------------------------- "ANO BANG problema mo, Sydney?! Pinag-OT kita para asikasuhin ng maayos sina Ms. Avril pagkatapos tinapunan mo pa ng kape? Anong gagawin mo kapag may pagsabihan siyang iba sa nangyari sa kanya dito? Baka isipin pa ng mga tao na aanga-anga ang mga nagtatrabaho rito! Palpak ka talaga!" galit na sinermunan siya ng manager na si Ms. Cheenee nang pumasok siya sa staff room para kunin ang gamit niya. Si Avril ay nasa loob na ng ng banyo at nagpapalit ng t-shirt. "Sorry po," yukong-yuko na sabi niya na pinipigilan na ang sariling mapaiyak. Nag-break na nga sila ni Caleb at sa text lang ito nakipaghiwalay pagkatapos ngayon ay minamalas pa siya. "Hoy, panget na matanda, bakit mo pinagagalitan si Sydney ha?" Biglang may nagsalita mula sa likuran nila. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Avril na pumasok doon sa loob na dapat ay para sa mga staff lang ng coffee shop. Suot-suot na nito ang plain pink t-shirt na binigay niya rito. Kahit na yalex lang ang tatak ng t-shirt at cheap para sa tulad nitong mayayaman ay bumagay pa rin iyon dito. Cute pa rin itong tingnan kahit na anong isuot nito. Kahit nga yata magsuot ito ng basahan ay lilitaw pa rin ang ganda nito. Sabagay, kaya nga ito naging model e. “Nandiyan po pala kayo, Ms. Avril. Pasensya na po kayo sa gulong nangyari." paghingi ng paumanhin ni Mrs. Cheenee na binalewala ang panlalait ni Avril dito kanina.Pero nakasimangot pa rin ang babae at sa gulat niya ay kumapit ito sa braso niya! Omo? "Magkano ba ang sinasahod ni Sydney sa coffee shop na ito?" nakataas ang kilay na tanong nito. "Ho?" "Hindi ka lang matanda. Bingi ka pa! Magkano ang sinasahod dito na Sydney dahil dodoblehin ko sa ibinibigay mo sa kanya. Hindi purkit sinasahuran mo siya ay may karapatan ka nang sabihan siyang tatanga-tanga. Sa susunod na gawin mo pa ito sa kanya ay sisiguraduhin ko na ikakalat ko sa media kung paano kapangit ang lasa ng kape rito. Ipapasulat ko rin na hindi maganda ang pagtrato mo sa mga nagta-trabaho rito. Hinding-hindi ako papayag na gawin mo pa ulit ang ganito kay Sydney, naiintindihan mo ba?!" masungit pero cute pa rin na sabi ni Avril. Halos mapanganga si Mrs. Cheenee sa sinabi nito. Natahimik lang ang lahat at nagugulat ang mga ito at maging siya dahil kung magsalita si Avril ay para bang close na sila. Saka bakit ba ito kumakapit sa braso niya? It feels so weird but she kinda like it. But why? "A-ah, p-pasensya na po ulit Ms. Avril. Hindi na po mauulit ulit. Sige, maiwan na muna namin kayo. Sydney, ikaw na ang bahala sa kanila." Umurong bigla ang dila ni Mrs. Cheenee at parang napapahiyang umalis na sa harapan nila. Humarap naman siya kay Avril. "Ma'am, pasensya na po talaga sa abala ah. Kung gusto po ninyo ay ako na lang ang maglalaba ng dress at ihahatid ko na lang po sa inyo. Saka pasensya na rin ho kung ganyang t-shirt lang ang nabigay ko," nahihiyang paumanhin niya sa babae. "Huwag mong intindihin 'yon. Marami kaming muchacha sa bahay na pwedeng maglaba," sabi nito saka maya-maya ay biglang ngumiti na parang nahihiya. "Ah, pwede ba tayong maging magkaibigan, Sydney?" namumulang tanong nito pero nakangiti at cute na cute. Nagulat siya. Siya? Gustong maging kaibigan ng isang Avril Wesley? Eh sino ba naman siya? At bakit pinagtanggol siya nito kay Mrs. Cheenee at hindi man lang ito nagalit nang natapunan niya ito ng kape? Nakapagtataka... "Ako po, magiging kaibigan ninyo Ma'am? Pero bakit?" "Wala lang. Gusto ko lang. Bakit? Ayaw mo akong maging friend?" tanong nito sabay puppy eyes. Sa mukha nitong iyon ay sino ba naman ang makakatanggi? Mataray at maldita ito kanina pero para itong inosenteng bata kanina. "Ah, hindi naman po sa gano'n. Pero kung gusto n'yo talaga e 'di sige," nasabi na lng niya para matapos na. Doon naman ito biglang nagtatalon sa tuwa sabay hawak sa dalawang kamay niya. Weird. Para itong isang fan girl na adik na adik sa mga male k-pop. Ang masama lang ay parang siya ang center of fandom nito. E normal na babae lang naman siya. Ito pa nga ang model 'di ba? “Talaga?! Friend na tayo? Ang saya-saya ko naman! Pwede ko bang makuha ang number mo? Saka saan ka nakatira? May boyfriend ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito at sa gulat niya ay bigla na lang may humila rito. Iyong lalaking kasama nito. "Naku, pagpasensyahan mo na itong girlfriend ko, Miss ah. Hindi na naman yata nakainom ng gamot eh! Mauna na kami. Binayaran ko na ang bill sa counter. Salamat!" nakatawang sabi ng matangkad na lalaki na Declan ang pangalan saka na hinila si Avril palayo sa kanya. "Uwaaa!!! Bitiwan mo ako Declan! Sydney, penge ako ng number mooooooo!!!!!" pagsasalita pa rin ni Avril na nagpupumilit pang lumapit sa kanya pero hila-hila na ito palayo ng boyfriend nito. Napasunod na lang siya ng tingin sa dalawa hanggang sa makalabas na ang mga ito sa shop. Napangiti na lang siya maya-maya. Parang isip-bata pala ang pinakasikat na model ng penshoppe na si Avril Wesley. Parang dati lang ay madalas na nakikita lang niya itong lumalabas sa mga commercials sa TV at marami pa ang nagsasabi na matapobre, maldita at spoiled daw ito. Pero sa nakikita niya ay mukhang mabait naman pala ang babae at nakakaaliw. Nagbago ang unang impression niya rito kanina. Pinagtanggol pa talaga siya nito kay Mrs. Cheenee kanina kahit na kung tutuusin ay kasalanan naman talaga niya dahil masyado siyang bothered sa nangyari sa kanila ni Caleb. Sa sandaling oras ay nawala sa isip niya ang boyfriend na si Caleb. Pagkaalala sa lalaki ay napaiyak na lang siyang bigla... Wala na ang first love niya... ------------------------------------------------------------------------------------------------- ”NAKAKAINIS ka talagang bwisit ka! Bakit ka ba nagmamadaling umalis ah?" inis na tanong ni Avril kay Declan pagkasakay pa lang nila. "Tinawagan ako ni Rey at sinabing may biglaang taping ka raw ngayong gabi. May bagong project ka raw. Sa Wattpad Present as one of the leads. Ito na ang hinihintay mo. Kahit isang linggo ka lang maging bida ay okey na 'yon. Break na rin iyon kaya bakit mo sinasayang ang oras mo sa pakikipagkulitan sa waitress na iyon?" "Sydney ang pangalan niya! Narinig mo na nga kanina e! Bobo ka talaga!" pambabara niya rito. "Waitress o Sydney, she's just a stranger okey? Nagsasayang ka lang ng panahon sa pakikipag-usap mo ro'n," sabi nito na ini-start na ang kotse at umandar na iyon paalis. "Hindi siya stranger 'no! Friends na kaya kami!" "At nagawa mo pa talagang makipagkaibigan sa hindi mo kakilala? Naku, isusumbong talaga kita sa Daddy mo," pananakot pa nito. "Eh, bakit ka ba nangingialam na bulldog ka? Ni hindi mo man lang akong hinayaang makuha ang number niya! Nakakainis! Bwisit!" panggigigil niya. Bumabalik na naman sa isipan niya ang napalagpas niyang chance. Iyon na 'yun e. Makukuha na sana niya ang number ni Sydney pero dumating pa ang asungot na si Declan. "Number? Ano ka lalaki? Ano bang meron sa babaeng iyon at para kang maamong tupa pagdating sa kanya? Nilalagnat ka ba?" nakikipagsabayan na sa init ng ulo niya na tanong ni Declan. Doon siya natigilan. Bakit nga ba? Hinawakan niya ang dibdib niya at malakas pa rin ang tibok niyon habang bumabalik sa isipan niya ang matamis na ngiti ni Sydney kanina. Saka natagpuan niya ang sagot mula rin mismo sa sarili niyang bibig. "I think... I think, I'm in love with her..." nakatulalang sabi niya at alam niya na puso niya ang nagsalita at hindi ang bibig niya. Doon biglang napa-preno sa gulat nito si Declan! Muntik na tuloy silang mangudngod sa salamin ng kotse! "Nababaliw ka na ba! Bakit mo biglang hininto ang sasakyan?! Gusto mo bang masira ang beautiful face ko?!" naiinis na sigaw niya. "Ikaw ang baliw! Ano iyong sinabi mo kanina? Ulitin mo!" parang papatay ng tao na tanong ni Declan. Pero hindi siya natatakot dito 'no. "Sabi ko, I'm in love with Sydney! Gusto paulit-ulit? Unli, Koya? Unli?" nabubwisit na pamimilosopo niya. "That's insane, Avril! She's a girl! Babae! Pagkatapos sinasabi mo na in love ka sa kanya? Baliw ka ba?!" hindi makapaniwalang sabi nito. "Eh sa iyon ang nararamdaman ko eh anong magagawa ko? Sa kanya ko lang naramdaman 'yung mga nababasa kong feelings ng mga babae sa mga pocketbooks na nababasa ko. Saka ano ngayon kung girl din siya? Sa ibang bansa nga may same sex marriage na!" sabi niya na tumuwid ng upo. "Basta ako, mahal ko na si Sydney kaya huwag na huwag mo siyang aagawin sa akin kung ayaw mo na magkamatayan tayo!" pagbabanta pa niya saka na tumingin na lang sa labas ng bintana para hindi na siya nito kausapin. Napailing na lang si Declan at sumasakit ang ulo nito. Isip bata pa talaga kahit na kailan si Avril! Isipin ba naman nitong in love rin ito sa kapwa nitong babae? For pete's sake! Eh ni wala ngang boyish man lang sa mga ito e. Parehas na mahinhin at maganda pagkatapos ay sasabihin ni Avril na in love ito sa waitress na iyon? Isang malaking KALOKOHAN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD