Chapter 3 : Female Yandere

2543 Words
HINDI MATAHIMIK ang nagkukutkot na kalooban ni Avril. Ilang araw na siyang busy para sa isang one week mini tv series ng Wattpad Presents na pinagbibidahan niya. Bukod roon ay sunod-sunod pa ang mga shoots niya para sa mga commercials na ine-endorse niya. Dahil doon ay ilang araw na siyang hindi nakakabalik ulit sa coffee shop. Hindi na niya nakikita ang pinakamamahal niyang si Sydney. Sinasabi na nga ba niya at tama ang hinala niya e. Talagang na-love at first sight siya kay Sydney dahil hindi niya ito makalimutan kahit na saglit lang naman niya itong nakasama. Akala ni Declan ay nagbibiro lang siya rito no'ng sinabi niya na type niya si Sydney. Sa totoo lang, gustong-gusto niyang makita ang babae. Ganito pala ang feeling ma-in love. Nakakabaliw. Alam niyang weird pero talagang gusto niya si Sydney eh. Tomboy na ba siya? Pero parang hindi naman niya maramdaman na may nagbago na sa kanya. Na-in love lang naman siya sa babae rin pero parang hindi pa naman niya nararamdaman na magpapakalalaki na siya. Kaya lang, kung gano'n ang ayos niya ay imposibleng magkagusto rin si Sydney sa kanya. Parehas silang chicks, Ano kaya 'yon? Nagulat siya nang biglang may bumatok sa kanya. Pag-angat niya ng ulo ay isang nakangising lalaki ang nasilayan niya. "Declan! Ungas ka talaga! Bakit mo 'ko binatukan!?" Tinawanan lang siya nito. "Masyado ka kasing seryoso at nakakatawa pa 'yang facial expression mo. Anong drama iyan? Nangingilid pa ang luha mo. Siguro kung nakapagsasalita lang ang utak ay nabingi na ang mga tao rito sa paligid. Kinakausap mo ang sarili mo sa utak mo 'no?" "Aba, Aba, pati pag-iisip ko ngayon pinapakailaman mo na rin? Sinabi ko bang magpunta ka rito? Tigilan mo ako, pwede? Dahil kanina pang mainit ang ulo ko!" Mas lalo lang natawa si Declan sa pagsusungit niya. "Tingnan mo itong babae 'to. Ang sungit-sungit mo, dinadaig mo pa iyong mga matatandang hukluban na menopause na e. Dinalaw ka na nga rito sa taping mo ginaganyan mo pa ako. Kung hindi ba ako dumalaw may bibisita sa 'yo? Kung gusto mong sumikat, magpakabait ka chika babes. Dapat nga matuwa ka pa dahil nagkakagusto ako sa 'yo. Sa gwapo kong ito, na hinahabol ng mga chicks?" pagyayabang pa nito sabay pisil sa baba niya. "Ha-ha. Nakakatawa ka. Utang na loob ko pa pala ngayong type mo ako? Libre lang mahiya, Declan! Kinikilabutan ako sa 'yo!" "Wosshhoooo... Kaya ka lang yata hindi nagkakagusto sa akin kasi TOMBOY ka e.!" pang-aasar pa nitong lalo. "Excuse me? What did you say?" pagpapaulit niya sa sinabi nito dahil baka namamalik-bingi lang siya. "Ang sabi ko, kaya ka ganyan kasi TOMBOY ka!" "No! Hindi ako tomboy 'no! Ang kapal naman ng mukha mo! Baka gusto mo laslasin ko 'yang leeg mo!" violent reaction na sabi niya na napatayo pa. "Kung hindi ka tomboy eh bakit ka nagkakagusto ro'n sa chicks na nagta-trabaho sa coffee shop? Nakakadiri ka, ang ganda-ganda mo pagkatapos maganda rin pala ang habol mo! Ha-ha-ha..." pang-aasar pa nito. Pikon na pikon naman siya at pakiramdam niya ay uusok na ang ilong niya sa inis pero syempre ay pinigilan niya dahil hindi siya dapat magpatalo sa kumag na 'to. "So? Astig nga tingnan eh. Parehas kaming chicks. Hindi mo lang yata matanggap na mas gusto ko pa ang kapwa ko babae kaysa sa 'yo. Kung siya rin lang ang magiging dahilan para maging tomboy ako, so be it. I don't care, as long as siya ang makakasama ko at hindi ikaw," painsultong sabi niya na nakangisi. Napansin naman niya na unti-unting nawala ang ngiti nito at halatang nasaktan sa sinabi niya pero kiber ba naman niya? Asarin na siya nito sa lahat basta huwag lang pagdating sa feelings niya para kay Sydney because she's deadly serious. Pakiramdam niya ay mahal na talaga niya ito. Umalis na siya sa harap ni Declan nang mamataan na ang private investigator na inupahan niya para alamin ang background ni Sydney. Wala na siyang panahon na i-meet ito sa kahit saang restaurant because she's too busy with her work. "Wala na si Sydney d'on sa shop?!" nagulat na tanong niya kay Gil. Isang private investigator. "Yes, Ms. Avril. Pinaalis na ho siya ng manager ro'n dahil palagi siyang na-le-late sa trabaho." "Aww. May poor Sydney..." Anas niya na iniisip kung ano na siguro ang lagay ng mahal niya ngayon. Siguro ay naiisip na nito na maghanap ng ibang trabaho. Mahirap pa naman lalo at hindi naman ito mayaman katulad niya. Naghihirap ngayon ang mahal niya dahil sa bwisit na matandang hukluban na 'yun! "Damn that Old Geezer! Mr.Gil, gusto ko na gumawa ka ng paraan para mapabagsak 'yung bulok na coffee shop na iyon!" utos niya sa lalaki. "Ho? Pero bakit?" nagtatakang tanong nito. "Hindi kita binabayaran para balikan ako ng tanong na matanda ka. Basta gusto ko na gawin mo ang sinabi ko at do-doblehin ko ang ibabayad ko sa 'yo!" malditang pagtataray niya rito. Napatahimik naman ito pero napansin niya na nagkaron na ng dollar sign ang mata nito bago lumayas. At dollar sign pa talaga ha. Hindi man lang peso sign! Umupo na siya sa designated seat niya sa taping nang makaalis na si Mr. Gil Napansin niya na nawala na rin si Declan sa paligid kaya binasa na lang niya ang profile ni Sydney na binigay ni Mr. Gil sa kanya. Nagtataka pa ang matanda na iyon kung bakit niya gustong pabagsakin nito ang coffee shop eh inapi ng mga ito ang Sydney niya. Paparusahan niya ang lahat ng taong mananakit sa mahal niya at hindi niya hahayaang maapi ito. Lintik lang ang walang ganti. -------------------------------------------------------------------------------------------- NAGPAPASALAMAT si Avril sa wakas dahil tapos na rin ang nakakapagod niyang mga projects. Hindi niya maintindihan kung nananadya ba ang tadhana o ano. Noon ay pangarap niya na mapansin ng mga tao. Gusto niyang sumikat at marami palaging ginagawa. She's so obsessed with the spotlight pero ngayong medyo umaangat na siya ay saka naman siya parang nawalan ng gana. Parang mas gusto niya na lang sundan si Sydney araw-araw. Simula nang makilala niya ito ay wala na siyang ibang naisip kundi ang mapalapit dito. Katulad ngayon. Para siyang paparazzi na nasa malayo at nagtatago sa gilid ng damuhan. Kuntodo shades, cap at ang kapal-kapal pa ng suot niya para lang hindi siya makilala. Ngayon niya tuloy pinagsisisihan kung bakit nag-model-model pa siya. Kung hindi lang sana siya sikat att hindi natatakot na baka may makakilala sa kanya ay makakapagmasid sana siya ng walang makakapansin. Pero heto siya ngayon, mukhang tanga na nakatingin lang sa kanyang prinsepe mula sa malayo. Oo, si Sydney ang prinsepe dahil sa ganda niyang iyon ay iiyak ang araw kapag nagpakalalaki siya! Ha-ha-ha... No'ng isang araw pa siyang nag-i-i-stalk kay Sydney pero hindi siya makalapit-lapit dahil sa hiya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinakabahan na makipaglapit dito samantalang nakausap na naman niya ito noon. Bakit kasi palagi na lang itong may kasama e! Ka-ka-out lang ng mga ito sa school at kumakain na ngayon ng fishball kasama ang mga kaibigan nito habang nakikipagtawanan. Uwaa... Kawawa naman ang mahal ko! Ang dirty-dirty ng kinakain niya! sa isip-isip niya habang nakatingin sa nginunguya nitong fish ball na isinawsaw nito sa sawsawang iba't-ibang estudyante na ang nakisawsaw. 'Pero ang swerte-swerte ng mga kasama nya. Nakakasama nila si Sydney!' dugtong pa ng isip niya na inggit na inggit sa mga kasama nito na katawanan nito. Para sa kanya lang dapat ang ngiti nito e! Halata namang ang mga tao ang lumalapit dito dahil independent si Sydney. Ang sabi sa profile na ibinigay sa kanya ng private investigator ay scholar daw ito sa Sacred Heart Academy at nag-pa-part time job pa para lang may maipangbaon. Hindi raw ito humihingi ng pera sa tatay nito at ito pa raw ang madalas na nag-aabot. Sa mga nalaman niya mula kay Mr. Gil eh mas lalo lang tuloy siyang na-i-inlove kay Sydney. Dahil mabuti itong tao... Hayy... Ang aking prince charming. Sydney mylabs, parang nangangarap na anas niya. Hindi niya rin alam kung bakit sa dinadami-dami ng lalaki sa mundo ay sa babae rin siya na-in love. May mga bagay talaga na hindi maipaliwanag pero kusang nararamdaman. Hayy... Sa sobrang busy ni Avril sa pagtanaw kay Sydney ay hindi nito napansin na may aso na pala sa tabi nito. At dahil kung saan-saan na nakarating ang imagination nito ay hindi rin nito napansin na dinidilaan na pala ng aso ang paanan nito. “Hi-hi-hi... Sydney, huwag diyan. Nakikiliti ako, anobey! Hi-hi-hi..." pangangarap pa ni Avril na sa imagination nito ay si Sydney ang dumidila rito. May papikit-pikit pa talaga ng mata! Pero napansin ni Avril na parang may mabaho. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang askal pala ang nasa tabi niya! "AAAAHHHHHH!!!!" Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae mula sa hindi kalayuan sa kanila sa gilid ng school. Agad napukaw ng isang pamilyar na pigura ang atensyon ni Sydney. "Aaahhh!!! Help me, help me! This creepy dog will bite me! So kadiri! Eww!!!" maarteng pagsigaw ng isang babae na napaka-weird tingnan. Naka-shades, cap, may hawak na mini umbrella at ang kapal-kapal pa ng suot nito kahit na tirik naman ang araw. Imbes na tulungan ito ng mga tao sa paligid ay pinagtawanan pa ito. Hindi naman kasi nakakatakot ang askal sa tabi nito. Malambing at cute naman kasi ang aso kahit na pakalat-kalat lang ito sa kalsada. Pero dahil halatang maarte ang babae ay mapaghahalataang mangiyak-ngiyak na ito kahit pa naka-shades. Nakilala niya kung sino ang babae at kahit pa naka-disguise ito ay agad siyang lumapit dito at iniwan ang mga kaklase niya. Pinaalis niya ang aso at marahas na hinila palayo sa lugar na iyon ang babae. "Uy, anong gagawin mo? Saan mo 'ko dadalhin?" Halatang natataranta ang boses ng babae habang hila niya ito pero hindi niya ito pinansin. Hanggang sa wakas ay maidala niya ito sa likod ng school kung saan walang tao. "Now, sabihin mo nga sa akin, Ms. Avril kung bakit mo ako sinusundan?" naka-cross arms na tanong niya rito. "Ki... Kilala mo ako?" parang nabubulol pa na tanong ng babae. Ngumiti lang siya ng mapait. "Sino ba naman ang hindi makakatanda sa babaeng naging dahilan kung bakit nakipag-break sa akin ang boyfriend ko?" nakataas ang isang kilay na sabi niya. Agad naman na tinanggal ni Avril ang cap at shades nito. Bumungad kay Sydney ang cute na mukha nito na parang namumula at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Iniwasan niya na mapasinghap dahil nakucute-an talaga siya rito. Pero syempre ay pinipigilan niya dahil galit nga siya rito hindi ba? "May boyfriend ka pala, Sydney? Akala ko wala!" parang batang maktol nito. "Oo wala! Pero dati meron! At kasalanan mo 'yun! Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kinailangan kong mag-OT no'ng mismong araw ng monthsarry namin ni Caleb! At ikaw din pala ang magiging dahilan kung bakit nakipagbreak sa akin ang lalaking 'yon! Akalain mong na-in-love siya sa 'yo kahit na isang beses ka pa lang naman niyang nakita sa isang fashion show? Do you even know him? Malamang hindi! Ang mga taong katulad mo ay nakakasira ng buhay nang hindi nila nalalaman!" Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Napaupo pa siya ng bahagya sa sobrang panghihina. Alam niyang maling isisi rito ang lahat pero hindi niya mapigilan eh. Masakit para sa kanya na hiniwalayan siya ni Caleb kahit na hindi pa man nito nakikilala ng ganap si Ms. Avril. Ang sabi ni Caleb no'ng nagkausap sila ay marahil ngayon daw ay hamak na fan pa lang daw ito ni Avril pero gagawa raw ito ng paraan para mapalapit sa babae kahit ano pa ang maging kapalit niyon. Kahit pa ang hiwalayan siya. Pagkatapos ngayon ay biglang susulpot sa harap niya ang babaeng ito na dahilan kung bakit siya iniwan ng boyfriend niya? Mahal na mahal pa naman niya si Caleb at ginawa niya ang lahat para lang makuha ito pagkatapos ay makikipaghiwalay lang pala ito sa kanya ng basta-basta. At dahil iyon sa babaeng ito na parang walang kapaki-pakialam. Kung minsan naiisip niya, why life is so unfair? Bakit may mga taong tulad ni Avril na nakukuha ang lahat ng bagay kahit na hindi nito hilingin samantalang siya ay ginagawa ang lahat para makuha ang isang bagay pero lumalayo naman ang mga iyon sa kanya? -------------------------------------------------------------------------------------------- NAPAKAMOT bigla sa ulo si Avril. Natataranta na siyang nilapitan si Sydney at inalo ito. Umiiyak ang babaeng mahal niya! Pero ang ganda pa rin nito kahit na umiiyak na. Binabawi niya na ang sinabi niya kanina. Dahil hindi rin pwedeng maging prinsepe si Sydney dahil mukha itong Diyosa! Ang ganda-ganda nito! "Ihh... Sorry na, Sydney. Hindi ko naman kasi siya masisisi kasi maganda naman talaga ako. Pero sa totoo lang eh ang tanga-tanga naman no'ng Caleb na 'yun kasi iniwan ka niya eh. Magkasing pantay kaya tayo ng ganda. Hayaan mo, andito naman ako e," pag-pa-pa-cute niya sabay tinamisan ang ngiti. Bigla itong nag-angat ng tingin saka sya nito tinitigan ng masama. Nawala tuloy ang ngiti niya. "Tomboy ka ba?!" biglang tanong nito na nagpagulat sa kanya! Parang nababasa nito kung ano ang nasa isip niya! "Ano? Hindi 'no! Sa ganda kong 'to? Excuse me, ah!" deny to death na tanggi niya. At malamang, kung pinapatay lang ang mga taong sinungaling eh baka kanina pa siya nakabulagta sa lupa! "Eh, bakit mo ako sinusundan?" hindi pa rin kumbinsidong tanong nito na pinahid pa ang luha. Napakamot siya sa ulo. "Ah, kuwan, kasi ibabalik ko iyong t-shirt mo! Tama! 'Yon nga! Sinusundan kita kasi ibabalik ko iyong pinahiram mong t-shirt," pagpapalusot niya. "Eh, nasaan na?" paghahanap nito na masungit pa rin. Ibang-iba ito no'ng nasa shop sila. Ambait-ambait sa kanya. Bakit ngayon, hindi na? Hu-hu-hu... "Ay, nakalimutan ko e! Hi-hi-hi..." parang batang napakamot na naman siya sa ulo. Do'n na ito tumalikod sa kanya. Masungit talaga! "Uy, saglit! Huwag ka na sa aking magalit, Sydney! Papalitan ko na lang ang boyfriend este ang trabaho mo kung gusto mo! Basta huwag ka lang magalit sa akin! Pleasssseeee!!!" paghabol niya rito na mukhang tanga. "Paano mong nalaman na wala na akong trabaho sa shop?" tanong na naman nito pagharap nito. "Ihh, pumunta ako ro'n e, kasi nga 'di ba, ibabalik ko sana iyong t-shirt mo. Sorry na kasi, Sydney, hindi ko naman kasalanan na nagkagusto sa akin iyong boyfriend mo kasi maganda naman talaga ako," sabi niya pero pinanlakihan na naman siya nito ng mata. "Ahh, I mean, hindi ko naman talaga ginusto 'yon e. Hindi ko naman siya papansinin kapag nilapitan niya ako kaya huwag ka nang mag-alala. Gusto ko lang makipagkaibigan sa 'yo. Please?" puppy eyes pa na paglalambing niya na pinagdikit pa ang palad na parang isang anghel na nagmamakaawa. Iyon ang pinaka-cute niyang expression. Tingnan lang natin kung hindi ito bumigay. He-he-he... "A-YO-KOO!" pagsigaw nito saka na siya tinalikuran! Napanganga na lang siya na nasundan ito ng tingin. Nasupalpal ang beauty nya! Uwaaa!!! Hinding-hindi siya papayag! Ngayon lang nangyari na may gumawa niyon sa kanya. Iyong may tumanggi sa kanya! Lalo lang tuloy siyang na-cha-challenge na mapalapit kay Sydney. Hindi siya ang tipo ng tao na susuko na agad kapag itinaboy. She'll make sure na mamahalin din siya ni Sydney! Dito pa lang mag-uumpisa ang laban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD