CHAPTER 2

1610 Words
SAMANTHA’S POV PAGDATING namin ni Samy sa airport, driver ni Doc Carl ang naghihintay sa amin. May biglang emergency daw kasi sa ospital ang ninong ng kapatid ko. Ilang oras din kaming naipit sa traffic bago kami nakarating sa bahay niya sa Taguig. Walang tigil ang kaba ko sa muli naming pagkikita. It’s been six years. Forty-years old na siya kaya ang nasa isipan ko ay matanda na talaga at maraming wrinkles. Baka nga malaki na ang tiyan niya at panot na. Pero nang dumating kami, nabitin sa ere ang aking hininga nang matulala ako kay Doc Carl. Mas nagmukha nga siyang matured kaysa noong huli kaming nagkita. Ngunit dumagdag sa personality niya ang maturity. Mas nakaka-intimidate na rin siya ngayon pero makalaglag panga pa rin ang kaguwapuhang taglay. Mas naging matipuno pa ang kaniyang pangangatawan. “Ninong Doc!” Napakisap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin nang salubungin siya ng yakap ni Samy. “Samy boy, ikaw na ba ‘yan?” nakangiting bungad din ni Doc Carl sa kapatid. Hindi ko inaasahan ang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ko uli ang baritonong boses na iyon. “Ang laki-laki mo na, ah!” “Opo, Ninong Doc. Ten years old na po kasi ako ngayon, eh.” “Binata ka na nga. At ang pogi-pogi pa. Manang-mana ka talaga kay Ninong.” Hindi man nakatingin, nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata na sinulyapan ako ni Doc Carl. Huminga naman ako nang malalim at pinilit na magpatay-malisya. Kung tutuusin, wala naman akong dapat ikahiya sa pagkikita naming muli. Kahit alam na ng buong pamilya ko ang pagkahumaling ko sa kaniya noon, nanatili iyong lihim kay Doc Carl. “Samantha? Baby? Ikaw na ba ‘yan?” untag niya sa akin pero nagbingi-bingihan ako. Baby? Dammit. Bakit tinatawag pa rin niya akong ‘baby’ hanggang ngayon? That’s the nickname he used to call me when I was a kid. Kahit nga noong nag-fifteen years old na ako. At never ko iyong nagustuhan. Dahil sa tuwing tinatawag ako ni Doc Carl ng ‘baby’, feeling ko, ‘may gatas pa sa mga labi’ ang tingin niya sa akin. At posibleng isa sa mga dahilan kung bakit hindi man lang niya napansin ang feelings ko sa kaniya noon. “Ang laki mo na rin, baby. Muntik na kitang hindi makilala, ah,” sabi pa niya habang palapit sa akin. Pasimple akong huminga nang malalim. Inihanda ko ang aking sarili at sinikap na maging normal ang aking ekspresyon nang harapin ko siya. Ikakasal na siya at matagal ko na rin kinalimutan ang feelings ko kay Doc Carl kaya dapat lang na hindi na niya malaman pa ang tungkol doon. “D-Doc Carl, kumusta na po kayo?” nakangiting bati ko sa kaniya nang tumigil siya sa aking harapan. Kahit ang totoo, nakakaramdam na ako ng panghihina ng aking mga tuhod. “Okay lang naman ako, baby. Heto, tumatanda na pero cute pa rin.” Likas talaga siyang palabiro noon pa man kaya nga na-in love ako sa kaniya, eh. “C-Cute naman po talaga kayo, Doc.” At guwapo pa! “P-pero puwede po ba na huwag n’yo na akong tawagin na ‘baby’? As you can see, dalaga na po ako. Twenty-two years old na kaya ako. Tapos kung tawagin n’yo ako na ‘baby’…” Humaba ang aking nguso. “Para pa rin akong six years old lang.” Ngingisi-ngisi na napakamot siya sa batok. “Ewan ko ba. Nasanay lang siguro ako na tawagin kang ‘baby’. Siguro din dahil baby face ka pa rin naman kahit dalaga ka na,” aniya sabay pisil sa pisngi ko. Mabilis naman akong nagbaba ng mukha nang maramdaman ko na nag-blush ako. “Tara na sa loob. Ihahatid ko na kayo sa magiging room n’yo para makapagpahinga na kayo.” Inakbayan ni Doc Carl si Samy habang nakasunod naman ako sa kanila. “Mabuti naman at nakarating kayo. Pero pasensiya na kung hindi ko kayo nasundo sa airport, ha? May emergency kasi sa ospital.” “Okay lang po, Ninong. Ang importante, nandito na po kami. Miss na miss ko na po kasi kayo, eh.” “Miss na miss na rin kita, Samy,” sagot niya sa kapatid ko. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan pa niya akong lingunin at tingnan sa mukha ko. “Okay ka lang ba, Samantha? Parang hindi ka na yata madaldal tulad no’ng dati, ah. Siguro may boyfriend ka na.” “Wala pa pong boyfriend si Ate Samantha, Ninong Doc. Marami lang po siyang suitors,” pagdadaldal ni Samy. “Mga guwapo at mayayaman pa. Tapos ka-edad niya lang po lahat.” Agad ko siyang pinandilatan bago pa man niya mabanggit sa ninong niya na childhood crush ko ito. Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik si Doc Carl. Hanggang sa makarating kami sa second-floor ng bahay niya ay hindi na niya ako kinausap. Si Samy lang ang parati niyang tinatanong. At pabor naman iyon sa akin. Dahil sa totoo lang, talagang hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita na kami uli. Panay nga ang palihim na sulyap ko sa kaniya. Ang guwapo at ang hot niya pa rin. Parang ang sarap magka-crush uli sa kaniya. Stop it, Samantha. Hindi ka na teenager. At ikakasal na rin siya. “Ito pa rin ang magiging silid mo, Samy.” Tumigil si Doc Carl sa pangalawang pinto. Ilang beses na rin kaming nakitulog dito noon kapag may mga gathering kaya familiar na ako sa bahay niya. Lalo na si Samy na palagi niyang hinihiram at dinadala rito noon. “Ipapasok na muna natin sa loob itong mga gamit mo. At saka naman natin sasamahan sa magiging room niya ang Ate Samantha mo.” “Thank you po, Doc. Pero okay lang naman po sa’kin kung magsama na kami rito ni Samy. Masiyado na po itong malaki. At saka, two weeks lang naman kami dito, eh,” nahihiya na suhestiyon ko. “Mas makakapagpahinga kayo nang maayos kung may kaniya-kaniya kayong silid. At saka isa pa, marami namang guest room dito sa bahay. Bihira na nga magamit simula nang mag-migrate sa California ang family n’yo.” “Pero—” “No buts, baby.” Nginitian lang ako ni Doc Carl at ipinasok na nga sa loob ng silid ang maleta ni Samy. Excited naman na sumunod sa kaniya ang kapatid ko. Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na rin. Pero sa bungad lang ako para magbawas ng kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko lang sila na mag-usap ng kapatid ko. “Basta kapag may kailangan ka, pindutin mo lang itong intercom, okay? Lima ang maids dito sa bahay.” “Okay po, Ninong Doc. Thank you po!” Nakangiti naman na binalingan ako ni Doc Carl. “Tara na sa room mo? Para makapagpahinga ka na rin.” Kinuha niya sa kamay ko ang maleta na hila-hila ko pero hindi ako pumayag. “A-ako na po, Doc. Hindi naman mabigat, eh.” “But I insist.” Napangiti na naman siya. Bakit kaya walang kapaguran ang pagngiti niya ngayon? “Samy, halika. Samahan mo muna si Ate,” tawag ko sa aking kapatid dahil bigla akong nailang sa ideyang masosolo namin ni Doc Carl ang isa’t isa pagpasok namin sa magiging silid ko. “Puwede po bang huwag na kitang samahan, Ate? I’m tired to the bone. Gusto ko na talagang humiga,” aniya at humiga na nga sa kama at pumikit na. Naawa naman ako kay Samy dahil talagang nakita ko sa kaniyang mukha ang totoong pagod. Nakakapagod nga naman ang naging biyahe namin. Plus, naipit kami nang ilang oras sa traffic. Kahit ako man, pagod na rin at gusto ko na ring ilapat sa malambot na kama ang likod ko. “Okay. Basta behave ka dito, ha? Huwag mangialam ng gamit at baka makasira ka,” bilin ko kay Samy kahit tiwala naman ako na hindi niya iyon gagawin dahil mula noong bata pa ako ay gano’n na ang palaging bilin sa akin ng mga magulang ko kapag pumupunta kami sa ibang lugar o buhay. Kahit sa mga kapatid ko ay gano’n din ang itinuturo namin. “Sure, ate,” mahina at paantok nang sagot ni Sammy. SAMANTHA’S POV “THIS is your room,” nakangiti na naman na sabi ni Doc Carl nang makapasok kami sa katabing guest room na inokupa ni Samy. “At ang katabing silid naman ang room ko. Kaya anytime na may kailangan ka, katukin mo lang ako.” Napansin ko na walang intercom dito katulad ng kuwarto ni Samy. Bakit kaya? “Sige po, Doc. Maraming salamat po,” sagot ko naman. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi ko nga ito ginagawa sa kaniya noon dahil para akong mahihimatay sa tuwing nagkakaharap kaming dalawa, maliban na lang noong bata pa talaga ako. Tapos ngayon, may payakap na kay doc ang lola n’yo? At kung hindi pa tumikhim si Doc Carl, hindi ako bibitaw. Awtomatikong namula ang mukha ko nang ma-realize ko ang aking ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. “Sige na. Hahayaan na muna kitang magpahinga. Alam kong pagod kayo sa biyahe.” Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Doc Carl. At nagulat pa ako dahil bigla na lang niya akong hinagkan sa noo bago siya tuluyang lumabas ng silid. Kung hindi lang sana niya ginagawa iyon sa akin noong bata ako, baka nabigyan ko na ng ibang meaning. Pero siyempre, imposible iyon. Paano nga naman iyon magkakaroon ng ibang meaning kung ikakasal na siya sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD