DOC CARL’S POV
“MANANG AURING, gising na ba ang mga bata?” tanong ko sa mayordoma nang sumapit ang alas siyete at naghahanda na ng dinner ang mga katulong pero hindi pa rin bumababa sina Samantha at Samy.
“Hindi pa po, Doc. Pinapuntahan ko nga po kay Rosalie pero wala daw sumasagot. Baka tulog pa. Gusto n’yo po, puntahan ko uli?”
“Ako na ho. Ituloy n’yo na lang ang paghahain para makakain na agad tayo pagkababa namin. Siguradong gutom na ang mga iyon.”
Tamang-tama na gising na si Samy nang katukin ko siya sa silid niya. Dahil sanay naman siyang gumalaw dito sa bahay kaya nagpaalam siya na mauna nang bababa. Ako na ang tumuloy sa kuwarto ng ate niya para gisingin ito.
Nasa tapat na ako ng pinto at akmang kakatok nang biglang sumagi sa isip ko ang pagyakap na ginawa ni Samantha sa akin kanina. Hindi ko makalimutan kung paano nanigas ang katawan ko nang maramdam ko ang malalambot niyang dibdib. I know it’s wrong. Pero hindi ko napigilan ang aking sarili na mag-init. Kaya nagmadali akong lumabas kanina at dumiretso sa shower room.
Lalo pa naman siyang gumanda ngayon. Perpekto at dalagang-dalaga na rin ang hubog ng kaniyang katawan. Hindi katulad noon na neneng-nene pa.
Ngunit aware naman ako sa sitwasyon namin kaya sinaway ko na agad ang sarili ko.
Dahil sa lalim ng aking iniisip, nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo na si Samantha. Agad na nanuot sa aking ilong ang nakakaakit niyang pabango. Umawang ang aking bibig. Hindi ako nakakibo at nakatitig lang sa kaniya. Ilang beses akong napalunok ng laway.
Bakit ba lumaki nang ganito kaganda ang batang ito? Kung alam ko lang na magkakaroon siya ng ganitong klaseng alindog, hindi ko na sana….
“Hi, Doc. May kailangan po kayo?” malambing na untag sa akin ni Samantha.
“A-ah, e-eh… Gigisingin na sana kita para mag-dinner,” nauutal kong sagot dahil napatingin ako sa mga labi niya na natural ang pagkapula. Mukhang malalambot pa ang mga iyon at masarap halikan.
Tumigil ka na, Carlos Juan. Alam mong mali ito. saway ko sa aking sarili at saka nag-iwas ng tingin.
“Sorry po kung pinaghintay ko kayo, Doc. Napasarap kasi ang tulog ko.”
“Okay lang ‘yon, baby.” Pinilit kong gawing normal ang pagngiti ko sa kaniya. “Alam ko naman na pagod kayo sa biyahe. Ano, tara na?”
“Sige po,” sagot niya.
“Ladies’ first.” Nakangiti na ikinumpas ko ang aking kamay para paunahin siya sa paglalakad kunwari. Pero ang totoo, balak kong pakalmahin muna ang nagwawala kong alaga.
SAMANTHA’S POV
HINDI ako gaanong umiimik habang kumakain kami ng hapunan. Medyo naiilang ako dahil ilang beses kong nahuli si Doc Carl na panay ang sulyap sa akin, partikular na sa bibig ko.
Hindi pa naman ako nagpahid ng lipstick dahil hindi ako sanay. Namumutla kaya ang mga labi ko?
Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit naka-move on na ako kay Doc, guwapong-guwapo pa rin ako sa kaniya. At apektado pa rin ako ng mga simpleng titig niya. Wala na nga ba talaga akong feelings sa kaniya?
“Ninong, kailan po pala ang kasal n’yo?” usisa ni Samy.
Mabuti na lang at medyo madaldal ang kapatid ko. Nakakabawas ng tensiyon.
“Next week pa naman, Samy boy. Bakit? Excited ka na ba sa kasal ni Ninong?”
“Siyempre naman po. At excited na rin po akong makilala ang mapapangasawa n’yo.” Binalingan ako ng aking kapatid. “Ewan ko lang po kay ate.”
Muntik ko nang maibuga ang sabaw na hinigop ko. Kung hindi lang namin kaharap si Doc Carl, siguradong napingot ko na ang isang ‘to.
“Of course!” mabilis kong sagot dahil napatingin agad sa akin si Doc Carl. Nagtataka. “Kaya nga kita sinamahan dito dahil excited na rin ako sa wedding ni Doc.” Tumingin ako sa kaniya. “Kailan nga po pala namin makikilala ang fiancée n’yo, doc?”
“Baka bukas kapag wala siyang pictorial. She’s a high-fashion model. She’s been featured in several shows, local and abroad. Pero dahil gusto namin ng private life kaya iilan lang ang nakakaalam na ako ang boyfriend niya. Kahit gobernador sa Pampanga ang tatay niya.”
Walang-wala pala ako kumpara sa fiancée ni Doc Carl. Iyon pa rin kaya ang babaeng nakita ko sa ospital noon?
CEO nga ako pero nagsisimula pa lang makilala ang mga beauty product namin. Halos naubos kasi sa pagpapagamot ni Tatay ang pera namin kaya sariling ipon ko ang ginamit ko sa pagnenegosyo. Binibigyan naman nila ako ng puhunan noon pero hindi ko tinanggap dahil gusto kong ilaan namin iyon sa lahat ng pangangailangan ng aking ama para gumaling siya.
Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain kaya nagpaalam na ako.
“Doc, okay lang po ba kung mauna na akong tumayo? Bigla kasing sumakit ang ulo ko,” magalang na pagdadahilan ko.
“Sure, baby. Pero bago ka umakyat, uminom ka muna ng gamot.” Tinawag nito ang mayordoma. “Manang Auring, pakibigyan nga ng gamot si Samantha. Masakit daw ang ulo.”
Tumalima naman ang mayordoma at saka ibinigay sa akin ang isang Paracetamol.
“Magpahinga ka muna. Pupuntahan kita mamaya sa room mo para i-check up,” sabi pa ni Doc Carl na may pag-alala sa boses.
Tumango lang ako at nagpasalamat. Saka ako bumalik sa aking silid.
SAMANTHA’S POV
DAHIL hindi naman talaga totoong masakit ang ulo ko kaya itinapon ko ang gamot na ibinigay ng mayordoma pagdating ko rito sa kuwarto. Gusto kong libangin ang sarili ko para hindi ko na isipin si Doc Carl kaya tinawagan ko si Mina.
Balak ko rin naman talaga siyang kontakin para makipagkita. Nami-miss ko na rin kasi ang best friend kong iyon.
“Really? Mag-aabay ka sa kasal ng first love mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Mina nang sabihin ko sa kaniya ang dahilan ng pag-uwi ko rito.
“Dito ko na nga lang nalaman na abay pala ako. Akala niya raw kasi, hindi ako makakapunta.”
“Ang tanong, kaya mo ba?”
I laughed softly. “Why not? Maglalakad lang naman ako sa aisle ng simbahan, ah. Anong mahirap do’n?” pamimilosopo ko.
“Pero hindi bilang bride ng Doc Carl mo,” may halong pangungutya na tugon ni Mina. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang ito. “Naalala ko pa ang sinabi mo before na by hook or by crook, magiging asawa mo siya. Tapos nakita mo lang na may kasamang babae, i-uncrush mo na agad siya. Dinamay mo pa ako noon sa pagtitinda mo ng pancit kuno pero sa abay lang pala ang bagsak mo.”
“You know what? I hate you! Nagsisisi talaga ako na ikaw pa ang naging best friend ko,” naiinis na sabi ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni Mina mula sa kabilang linya.
“Kasi naman ang bilis mo mag-give up, girl. Hindi mo man lang ipinaglaban ang feelings mo kay Doc Carl. What if mutual pala ang feelings n’yo?”
Napasimangot ako. “Malabo iyon. Natiis nga niya na hindi ako kumustahin sa loob ng pitong taon. At hindi siya magpapakasal sa iba kung ako talaga ang gusto niya.”
“Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin. Seven years ka na sa California. I’m sure natutunan mo na ang mang-seduce.”
“Ano’ng ‘seduce’ ang sinasabi mo diyan? Baliw! Virg*n pa to, ‘no? At still, proud NBSB.”
Tumawa lang uli si Mina. “Aanhin mo naman ang virg*nity mo kung hindi naman si Doc Carl ang makakakuha? Kaya kung ako sa’yo, ibigay mo ‘yan sa kaniya bago siya ikasal. In that way, malalaman mo pa kung talagang mutual ang feelings n’yo noon. Who knows? Aatras siya sa kasal at kayo pala ang magkakatuluyan.”
“Mina!” kinikilabutan na bulalas ko. “As if naman, kaya kong gawin ‘yon. Ang mang-agaw at manira ng relasyon."
“I’m just kidding.” She laughed. “Nanghihinayang lang ako sa feelings na i-nin-vest mo para kay Doc Carl. Biruin mo, first love mo tapos nawala nang gano’n lang? Kung ako ‘yan, I’m sure na forever akong mabubuhay sa ‘what if’s’. Like… what if inamin ko sa kaniya ang feelings ko noon?”
Ilang minuto nang natapos ang pag-uusap namin ni Mina pero nakatulala pa rin ako. Kailan man, never akong naghangad na gumawa nang masama sa aking kapwa. Lalo na ang manakit ng feelings.
But what if Mina was right?
Ang mabubuhay ako sa ‘what if’s’ pagkatapos ng lahat ng ito?