CHAPTER 4

1051 Words
SAMANTHA’S POV DAHIL mahaba ang tulog ko kanina kaya hindi agad ako nakatulog kinagabihan. Pero si Samy, mukhang hindi pa rin nakakabawi kaya maaga pa rin siyang nakatulog nang silipin ko sa silid niya. Past eleven na at tahimik na ang buong kabahayan kaya inakala kong tulog na ang lahat. Naisipan kong magpahangin muna sa hardin. Na-ho-homesick din kasi ako. At nami-miss ko na agad ang pamilya ko. Lalo na si Tatay Sam. Saka lang ako bumalik sa aking silid nang makaramdam na ako ng antok. Papasok na sana ako nang mapansin ko na nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Doc Carl at eksakto naman na nakarinig ako ng malakas na kalabog mula sa loob. Sa sobrang pag-aalala, mabilis akong pumasok para silipin kung okay lang ba siya. But my eyes widened nang bumungad sa akin ang hubo’t hubad na katawan ni Doc Carl. Awtomatikong bumaba naman ang aking tingin sa ibaba niya. Nanuyo ang aking lalamunan nang mapatitig ako sa pagitan ng mga hita niya. Holy cow, he’s huge! Mabilis naman akong tumalikod habang nagba-blush. “I-I’m sorry po, Doc. I… I didn’t mean it. May narinig lang po kasi ako na malakas na kalabog at dahil nakabukas naman ang pinto kaya pumasok na ako rito dahil nag-aalala ako,” nauutal na paliwanag ko at saka ako nagmamadali na lumabas bago pa man siya makapagsalita. At bago pa man ako mahimatay sa sobrang hiya! Lalo akong hindi nakatulog pagbalik ko ng aking silid. After seven years, napanaginipan ko uli si Doc Carl. I dreamed that we were making love. It was so sensual and erotic. I felt like I was in heaven. And I never wanted to wake up. Pero napilitan akong magising dahil sa malakas na ulan na narinig ko sa labas ng bintana na nakalimutan ko palang isara kagabi. Pagsilip ko, nakita ko si Samy na tuwang-tuwa na naliligo sa ulan. Dali-dali naman akong naghilamos at bumaba para patigilin ang kapatid ko. Nag-alala ako na baka magkasakit siya. “Samy, tama na ‘yan! Baka ubuhin at sipunin ka.” “Hayaan mo na ako, Ate, please? Nakaka-miss kayang maligo sa ulan,” katuwiran niya. “Do you remember when I was little? Palagi tayong naliligo sa ulan. Kasama ang iba pa nating mga kapatid doon sa luma nating bahay. Pati nga sina Nanay at Tatay, nakikiligo din, eh.” Na-realize ko na lang na napapangiti na pala ako habang ikinukuwento iyon ni Samy. Kaya wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papunta sa gitna ng ulan. At nag-enjoy naman ako. Hindi ko na alintana ang manipis at puting T-shirt na suot ko kaya agad bumakat ang bra sa loob nito. DOC CARL’S POV NAPUYAT ako kagabi dahil sa kakaisip kung paano ko haharapin si Samantha pagkatapos niya akong makita kagabi na hubo’t hubad. Wala naman akong dapat ikahiya. Dahil hindi naman sa pagmamayabang pero malaki at mahaba itong alaga ko. Sa tanda kong ito, hindi ko na rin mabilang ang mga babaeng dumaan sa mga kamay ko at pinaligaya ko sa kama. At lahat ng babaeng iyon ay humahabol-habol pa sa akin dahil hindi makalimot. I just worried na baka si Samantha ang mahiya nang humarap at makipag-usap sa akin dahil aware naman ako na kahit matagal na siya sa California, may pagka-dalagang Pilipina pa rin siya. Nag-alala ako na baka nabastos ko siya dahil sa nangyari, kahit hindi ko naman sinasadya. Nagkukusot pa ako ng aking mga mata nang buksan ko ang bintana. Malakas pala ang ulan sa labas. Pero hindi iyon ang nagpalaki sa mga mata ko. Kundi dahil nakita ko sina Samantha at Samy na masayang naliligo sa ulan. Tumigil ang tingin ko sa ate ng aking inaanak. Fitted na white T-shirt at may manipis na tela ang suot niya. Kahit medyo malayo siya sa akin, kitang-kita ko pa rin ang bumakat niyang bra na hindi kayang itago ang malulusog niyang dibdib. Gusto kong tumalikod para makaiwas sa pagkakasala ng aking mga mata. Ngunit paano ko iyon gagawin kung tumuon na ang aking mga mata sa matambok niyang harapan na bumakat din sa cotton shorts na suot niya? Parang gusto kong bumaba at hawakan ang mga iyon. F*ck! Kailan pa ako nagkaroon ng ganito katinding pagnanasa? Kahit sa fiancée kong si Cherry Mae, hindi ako nagnasa nang ganito. Kahit sabihin pang isa siyang modelo at maraming lalaki ang nababaliw, at pinapangarap siya. Hindi ko napigilang himasin ang matigas at malaking bukol sa loob ng boxer shorts ko. Gusto kong ibsan ang libog na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang pinapanood ko ang nakakaakit na alindog ni Samantha. Pero nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ito tama. Parang ama na ang turing niya sa akin. Kaya nga pinigilan ko noon ang aking sarili at hindi siya kinumusta sa loob ng pitong taon, ‘di ba? Ngayon ko pa ba sisirain ang tiwala ni Samantha at ng kaniyang mga magulang? Lalong mali ito dahil ikakasal na ako. Tatalikod na sana ako pero bigla akong tinawag ni Samy. Nakita pala niya ako na nakatanaw mula rito. “Good morning po, Ninong! Halika po, ligo tayo sa ulan.” Nagdalawang isip pa ako. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nandito na sa bakuran at naliligo sa gitna ng ulan kasama ang aking inaanak at ang babaeng pilit kong iniiwasan. “Tara, Ate. Taya-tayaan tayo. Kapag nahuli mo ako, ima-massage kita mamayang gabi,” sabi ni Samy sa ate niya. “Puwede ba akong sumali?” biglang tanong ko. “Sige po, Ninong!” agad namang sagot ng inaanak ko. “Kapag ikaw naman po ang nahuli ni Ate, siya naman ang ima-massage n’yo, Ninong. Madalas po kasing sumakit ang likod ni Ate kaya palagi siyang nagpapa-body massage sa amin ni Samiya.” Pakiramdam ko ay nag-init ang aking buong mukha. Iniisip ko pa lang na mina-massage ko si Samantha, tinitigasan na naman ako. Parang lalo akong natakam sa alindog niya. Matagal din akong nakatitig lang sa mayayamang dibdib niya. Ano kaya ang pakiramdam na hinahawakan at minamasahe ko ang mga iyon? “Okay lang po ba kayo, Doc?” nagtatakang tanong ni Samantha. Buti na lang tumalikod na si Samy at nauna nang tumakbo. Dahil wala sa sarili kaya iba ang lumabas sa bibig ko. “Puwede ba kitang tikman, baby?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD