Hindi ko pa naranasan ang masorprisa katulad sa ginawa ni Ian. Giancarlo never gives me a surprise as such. Noong hindi pa kami nagsasama madalas niya akong padalahan ng mga bulaklak sa mansyon ng mga Palermo. Kinikilig na ako noon sa simpling bulaklak lang. I didn’t know there would be something much more romantic than receiving a bouquet of flowers. Pero lahat iyon natigil ng napagdesisyonang kong umuwi na sa bahay ng asawa ko.
Akala ko kapag magsama kami magiging mas malapit kami sa isa’t isa. It didn’t happen. My husband wanted my body not me. Dahil kong mahal niya ako hindi mahalaga ang p********k sa dalawang taong nagmamahalan. Ngayon ko lamang napagtanto. It was one sided love. He never loved me. Mahal niya si Monique at hindi ako.
Ian and I will be strolling around Barcelona before our flight to Switzerland. Nagpasya akong magsuot ng magarang damit at maglagay ng konting kolerete sa mukha. I am taking some photos. Memories that I know wouldn’t last. Alam kong pansamantala lang kung anumang mayro’n kami ni Ian ngayon.
Hindi naman siguro makasarili na hayaan kong maging masaya ang sarili ko sa isang estranghero. He’s kind and manly. Nasa kaniya na yata ang katangian ng isang lalaki na kahit sinong babae ay mahuhulog agad sa kaniya.
I was almost done dressing up when I heard a knock on my door.
“Aria, are you ready? Papasok na ako, huh? I’m taking your luggage down.”
Naistatwa ito sa may pintuan ng makita ang ayos ko.
“May dumi ba sa mukha ko?”
” You look gorgeous,” anas nito in his deep raspy voice. I smiled at him habang pinupuri niya ang kagandahan ko.
” You look great yourself.”
Ian was wearing a tight-fitting tee hugging his perfectly sculptured upper torso. Bakat roon ang six pack niya. He had that Greek God alluring body. Mas maganda ang pangangatawan nito kaysa sa mga nakapartner kong modelo sa Italya. Naglakad siya papalapit sa akin. Hindi ko alam kong bakit dumadagondong ang puso ko sa bawat hakbang ni Ian. Then he stopped sa harapan ko. He cupped my face with his palms. Kapagkuwan he trailed his right fingers from the back of my ears descending to my lips.
” Napakaganda mo, Aria. Sana. . . akin ka na lang.”
Bigla na lamang sinakop ng mga labi niya ang nakaawang kong bibig. I kissed him back without saying a word. Our lips took each other hungrily dancing in tango. Ayokong mangako. Makipaghiwalay man ako kay Giancarlo kasalanan pa rin ang ginagawa ko ngayon. I know this is wrong. Sa mata ng iba mali ang ginagawa ko. ‘Pero bakit hindi ko maramdaman that I am making a mistake?’ Then he pulled away.
” Sweet, luscious lips. I can’t get enough,” Ian muttered while tracing my lips with his finger.
“Let’s go Ian para marami tayong mapasyalan.”
“Isa pa,” he said. He lowered his head and kissed me once again bago niya dinampot ang bagahe ko.
” Ready ka na?”
“I-check ko lang baka may naiwan ako.”
“I’ll wait for you downstairs.”
Nilibot ko ang buong silid. Sinigurado kong wala akong naiwan kahit na isang gamit na maaring niyang gamitin para mahanap ako sa oras na lisanin ko siya. I don’t have plans of continuing this relationship whatever this is. Kung nakatadhana kami para sa isa’t isa. Panahon at pagkakataon mismo ang maglalapit muli sa aming dalawa.
I have a Swiss bank account kaya ako pumayag na sumam sa kaniya sa Switzerland para mabayaran ko ang inutang kong pera. Mayro’n rin akong safety deposit box na bigay ng Mama ko sa akin. I haven’t opened that box. Panahon na siguro para makita ko ang nilalaman noon. Balak kong kunin kung ano man nakakapaloob sa kahang iyon. I will withdraw some cash enough to pay off Ian and for my expenses sa pagbabalik ko sa Vienna. Hindi iyon ma-titrace ni Giancarlo dahil personal account ko iyon gamit ang stage name kong—Aria Lombardi.
Ilang sandali pa pinaandar na ni Ian ang kaniyang nirentahang sasakyan. Binabagtas na namin ang daan papunta sa downtown ng Barcelona. I remained silent. Nakatoon ang mga mata ko sa tanawin habang sunod-sunod ang pag-click ko sa button ng DSLR camera na binigay niya sa akin kagabi.
“Smile,” wika ko.
Sunod-sunod ko siyang kinuhaan ng larawan. He was smiling. Nababalot ang kaniyang mukha ng walang pagkukubling kasiyahan unlike me—pretending. I noticed he had hiding dimples on his left cheek. Nagiiba rin ang kulay ng kaniyang mga mata habang nasisinagan ng araw. His eyes look too familiar to me.Kasing kislap iyon ng mga mata ng Ninong Hugo ko habang nakatawa. Ian smile has resemblance to him.
Mas matagal kong nakasama si Ninong Hugo kaysa sa mga magulang ko. Hindi man ako nakatira sa mansyon ng mga Palermo buong buhay ko but my godfather has been a parent to me than my biological parents.
“Ang lalim ng iniisip mo, Aria. Siya pa rin ba?”
“No, tinitigan lang kita. I like to memorize every bit of you para hindi kita malimutan.”
“Hindi mo ako makakalimutan. We shared something you can never forget. I am your first, Aria. Hindi mo ako makakalimutan.”
Siya nga naman ang una ko. Paano ko ba siya makakalimutan?
“Kamukha mo ang ninong ko,” wala sa loob na lumabas sa aking bibig.
“Talaga? Na mis mo lang siya. Bisitahin natin?”
“We can’t. Nasabi ko na’ di ba? Patay na siya.”
“We can visit his grave.”
“Sa Italya ‘yon, Ian. Switzerland tayo pupunta.”
“Then we can go to Italy after Switzerland.”
“Wala ka bang trabaho sa Pilipinas?”
“Wala naman masama to take a break for a while, right?”
Wala naman masama to take a break like a did. Pero ang break na ginawa ko ay magiging tuluyang hiwalayan. Wala na akong balak na balikan pa si Giancarlo. Tapos na ang lahat sa aming dalawa. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin. Panahon na para pahalagahan ko ang sarili ko.
"Karapatan mong magbakasyon at magpakasaya. Ian."
"Karapatan mo rin na maka-move on at makalimutan siya. Magsimula tayong muli, Aria."
Sana parang kaning isusubo ang lahat na kapag mainit at napaso ang dila ay puwedeng iluwa. Subalit hindi. Hindi madaling magsimulang muli. Kay daling sabihin iyon subalit hindi madaling gawin. Habang kasama ko si Ian. Hindi nito pinararamdam sa akin na tanging pagsisiping ang mahalaga sa kaniya. Me, being around him is more than enough for him. Ramdam ko iyon. Sa mga titig niya pa lamang sa akin. I must be crazy. Kailangan kong dumistansya ng konti baka tuluyan rin akong mahulog sa kaniya. He's an ideal man. Ian could have been my perfect husband.
” Pakakasalan kita. If fate brought us back together someday—"
"Kung pagtagpuin tayong muli ng tadhana?"
He cut me off. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko inaasahang marinig niya ang lahat. Nasambit ko lamang iyon sa isipan ko but it sounded like I uttered them loudly. Saktong nasa tapat kami ng La Sagrada Familia sa gitna ng trapiko ng masambit ko iyon habang tinitigan ko ang estraherong kasama ko.
"I’ll marry you.”
"I'll take that as your vow."
"'Wag kang umasa, Ian."
"Why not? Baka tayo ang tinadhana."
"Dahil kung sakali lang naman na magtagpo ang landas nating muli."
"Paano kung hindi na ako pumayag na mawalay ka sa akin?"
"There are things that I have to fight on my own, Ian. Salamat sa pagaalala mo sa akin. I do appreciate everything because you made me happy. Pinaramdam mo sa akin na mahalaga ang presensya ko sayo. Salamat."
Ginagap nito ang mga kamay ko."Nirerespeto ko ang desisyon mo. Pero nakabitiw na ako ng salita. Mawala ka man. Magkahiwalay man tayo. Hahanapin kita, Aria."
"Why do you care so much for me?"
"Sana I can explain pero walang salita ang katumbas ng kakaibang nararamdaman ko para sayo. Oh, nandito na pala tayo sa tapat ng Sagrada Familia. Should I find parking? Gusto mong pumasok sa loob?”
“Okay, lang ba?” tanong ko sa kaniya. Alam kong hindi madali ang magpaikot-ikot upang makakuha ng bakanteng street parking space.
“Yes, of course.”
Nagpasalamat ako sa lahat ng anghel at santo. Sana hindi niya iyon narinig. I feel so cheap saying those words. Ian found a street parking a couple blocks away from the golden church. Sinukbit ko na ang sling bag ko. Inabot niya naman ang camera na hawak-hawak ko.
“Maraming pick pocketers rito. It’s better if you put your sling bag inside your coat.”
I took off my coat. Inabot niya naman agad iyon habang sinusuot ko ang aking sling bag. Then he helped me put them back.
” Ako na ang hahawak nito,” anas nito matapos ay sinukbit ang camera sa kaniyang leeg. He secured the car making its completely locked. Then he held my hands. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. We were like a real couple holding hand in hand entering La Sagrada Familia.
He took some pictures of me. I did the same to him. Nakiusap pa siya sa isang bystander para kunan kami ng larawan habang nakatayo sa gitna ng simbahan.
Humingi ako ng tawad sa aking kapangahasan. I had such audacity to bring my mistress inside the holy place. Ang kapal ng budhi ko. Subalit bakit kahit sa loob ng simbahan ay wala akong maramdaman na kasalan ang makasama ko si Ian? Dapat iniusig na ako ng aking konsenya. However, I don’t feel a bit of guilt kahit na mali ang aking nagawa.
“Aria,” he called.
“Yes?”
“I have something to tell you.”