PAPALABAS PA LAMANG kami sa simbahan ng pigilan niya akong humakbang palabas ng pintuan. Alas sais na ng gabi pero tirik pa rin ang araw sa labas. Isa iyon sa ayaw ko sa Italya. Napakahaba ng araw tuwing tag-init. Katulad rin rito sa Espanya.
“Ano’ng sasabihin mo sa akin, Ian?”
“I have a secret to tell,” aniya.
‘A secret to tell?’ Ganoon niya ba ako pinagkakatiwalaan para sabihan niya ng isang sekreto at sa loob pa ng simbahan.Sa palagay ko importanteng sekreto iyon. Nasa loob kami ng simbahan. Hinila ko siya sa tabi dahil nakaharang kami sa mga turistang papasok ng simbahan.
“Ano ‘yon?” I glanced at him.”You trust me enough to tell me your secret?”
Ginagap nito ang kamay ko at nilagay sa kaniyang bibig, marahan at masuyo niyang dinampi ang kaniyang mga labi roon. He stared at me na parang nangungusap ang kaniyang mga mata. Then, he kissed my hands again. He’s so manly and romantic. Sana ganito rin si Giancarlo. Pero hindi.
“Yes, I do.”
Hinila ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya. I traced his face, to let him feel I was ready to listen. Hindi pa man ilang segundo ang lumipas hawak-hawak niya ng muli ang aking mga kamay. I scooted closer to him. Nakaupo na kami malapit sa isang box na kumpisalan ng mga taong nagkasala katulad ko.
“Then your secret is safe with me, Ian.”
“Thank you, Aria. I need you to listen. Walang ibang nakakaalam nito. Ikaw pa lang ang pinagsabihan ko. Sana hindi magbago kung ano man ang mayro’n tayo ngayon kapag nasabi ko na sayo.”
“Walang magbabago. Pangako. Napakabait mo sa akin, Ian. I promise to listen.”
“Ah. . . uhm. . . I don’t know how to start,” huminga ito ng malalim tila’ di alam kung paano kung paano sisimulan ang sasabihan,” paano ko ba—”
“Just let it out. Makikinig ako,” pagpaputol ko sa sasabihin niya giving him a little comfort. I squeezed his hands, assuring I would hear him out.
“Uhm. . . ilang taon na ang nakakaraan. Fifteen years to be exact. Dapat ikakasal ako sa isang babaeng pinagkasundo sa akin ng aking ama. Pakiramdam ko noon hindi ako karapatdapat sa kaniya. I have nothing before. Ni hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Sa iskuwater kami nakatira ni Inay. Napakaliit ng tingin ko sa sarili ko noon. Alam kong mayaman ang babaeng iyon. I am nothing compared to her. Ang pakasalan siya ay kapalit nang makukuha kong mana sa aking ama. But I refused to marry that woman. Wala naman akong pakialam sa mga ari-arian niya.”
“Anak mayaman ka pala.”
“Yes, my father owns one of the largest wineries in Vienna.”
“Oh, siguro kilala siya ng ninong ko at ni Mamita. Halos lahat ng mga negosyante vino sa Italya ay magkakakilala. So, what happened? Tinanggap mo ba?”
“Yes and no.”
“What do you mean by yes and no?”
“My brother offered to be me kapalit ng kalahati ng mamanahin ko.”
“Your brother asked you to fake the marriage? You mean impostor siya?”
“Yes, pumayag ako. Hawak nila si Inay wala akong ibang pagpipilian. Tanggapin ko o papatayin nila ang nanay ko. Nagpanggap ang kapatid ko bilang ako. Now I realized. . .” natigil ito sa pagsasalita matapos at tinitigan ako.
“Ano’ng iniisip mo, Ian?”
“Aria, paano kung naging masaklap ang buhay ng babaeng iyon sa kamay ng kapatid ko? Kasalanan ko ba ‘yon?”
“Ibig mong sabihin dahil natuloy ang kasal. Legally may asawa ka na?”
“Pero hindi naman ako ang kinasal sa babaeng iyon. Ang kapatid ko ang kinasal sa kaniya. So, I am not married.”
“Ian, your brother is only your proxy. Legally, ikaw pa rin ang asawa ng babaeng ‘yon.”
Now I know why I don’t feel guilty. Pareho pala kaming may asawa. Kaibahan lang hindi niya kailanman nakasama ang asawa niya. Heaven’s must be playing games with me. Just as I thought I found my—the one. Heto lumabas naman ang katotohana—we are both each other’s mistress.
“Ibig sabihin kailangan kong ipawalang bisa ang kasal ko noon before I can marry you."
"Marry me?”
Natawa ako sa turan nito. Kanina niya pa sinambit ang kasal. How could he be so sure about me? That was only a night pleasure it doesn’t mean he needs to marry me dahil may nangyari sa amin. Uso na ‘yon ngayon. May mga nagsasama nga na hindi naman kasal. It’s better living together without marriage dahil kapag hindi na mahal ang isa’t isa. Madaling kumawala. Thus, Ian is acting like a real gentleman. Dahil may nangyari sa amin gusto niya akong panagutan. Kahit na pumayag ako, I can’t. I am someone else wife. He is someone else husband.
Though hindi ko ma-deny ang katotohanan. I am attracted to him. We only met for exactly one day today. Ni hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang buo kong pangalan. I only know him as Ian. He only knows me as Aria.
“Ian, hindi pa tayo lubos magkakilala. Isang araw. Isang araw pa lamang tayong magkakilala.”
“But that’s not what I feel, Aria. Pakiramdam ko nahanap ko sa iyo ang kulang sa buhay ko. Suddenly, I have forgotten the pain and sorrow I have hear,” tinuro nito ang puso niya,”and the reason I left Manila. After what happened between us. Parang noon pa kita kilala. I know this seems weird to you. Somewhere, somehow, I know you. We’ve known each other. If not, paano tayo naging malapit agad sa isa’t isa. Maybe nakilala kita sa Italy noon. Nakalimutan lang kita o nakalimutan mo lang ako?”
“Pagpalagay na natin we have met before. Pero Ian, ikaw itong nagsabi sa akin na ‘wag madaliin ang lahat. Why are you suddenly too eager about marriage? Come, Ian, nanggaling na rin sa’yo. We are both broken. We shouldn’t jump into something we will regret afterwards. Let’s just enjoy what we have right now. Kung para tayo sa isa’t isa. Mangyayari ‘yon ‘di ba? Tama na ang isang pagkakamali natin. ‘Wag na nating dagdagan pa. Me and you together? This is all wrong.”
“Paano naging mali ang tama?”
“Ian, telling me that you are supposed to marry a certain someone. Ibig sabihin kasal ka, ikinasal ka. So, my truthful opinion? If we continue what we have now. Ian, iba man ang nasa isipan mo we can't change the truth.Your hidden marital situation? It makes me your mistress.”
“You are not my mistress, Aria. I was never a husband to her. Ni hindi ko siya kilala."
"Kahit na hindi mo siya nakasama o nakilala. Ayokong maging isang kabit, Ian. Hindi ko pinangarap na makasira ng isang relasyon.”
“You are not ruining a relationship that does not exist.”
Tama naman siya. Wala akong sinisira dahil wala naman relasyon na namagitan sa sa kanila. Para palang kami ni Giancarlo. Asawa sa papel. Kaso ako nagpaka-asawa sa kaniya. Tama lang ang naiisip ko dahil kong gusto niyang maging kami sa huli. We need to fix the mistake we have made. Like what I am planning to do pagbalik ko sa Vienna. Then, I suggested. . .
“Why don’t you find that supposedly wife of yours?”
“You know what? Tama ka. I should—I should find her and make her sign a divorce paper,” he said, sounding so sure of his plans.”Can I ask a favor?”
“Yes, kahit ano.”
“Accompany me to Vienna. Doon naganap ang di sin sana’y kasal ko. Kailangan kita, Aria. Fluent ka sa Italian. You can translate for me para mapadali ang proseso. May kilala ka bang abogado sa Italya?”
“I can ask Giovanni.”
"Salamat.”
Huli ng marealize ko na mali ang pumayag ako. Malalaman niya na kasal na ako sa oras na lumapat ang kaniyang mga paa sa Vienna. Malalaman niya ang buong katotohanan sa pagkatao ko dahil nagkalat ang billboards ko sa daan. Aside from that, kahit na private wedding ceremony ang naganap noon. Alam naman ng mga kaibigan ng aking mga magulang at ng mga kasosyo sa negosyo ni Ninong Hugo ang kasal namin ni Giancarlo. It wasn’t a grand celebration. Literal na seremonya at pirmahan lang ang naganap noon.
Right after signing our marriage contract. Umuwi na agad si Giancarlo sa Pilipinas. Ilang taon siyang hindi nagpakita sa akin. I was married but single. Marahil hindi alam ni Monique na kasal na si Giancarlo. Wala namang babaeng gugustohing may kahati sa lalaking mahal nila.
Biktima rin siguro si Monique katulad ko. Still, I hate her. I despise her as much as I hate my husband. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pasakit niya sa akin habang nagreyna-reynahan siya sa sarili kong pamamahay.
But then, things don’t add up. Ako ba ang mali? Marahil kasintahan na ni Giancarlo si Monique bago pa man kami ikinasal. Kung ganoon, tama nga ang kalaguyo ng asawa ko. Ako ang nanira sa kanilang relasyon. I was the one dipping on someone else sauce. I spaced out for a bit hanggang naramdaman ko ang pagyugyog ni Ian sa balikat ko.
“Aria, okay ka lang?”
“Yeah.”
“Shall we go?”
“Hmm. . . yes,” matapos ay sinundan ko na siya.
Nauna siya sa akin lumabas ng simbahan. He waited for me by the entrance, then, he intertwined our hands together. Naka-tube top maxi-dress ako paired with my boots and coat. May malaki akong sombrero na natatabingan ang aking mukha with an oversized sunglass. Inabot iyon sa akin ni Ian bago kami umalis sa villa. Ang sabi niya pa ‘it’s for your safety.’
“Oh, Ian. Can we buy some of those street foods you had me try yesterday?”
“Sure. Diyan lang ‘yon sa kabilang kanto. Maglakad na lang tayo. Okay lang ba sayo?”
“Yeah, hindi naman na ako nahihilo. I can manage.”
Habang naglalakad at tumitingin-tingin sa mga panindang pagkain at souvenirs sa night market. Naisipan ni Ian na bumili ng inumin.
“I’ll buy us some refreshments. Tara,” pagyaya nito sa akin.
“Dito na lang ako. I’ll watch those pantomime perform.”
“Okay, dito ka lang. ‘Wag kang lalayo.”
“Dito lang po ako. Para naman akong bata kung makapagbilin ka.”
“Eh, kasi katulad kaninang umaga muntik ka nang mapahamak.”
“I’ll stay here. Hindi ako aalis.”
Nagnakaw muna ito ng halik bago ako inawanan. Tanaw ko pa ang pagpasok niya sa convenient store. I decided na maupo na lamang sa bench habang hinihintay si Ian. Tumayo ako para bigyan ng pera iyong pantomime na tumigil na sa pagsayaw. Pagbalik ko sa bench a certain guy stopped in front of me. I know him. Tauhan siya ni Giancarlo sa kaniyang ubusan. Galing ang lalaking iyon sa mansyon ng mga Palermo. Kung hindi ako nagkakamali siya iyong hardenero noon.
“Señorita Sariah.”