NAGITLA AKO NG tawagin nito ang pangalan ko.Buti na lamang humiwalay sa akin si Ian upang bumili ng inumin.
“Who the heck are you?”
“Señorita, hindi mo ba talaga ako nakikilala?”
If I am not mistaken, siya si Ernesto—ang kanang kamay ni Giancarlo.
“Ernesto?”
“Ako nga señorita. Pinasusundo ka na ng asawa mo,” aniya matapos ay hinawakan ako sa braso.”Sumama ka na sa akin.”
“Hindi ako sasama sayo. Hindi ko na siya babalikan. Bitawan mo ako kung hindi sisigaw ako,” pananakot ko rito,”let me go!”
”Hinihintay ka na ni Sir Carlo sa bahay n’ya sa Vienna. Dalawang araw lang ang binibigay niya sa iyong palugit señorita. Kung hindi—”
“Kung hindi ano? ‘Wag mo akong binabantaan. I have every evidence to sue him for a******y. Sabihin mo sa duwag at demonyo mong amo. Magkita na lang kami sa korte. Sisiguraduhin kong magbabayad siya. I will leave him empty handed. Pati ang negosyo niya sa Pilipinas kukunin ko ang lahat ng mayro’n siya. Tingnan natin kung manatili ang kabit niya sa piling niya. He must have forgotten the marriage contract.”
“Alam kong alam niya ang nakasaad sa kontrata kaya ka nga pinasusundo ng amo ko.”
“Hindi-ako-sasama-sayo! Naintindihan mo ba?”
“’Wag ka nang magmatigas, señorita.”
Hindi pa rin ako nito binatawan so I screamed for help. Kaya ko namang patumbahin siya. Subalit kapag ginawa ko iyon ang bagsak ko ay sa prisinto.
“¡Socorro!”
Mahina yata ang pagkakasigaw ko o walang boses na lumabas sa bibig ko. I squealed again screaming for help.
”¡Por favor, ayudame!”
He gripped my arms even tighter. Nakakuha na ako ng atensyon. Lumapit ang pantomime na binigyan ko ng one hundred euro sa kinatatayuan.
”Ayudame”
Then he called out,”policia!”
Naramdaman ko kinabahan si Ernesto. Unti-unting lumawag ang pagkakahawak nito sa braso ko. Napakahigpit ng hawak niya. Alam ko na magmamarka ito at paniguradong magkakapasa ako sa braso.
“Babalian kita ng buto kung hindi mo ako bibitawan. Naririnig mo ba? Paparating na ang mga pulis.”
“Dalawang araw, señorita.”
“¡Necesito la poli—”
Di kalayuan nakitang kong matulin ang takbo ni Ian papalapit sa akin. Binitawan ako nito ng malapit na si Ian. Tila ba natakot ito sa lalaking dudulog sa akin. Para siyang nakakita ng multo. Mabilis itong tumalilis at nawala agad sa paligid.
” Aria!”
Humahangos at nagaalalang dulog sa akin ni Ian. Nawala ako sa sarili. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Nabitawan ko na rin ang pagkaing binili ni Ian para sa akin. Maging ang isang set ng souvenir na laruang palayok na gawa sa clay ay nagkabasag-basag na.
” It’s all broken.”
I said, whimpering like a child. Para akong batang iniyakan ang laruan. But it wasn’t the clay pot I was wailing about. He found me. Malalaman niya na rin na may kasama akong ibang lalaki. Wala akong pinagkaiba sa kaniya. Now, he might use it against me.
“I can buy you a new one. Stop crying. Maayos ka lang ba? May masakit ba sayo?”
“I’m okay.”
“Tara na sasakyan.Sinabi ko na sa’yo hindi kita iiwan dito. You are so stubborn.”
“Galit ka ba?”
“No, I am not. You make me darn worried about you.”
“Sorry, na.”
Niyakap ako nito, then he kissed me on my forehead.
“Next time, hindi na kita iiwan mag-isa even if you ask me to.”
“Napaka-overprotective mo naman.”
“Napakalapitin mo naman sa disgrasya.”
“Nagkataon lang, Ian.”
“Aria, that man looks like assaulting you.”
“Black belter ako, Ian. Kaya ko ang sarili ko.”
“Kahit na. Paano kung may patilim siyang dala o baril?”
“You are overthinking.”
“Ano bang pakay niya?”
“He’s asking me for twenty euros.”
I lied. He wasn’t asking for cash. Pinipilit ako ni Ernesto na sumama sa kaniya.
“Bakit hindi mo binigay?”
“Ayoko ko nga. Mukhang druggy, eh. Ipangbibili niya lang iyon ng droga.”
“You can’t be too brave in the foreign country, Aria. Maaring baliktarin ng batas ang lahat. You might end up being locked up abroad.”
“Don’t worry, Ian. I can defend myself. Plus, I speak the language. Paano nila mababaliktad ang katotohanan?”
“Oh, woman. You amazed me.”
“I know,” sagot ko na may pagmamayabang.
Then, I saw his eyes building some water. Namumula na iyon. So, I tiptoed, clung my arms around his neck, and kissed him.
” Don’t worry. I promise to be careful next time.”
“Ayokong may mangyari sayong masama habang ako ang kasama mo, Aria. I can’t forgive myself. Kahit konting galos lang. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
“Napakabalat sibuyas mo naman.”
“I just care for you, okay?”
I feel so safe in Ian's arms. He embraced me as he would never let me go. Then he kissed me back, sa aking noo descending to my lips. Nawala agad ang takot at kaba ko. Sana nakilala ko siya noon pa. My life shouldn’t have been miserable and wrecked as it is now.
# # #
Nagnilaynilay pa ako at pasipol-sipol habang naglalakad pabalik sa pinagiwanan ko kay Aria. I bought us some refreshments. I did not expect she would love the streetfoods. Nakangiwi ito kahapon ng iaabot ko iyon sa kaniya.
Hindi ko natanong kung anong inumin ang gusto niya kaya dalawang bote ng malamig na mineral water at isang bote ng soda to share na lamang ang binili ko. Aaralin ko pa kung ano’ng daily diet niya. Something that I didn’t care about Monique. Iyon siguro ang mali ko noon. Pinabayaan ko lang siya sa lahat ng gustohin niya. May mga kasambahay naman sa bahay sila ang nagasikaso ng lahat nang ipagutos niya. I hated someone else fixing my belongings kaya ako rin lang ang nagaayos ng mga gamit ko.
May sariling kuwarto si Monique sa bahay. Isa iyon sa mga hiniling ni Inay sa akin. I respected my mother. Kultura iyon sa Pilipinas na kailangan kong sundin. Nakasanayan ko na rin iyon dahil parati naman akong nasa trabaho.
I was in deep thoughts thinking of what’s the best thing to do for our relationship to work out nang makitang kong may lalaking mahigpit na nakahawak sa kanang braso ni Aria. Instantly my blood raise in rage. Kitang-kita ko ang pagpupumiglas ni Aria sa lalaking iyon. Ayaw nitong sumama sa kalapit na grocery store. Doon lang raw siya mauupo sa may bench habang nanonood sa mga pantomime na nagperform sa tabi ng kalsada. I can see how happy she is watching them perform kaya hindi ko na siya pinilit pa.
Then I heard her screamed ‘socorro.’ Alam ko ang ibig sabihin noon ay tulong. Pero wala ni isang lumingon sa kaniya. I heard her again crying for help ‘por favor, ayudame.’ Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko papalapit sa kaniya. Wala na akong pakialam sa mga nabungo ko. All I have in mind is to save my woman. In a split second biglang nawala ang lalaki nang papalapit na ako sa kaniya. Pamilyar sa akin ang mukha noong lalaki. I just don’t know where I saw him.
Inalo ko si Aria na umiiyak na parang bata. Natawa pa ako na imbis na maiyak ito sa nangyari sa kaniya ay bagkus nagalala sa collection niyang clay pot. Collection niya raw iyon at wala pa siya ng disensyong na nadaanan namin. After she calmed down, binalikan namin ang puwesto na nagtitinda ng clay pot. Mabuti na lamang may isang set pa ng saktong disensyo. I bought it for her. Pinabalot ko iyon at pinalagay sa isang kahon.
“Here,” abot ko sa kaniya.
“Thank you,” she said, kissing me on my cheek. Then I motioned for a kiss on my lips. She shook her head to tell me no. I kissed her back anyway.
“Let’s go! Sa airport mo na lang kainin ang mga ‘yan. May pupuntahan pa tayo.”
“Nabutas na ‘yong spicy sauce,” parang batang usal nito.
“Tara na. Ibibili na lang kita ng bago.”
She’s like a kid. Ang babaw ng kaligayahan ni Aria hindi katulad ni Monique. Mababaw man ang kasiyahan niya hindi matumbasan nito ang kaligayahang nararamdaman ko habang kasama ko siya.
“Inumin mo na ‘to. Sa airport na lang natin kainin ‘yan. I’ll buy you a drink there.”
“May pera naman ako. Bakit mo ba ako binibili ng mga ‘to. Hindi ako bilmoko, Ian.”
“I know. Hayaan mo na ako. Konting bagay lang ‘yan.”
Hindi ko naman alam kung paano ba magpasaya ng babae. Buying her stuff is what I know. Ganoon si Monique. Sa bawat pupuntahan kong lugar I must buy her jewelry or expensive luxury purses, clothes, or shoes. Iyon na ang nakasanayan ko for ten years. She likes all limited editions. Hindi nahuhuli si Monique sa lahat ng trending style. Mahalaga ang bawat sentimo na kinikita ko. Sa mga oras na iyon mas mahalaga na makita kong masaya si Monique thinking of what she’ve been through.
Akala ko sapat na iyon. Ni hindi ko namalayang ginagamit niya lang pala ang kabaitan ko. I did not regret saving her from the hell she had been. Hindi ko rin binigyan pansin ang paminsan lang nitong pagsiping sa akin. Iyon pala may lalaki siyang iba.
Hindi man kami ang nagkatuluyan minsan sa buhay ko may nagawa akong tama. Kung nakinig sana ako kay nanay. Sana hindi ako nasaktan ng ganito. However, Aria healed me. Sa loob ng isang araw pinaghilom niya ang sakit na nararamdaman ko. Pinatawad ko na si Monique. Hangad ko na maging masaya sila kung sino man ang lalaking pinagpalit niya sa akin.
“Save your money, Ian. Hindi sa lahat ng oras na sa’yo ang lahat.”
May pait sa mga binitawan niyang salita. I know what she meant. I have lived in the slums half my life. Alam ko kung paano mamuhay na isang kahig isang tuka. Ni hindi ko nagawang makapagtapos mag-aral noon dahil kailangan ko ng magtrabaho para maipagamot ko si Inay.
“I’ll take that as advice.”
“Isasauli pa natin itong sasakyan mo. We should leave now.”
“Anim na oras pa bago ang boarding time. I want to take you somewhere close to my heart. Dinala ako ni Inay doon noong bata pa ako.”
“Aren’t we leaving at eleven?”
“Delayed ang flight natin.”
“Delayed ba? Saan mo naman ako dadalhin?”
“Secret. Kailangan kong piringan ka,” wika ko.
“Bakit kailangan blind folded pa?”
“’Wag ka ng umangal. Malapit nang magtakipsilim. We are going to miss it.”