KALAHATING ORAS ANG biyahe papapunta sa Castillo de Montjuic. Iyon ang pinakatanyag sa Barcelona to watch sunset. Dating military fortress ang Castillo. It’s about one hundred seventy-three meters above the city. Kitang-kita ang kabuuhan ng Barcelona sa tuktok noon. My mother took me there when I was a kid kaya pangarap kong tumira sa Barcelona dahil sa magagandang alaala namin dito ni Inay.
That was the time na hiniling ni Papa na bumalik kami sa piling niya. Iyon rin ang taon when my father asked my mother to be his mistress. Inay agreed dahil ang kapalit noon ay ang pagtanggap sa akin ng aking ama. But his wife was a monster. Hindi nagtagal nagpasya ang nanay ko na bumalik na lang kami sa Pilipinas.
Kahit na alam kong sinusuportahan kami ni Papa hindi iyon ginalaw ni Nanay. Ni isang sentimo hindi niya tinanggap. Nasaktan siya sa katotohanang alam nitong anak niya ako pero hindi ako nito tanggap. Lumaki ako na puno ng poot sa aking ama. Kaya ng binalita ng kapatid ko na patay na ito at pinamana sa akin ang lahat ng ari-arian niya hindi ko makapaniwala. ‘Bakit niya sa akin ipinamamana ang lahat?’ Tinanggihan kong akuin ang resposabilidad na inatang sa akin ni Papa. Lalo na nagdamay pa siya ng walang muwang na dalaga na ipakasal sa akin.
Hindi ako ganid katulad ng kapatid ko. Until now, palaisipan sa akin kung bakit hindi ito pinamanahan ni Papa. Siya ang paboritong anak at hindi ako. I was the illegitimate son at ang kapatid ko ang legal na anak.
“Ian, malayo pa ba. I’ll make you sleep sa floor kapag hindi ko nagustohan ang lugar na ‘to.”
“That is not going to happen,” I chuckled,”not happening, Aria.
“Hindi ako nagbibiro, Ian.”
“Yeah, you don’t sound like it.”
“Ano na? Malayo pa ba?’
” Limang minuto na lang.”
“Five minutes?”
“Yes, five minutes.”
Kinapa nito ang piring niya, then, she stretched her legs.”Ayoko nang nakapiring. I like watching the view. Bakit ba kasi kailangang naka blind fold pa. We are not on a blind date, are we?”
Natawa ako sa katwiran niya. Pasulyap-sulyap ako sa reaksyon ng mga labi niya habang patuloy ang pagreklamo nito sa piring niya. Saktong nag red light, so, I bend closer to her to give her a smack. Kanina pa ako hindi mapakali sa makailang beses na pagkagat ng labi nito. I kissed her, a sensual passionate one.
” Eyes on the road. Hands on your wheels, Ian.”
“Naka-red light,” sagot ko natatawa-tawa.
“Ian, ano ba? Seryoso ako. Kahit na red light. Eh, kung maaksidente tayo?”
“Then stop biting your lips, Aria. I can’t resist not to kiss you.”
“Sabi mo five minutes. It feels like half hour has passed.”
Pag-iiba nito ng usapan matapos ay tinalikuran ako. She acted like she was sightseeing blindfolded. I can see other drivers staring at me. Siguro akala nila sapilitan kong sinama si Aria.
“Malapit na, one block away. Magugustohan mo roon. I am sure you will.”
A couple minutes later, I parked the car matapos ay tinanggal ko ang piring ni Aria.
” Wow!” namamanghang sigaw nito. “What a scenic view!”
“See, I told you. You will like it here.”
“Ian!” Excited na tawag nito sa akin matapos ay tinuro ang cable car ‘di kalayuan sa parking lot. Are we riding that cable car there?”
Sumilay ang mga ngiti ko. Nagustohan niya ang lugar nasa paanan pa lamang kami ng castillo. ‘Mas matuwa kaya siya pagdating naming sa mismong lugar?’
“Yeap. Let’s go. Baka hindi natin maabutan ang paglubog ng araw.”
“Oh, so sweet of you, Ian.”
“Sabi ko sayo magugustohan mo.”
“Napakaganda nga.”
“Mas maganda sa tuktok nito, kasing ganda mo.”
“Bolero.”
“Promise, maganda ang Castillo de Montjuic. We have about half-hour to explore the castle grounds. Sakto lang sa paglubog ng araw.”
“How did you know magugustohan ko ang lugar na ‘to?”
“Judging from how you admired the ocean in front of my villa.”
Masaya akong makitang wagas ang saya sa mga mata at labi ni Aria. Hindi katulad kanina. Alam kong pinipilit niya lamang ngumiti para sa akin. Napakaganda ng tanawin sa tuktok ng castillo. Nag-aagaw ang liwanag at dilim kasabay ng mga kumikislap na ilaw na nanggagaling sa mga gusali. Maraming napakagadang architectural sites sa Barcelona. Narito ang mga pinakatanyag na arkitekto at architectural master pieces sa buong mundo.
Sunod-sunod ang kuha nito ng larawan while admiring the place. Kahit ako ang manghang-mangha pa rin kahit makailang ulit na akong nakapunta sa Castillo.
Nakisuyo ako sa isang Pinay na tourist guide para picturan kami ni Aria sakto sa paglubog ng araw. Ilalagay ko ang mga ‘yon sa album. Ang pinakamaganda ay ipapapinta ko sa kaibigan kong pintor. Tatawag ako sa bahay para ipasunog lahat ng mga gamit ni Monique pati na rin ang mga portraits niya sa bahay ko. Babalik ako sa Pilipinas na mayro’n bagong magandang alaala kasama si Aria. Papalitan ko ang lahat ng portraits ni Monique ng mga larawan naming dalawa. Maging ang mga larawan sa aking opisina pati na rin sa telepono at kumpyuter ko. After I processed my divorce with that woman na hindi ko kilala. Magtatapat na ako ng buo kong pagkatao kay Aria. She deserves to know who I really am at ano ang istado ko sa buhay.
” I never know there’s a prime spot to watch sunset in the city itself.”
“Sekreto ito ni Inay.”
“You shared me two secrets today. I have secrets to tell too pero hindi pa ako handa.”
“Then, tell me when you are ready. Don’t rush. Hindi ako magbabago sayo, pangako. Katulad mo, tinanggap mo ang paliwanag ko.”
“It’s a good start that we are true sa bawat isa, Ian.”
She took a few more sunset shots. Sunod-sunod rin ang kuha niya ng mga larawan ko. Then, she showed me some of her magnificent shots. I must admit, she has a hand with photography.
“Are you ready to hear my other secret?”
“Uhm. . .let me guess. Dinala rito ng tatay mo ang nanay mo?” Nakataas ang kilay nito habang nakangiti.
“Not exactly pero dito raw ako nabuo,” biro ko habang nakangiti.
“Ah, made in Barcelona ka pala.”
” Yeah, I am kaya siguro mahal ko ang lugar na ito. I feel at home. Ayon sa kuwento ni Inay, isinama raw siya ng lola at lolo ko rito. Nalingat ang mga magulang ni Papa kaya nabuo ako.”
“Kasal na ba ang Papa mo noon?”
“Hindi pa pero ikakasal na.”
“Arrange marriage?”
“Iyon naman ang uso sa mga may dugong bughaw o mayayaman sa Europa hindi ba?”
Natahimik si Aria sa sinambit ko. Tila malalim ang iniisip nito. Pakiramdam ko may nasambit akong hindi dapat. Out of curiosity, nagtanong akong muli.
“Ang mga magulang mo.”
“What about my parents?”
“Arrange marriage rin ba?”
“Yes, but they love each other. Even my ninong was arranged marriage too. Alam ko he’s in love with one of the maids sa mansyon nila. I don’t remember her name. Something with “M” that lady servant is so nice to me. I love her! Sana makita ko siyang muli. She’s like my Nanay Binday. Kaso may asawa na si ninong noon. Remember I told you about that boy that suddenly disappeared. Si Belissimo. Lola rin kasi ang tawag niya kay lola so I think--no, I am sure anak siya ng ninong ko,” she paused, curling her lips into a little smirk,”mas kamukha ni bellissimo si ninong kaysa—never mind. Where to next?”
” May sasabihin ka pa sana?”
“Never mind. Sabi mo ‘wag nang sambitin.”
“Okay, let’s head back down for the show.”
“Anong show?”
Hinila ko na siya pabalik sa sakayan ng cable car after taking some spectacular sunset view. Saktong madilim na. Marami ng taong nagkumpulan sa tapat ng fountain. I managed to squeeze us into a nice spot.
“Ano’ng mayro’n dito, Ian?”
“Just wait and see.”