“Oh? Bakit ka nakasimangot?” Ipinatong ko muna sa mesa ko ang kape na para sa akin, tapos ay ipinatong ko naman sa mesa ni Leslie ang kape na para sa kanya . “Uy! Tamang-tama… antok na antok ako. How much, sis?” Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Leslie sa bawat galaw ko, pero binalewala ko na lang. Wala rin ako sa mood na sagutin ang tanong niya. Tutal galing naman sa manliligaw niya ’yung kape. Naupo na ako sa upuan ko nang hindi sinasagot ang tanong ni Leslie. Nang itatabi ko na iyong maliit na bag na pinaglalagyan ng baon ko, naalala ko iyong mga cookies namin ni Leslie kaya inilabas ko ang mga ‘yun. Tahimik pa rin na inabot kay Leslie ‘yung isa. “Ay, okay na ako dito sa kape, friend,” nakangiti niyang sabi, ”baka di na keri ng budget ko kapag kasama ‘yang cookie.. Magkano ng

