CHAPTER 45 - SI BOYET, ANG KAPE, AT SI SUNGIT

2455 Words

Tamang-tamang nabakante iyong sa tapat na upuan kung saan ako nakapuwestong nakatayo. Dahil nga sa puyat ako kagabi, pakiramdam ko ay nanlalambot ako. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana sa buong biyahe ko. Marami akong iniisip. Maraming gumugulo sa isip ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung kakayanin ko pa ba? Ni wala pang isang buwan na namamatay ang mga magulang namin pero parang ang dami nang nangyari. Parang mauubos na ko, kasabay ng pagkaubos ng perang hawak namin. Kailangan kong magtrabaho. Kailangang may regular na papasok na pera sa amin para matustusan ko ang pangangailangan ng mga kapatid ko. Pero paano ang pangarap ko? Isasantabi ko muna? Lalo lang akong nalalayo sa estado sa buhay ni Brandon. Talagang hanggang tingin na lang ako sa kanya at wala ni katiting na pag-asa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD