Si Kimberly! Ako ang unang nakakita kay Kimberly dahil ako ang nakaharap sa gawi ng elevator, habang nakatalikod naman si Brandon sa direksyon nun. Pero hindi ko na kailangang sabihin pa kay Brandon kung sino ang dumating dahil lumingon na siya sa gawi ng elevator. Mabilis akong nilingon ni Brandon, pero hindi ako nagpakita sa kanya ng anumang emosyon. “Babe!” maarteng tawag ni Kimberly kaya muli niyang nakuha ang atensyon ni Brandon. Tuluyan nang humarap si Brandon sa gawi ni Kimberly. Bigla ko namang naalala ang bulaklak na nasa ibabaw ng mesa ni Ms. Cathy. Mabilis kong pinuntahan iyon at saka nagmamadaling inilagay sa ilalim na kabinet nung mesa. Maluwag naman doon dahil dalawang pares na nakakahon na sapatos ni Ms. Cathy lang ang laman nun. Sakto naman na nailagay ko na ang bu

