Alam ko namang wala ngayon si Brandon dito sa Verizon, pero kada bubukas ang salaming pinto nitong opisina ng HR Department, hindi ko mapigilan na hindi tingnan kung sino ang pumapasok sa pintuan. Ang pakiramdam ko ngayon, para akong nasa isang arranged date, na nate-tense sa pagdating sa ka-date ko dahil nauna akong dumating kaysa sa kanya. Tumuwid at umayos ako mula sa patamad kong upo. Nasa HR pa man din ako ngayon. Hay, Stella…akala ko ba level up ka na? Pang next version mo pa lang ito ng sarili mo, hindi mo na agad mapangatawanan? Lagi mo na lang isipin na bad influence sa iyo si Brandon. Ihalintulad mo na lang sa mga fantasy-romance na mga pelikula kung saan ang babae at lalaking bida ay hindi pwedeng maging sila. Hindi pwedeng magsama. Dahil may sumpa. May mangyayaring hindi

