Pinakatigasan ko ang leeg ko na huwag mapalingon sa sasakyan ni Brandon. Kung bakit naman kasi parang lagi akong sinusubukan ng tadhana kapag tungkol kay Brandon. Sandali, Stella. Sigurado ka bang ikaw ang binubusinahan? Huwag assuming, ‘noh? Pasimple akong lumingon nang bahagya sa likuran ko para silipin kung may kasabayan akong naglalakad, pero wala. Kaya confirmed na ako nga ang binubusinahan ng sasakyan ni Brandon. Muli kong narinig ang pagbusina. Kunwari ay hindi ko pa rin iyon narinig. Huminto ako at nagkunwari na may hinahanap sa loob ng bag ko. Mabuti naman at tuloy-tuloy lang sa pag-usad ang sasakyan papunta sa pinaka-building ng Verizon. Nang masigurado ko na nakalayo na ang sasakyan ni Brandon, ipinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa may entrance na laan p

