CHAPTER 72 - RUTH

1690 Words

Pagkalapit ni Brandon kay Dra Pecson ay agad niya itong hinila palabas doon sa kuwarto. Wala namang nagawa si Dra. Pecson kung hindi ang magpahila kay Brandon. Nang wala na sila sa paningin ko ay binalingan ko si Aira. Tatanungin ko sana siya kung ano pa ang kailangan niya, pero nakangiti siya sa akin na parang nang-aasar. Napamaang ako sa kanya. Kakagaling lang niya sa opera kahapon at ngayon pa lang siya nagising, tapos may lakas na agad siya ng loob na asarin ako? “Ano ‘yang ngiti na ‘yan, ha, Aira?” “Wala. Masama bang ngumiti kapag may nagbigay sa iyo ng flowers?” Inirapan ko si Aira. Kung hindi lang bagong opera itong batang ito, baka kinurot ko na sa tiyan ‘to. Umikot ako sa kabilang panig ng kama para kumuha ng bimpo. Binasa ko ito sa CR at saka pinatakan ng konting-konting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD