"Sa kanan!" sigaw ko kay Arthur.
Mabilis s'yang tumakbo sa direksyong sinabi ko. Nakakita kami ng baboy-ramo at nais namin iyong hulihin para sa darating na taglamig. Sinubukan namin iyong kornerin ngunit mabilis iyong nakatakbo palayo sa amin.
Bago pa tuluyang makalayo sa amin ang hayop ay mabilis na akong gumamit ng kapangyarihan. I started chanting. "Let the wind be thy weapon, and help me catch thy prey." Habang sinasabi iyon ay humahabol ako sa baboy-ramo.
Namuo ang hangin at inutusan ko iyon, komorte iyong bilang bow. Isang hanging palaso rin ang binuo ko at gamit ang sandatang iyon ay inatake ko ang hayop. Buong lakas na binitiwan ko ang palaso sa direksyon ng baboy-ramo. Ramdam ko pa ang paghiwa ng palaso sa hangin at mabilis iyong tumama sa katawan ng baboy-ramo.
Kahit paano ay nakaramdam ako ng awa nang tumumba sa lupa ang baboy-ramo. Mabilis na tinakbo ni Arthur ang kinaroroonan ng hayop, masayang nilapitan n'ya ang nahuli namin.
"Pang-ilang araw na pagkain din natin ito, Trey!" masayang bulalas ni Arthur. Hindi mawala ang ngiti n'ya nang buhatin ang baboy-ramo.
"Tama ka," sagot ko. "Hindi na nnatkailangang makipagsapalaran dito sa gubay kapag dumating ang panahong iyon."
Masiglang naglakad kami pabalik sa kinalalagyan ng mga gamit namin. Kinuha ni Arthur ang malaking tela at ibinalot doon ang nahuling hayop. May kalakihan ang baboy-ramo at hindi ko pa rin mapaniwalaan na nahuli namin ang hayop. Minsan lang naman may nagagawing baboy-ramo rito sa kagubatan ng Black Hollow, kadalasan ay kailangan pa naming tumawid sa kabila ng ilog para makahuli ng mga tulad niyon. . . . . . . . . . . .
unedited chapte r will finish 3 chapters . . . . . . . Sorry my files were all deleted yesterday due to laptop malfunction. .