Chapter 4
Ang Kasiyahan sa Sentro
Arithrea’s POV
May problema ba kami? May nagawa ba akong
masama?
Mga
huling inisip ko bago pa man ako sumunod sa kanila sa Sentro. Umiling nalang
ako sa pinag-iisip at baka guni-gini ko lang ang lahat at nag-ooverthink. Nang
makarating ako sa Sentro ay masayang nag iinuman ang mga tao at nag-uusap.
Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapi si Arthur at sina Mama at Papa.
“Treya!
Halika at sumayaw tayo!” aya sa akin ni Charice ng magkatama ang mga mata
naming dalawa. Ngumiti lamang ako at umiling ngunit mapilit ito at lumapit sa
akin, bitbit ang alak na iniinom n’ya sabay hawak sa braso ko.
“Ano
ka ba, magsaya tayo!” dagdag pa nito. Naamoy ko ang tapang ng alak sa kanyang
bibig habang nag sasalita.
“Lasing
ka na Charice. Dahandahan lang sap ag laklak ng alak.” Sagot ko dito.
Pinapadyak pa nito ang mga paa sabay sabing …
“Inom
ka!” sabi nito sabay alay sa akin ng bason a bitbit n’ya.
“Oo,
babalik ako sayo mamaya. Hinahanap ko pa si Arthur. Nakita mo ba s’ya?” Tanong
ko rito. Tumango ito sabay turo sa direksyon ng simbahan.
“Dun,
kausap ata si Esther.” Huling sabi nito bago kinalas ang kanyang mga kamay sa
aking braso at umupo sa lames ana kaharap namin. Nagpasalamat ako sabay alis at
tumungo sa direksyon na tinuro ni Charice… sa may simbahan.
Medyo
may kalakasan ang tugtog ng musika at ang mga boses ng mga tao na nagsasaya. Ng
malapit na ako sa pintuan ng simbahan ay may narining akong dalawang boses na
nag uusap pero hindi ko eto masyadong maintindihan. Naisip ko at baka si Arthur
ikaya tinawag ko ang kanyang pangalan.
“Arthur,”
sabi ko.
Naglakad
ako palapit pa at tinawag muling ang kanyang pangalan.
“Arthur!”
Ngunit
walang sumasagot. Bigla din natahimik ang mga nagbubulungan na narinig ko
kanina.
Pumasok
na ako sa pinto at nakitang wala namang tao. Napakamot nalang ako sa ulo at
umalis. Nasaan na kaya si Arthur?
“Treya!”
rinig kong tawag s aakin kaya mabilis akong lumingon dahil kilala ko ang boses
na iyon.
“Arthur!
Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap.” Bungad ko sa kanya ng makalapit na
ito.
“Ahh,
dun lang, hinanap ko mga kaibigan ko.” Sabi pa nito at nginitian ako. Sandali
akong napa-isip at nakitang galing ito sa direksyon ng simbahan.
Baka
guni-guni ko nga lang. Isinawalang bahala ko nalang ito at tinignan s’ya sabay
ngiti ng malapad.
“Tara,
sayaw tayo!” aya ko dito sabay hila patungo sa sentro ng mga nag sasayawan.
Halos
nagpupumiglas pa ito ng ayain ko kaya naman natatawa ko s’yang hinihila dahil
ayaw n’ya talaga ang sumayaw. Ng marating naka pwesto na kami ay sumayaw at
tumatalon ako sa tugtog ng musika. Masiglang inaya ko s’yang galawin ang
kanyang mga kamay at saka naman ito tumalon talon at saka napatawa. Nakangiti
na ngayon si Arthur kaya napatitig lang ako dito habang sumasayaw kaming
dalawa. Eto ang isa sa mga bagay na nakapagpahulog ng loob ko sa kanya noon pa
man. Mga ngiting nakakalunod.
“Arthur,
Treya!” rinig kong sigaw sa may kanan. Napatingin kami dito pareho at nakita
sina nanay at tatay na masayang nag aaya sa amin na pumunta sa kanila. Tumigil
kami sa pagsasayaw at sabay na naglakad patungo sa direksyon nila.
“Kumain
muna tayo mga anak,” aya ni mama.
"Nakita
ko si Krado lasing na lasing na," komento pa ni papa na nakingiting
umiiling.
"Nako
hayaan mo na at pansamantala lamang ang kasiyahan na ganito," sabat naman
ni mama kay papa.
"Oo
nga pa, baka ikaw din mamaya eh ma lasing din ah," nakangiting dagdag pa
ni Arthur.
"Nako,
edi talagang bubuhatin mo ako pauwi kung gayon nga," natatawang sabi pa ni
papa sabay tapik sa braso ni Arthur bago umupo.
napa
iling nalang din s'ya sa sagot ng papa. umupo naman ito sa tabi ko at kami ay
nag salo-salo.
“Balita ko kasama sa mga mandirigma ang prinsipe! Sana naman ay dumaan sila dito sa ating bayan!” kilig na kilig na sabi ng babaeng katabi ko, si Anne.
Sumabay na kasi sina mama at papa sa mga kaibigan nila at umiinom. Si Arthur naman ay nasa unahan, masayang nag tatawanan kasama ang mga kaibigan n’ya.
“Ano ka ba, kung nasaaan sila, andun ang digmaan! Gusto moa ta na may gyerang mangyari dito sa atin.” Sagot ko naman sa kanyang pantasya.
“Nako ang sungit! Kj mo naman Treya,” nakangusong sabi ni Anne. Kaming dalawa lang ang magkatabi ngayon dahil ang ibang kaibigan naming ay sumasayaw at ang mga lalaki naman ay nag hahanap ng Kapuso. Kilala naman naming lahat ng tao dito sa bayan, mas konti lang ang mga babae dito at mas marami ang mga matatanda.
“Kamusta na ba kayo ni Arthur?” tanong nito, pag-iiba ng topic.
“Okay lang naman kami,” sagot makalipas ang ilang minuto. Napa-isip kasi ako, para kasi talagang nag iba ang pag trato ni Arthur sa akin ngayon at parang may mabigat na problema itong dinadala.
“Nako, kung wala ka pang jowa ngayon eh malamang, pagpapantasyahan mo din ang prinsipe!” sagot nito muli.
Pinagpapantasyahan na naman niyo ang mukha ng prinsipe na hindi naman naming nakita simula pa ng nabuhay kami sa mundong ito.
Medyo may kalayuan ang lugar ng Kapitolyo, ilang araw din na byahe iyon at hindi naman safe ang daan dahil na sa mga balitang nagsisilabasan na mga bandits ko magical creatures na itim. Mga alagad ng demonyo. Mas hindi ito safe lalo na sa mga walang kapangyarihan gaya ng ibang tao dito sa Black Hollow.
“Alam mo, kung may kapangyarihan ako kagaya mo, nasa kapitolyo siguro ako ngayon,” naka tingin sa langit na sabi ni Anne. Napa tingin din ako sa taas… Umaambon, isip-isip ko. Ilang oras nalang ay mapuputol na ang kasiyahan dito sa sentro sa nagbabagang ulan.
“Hindi naman kailangan ng kapangyarihan para makpunta sa kapitolyo, isa ka namang artistic individual, im sure may trabaho kang makukuha doon. Masyadong delikado ang napakalaking responsibilidad.” Sagot ko dito.
Totoo naman kasi, pag ikaw pupunta sa kapitolyo at may kapangyarihan, matatahasan kang maging isang sundalo.
“Ay nako ewan ko na talaga! Oh, si Arthur ay lasing na yata!” sabi ni Anne sabay turo sa direksyon ni Arthur na nakatayo pero tila matutumba naman.
Tumayo na ako at nagpa-alam kay Anne na pupuntahan muna si Arthur.
Inalalayan ko s’ya hanggang sa makuwi kami. Naka akbay naman ito sa akin at nakapikit ang mga mata.
Narating na naming ang bahay at pinahiga s’ya sa sofa…
Umupo ako sa tabi nya saka hinimas ang kanyang gwapong mukha na mahimbing na natutulog.
Masaya ako na nakilala ko sila ni mama at papa, pati s’ya. Hindi man nila ako kadugo ay tinuring parin akong totoong pamilya.
I love you, Arthur… Mahal na mahal kita.