REAGAN MAGKAKAHARAP kami sa laboratory ni Dr. Martinez. Ngayon kasi lalabas ang DNA result namin ni Wyler. Ngayon ay magkakaalaman kung anak ko nga ba ito o hindi. Ito ang napagkasunduan namin ni Stella para sa ikapapanatag naming dalawa ni Luna. Ako ang kumuha ng mga samples sa amin ni Wyler. Ako ang pumili ng laboratory kung saan dadalhin ang mga iyon at ako rin ang nagdala mismo rito sa lab para masigurong walang magic na mangyayari. Base kasi sa pagkakakilala ko rito ay alam kong kailangang mas maging maingat ako this time. Mag-iisang oras na kaming naghihintay at hindi na ako mapakali. Hindi sa ayaw kong angkinin ang bata. Aaminin kong may nararamdaman akong kakaiba dito, siguro ay iyon ang tinatawag na lukso ng dugo. Idagdag pa na nasa harapan ko na mismo ang ebidensya dahil para

