REAGAN HINDI ako makatulog. Biling-baligtad ako sa kama dahil hindi mawala sa isip ko ang batang bigla na lang lumapit sa amin kanina ni Luna. Sa totoo lang ay natigilan ako at totoong nakuha ng bata ang buong atensyon ko, dahil parang nakita ko ang sarili noong ganoong edad ako. Pero imposble! How come na magiging anak ko iyon samantalang wala naman akong nabuntis na babae? Inisip ko na lang na baka napagkamalan lang ako nito. Na baka kamukha ko lang ang Daddy ng batang 'yon at inakala lang na ako kaya biglang lumapit sa amin. Pero bakit hindi ako mapakali? Parang may nagbubulong sa akin na hindi lang basta pagkakamali kaya ako nilapitan ng batang 'yon? Nang sa tingin ko ay talagang hindi na ako dadalawin ng antok, bumangon ako at lumabas ng kwarto namin ni Luna. Maingat ang naging pag

