LUNA "SWEETHEART, come on, hurry! Late na tayo. Baka nag-u-umpisa na ang concert pagdating natin." Mula sa kwarto naming mag-asawa ay dinig ko ang boses ni Reagan. Sa tingin ko ay nasa bungad ito ng hagdan pababa. Nauna kasi itong lumabas ng kwarto namin. Ako naman ay hindi pa tapos mag-ayos. Napangiti ako dahil walang bakas ng pagka-inip sa tono nito. Isang huling sulyap pa ang ginawa ko sa sarili sa harap ng salamin. Suot ko ang regalo niya sa aking halter peach dress na hanggang tuhod ang haba. Ang mahaba kong buhok ay ipina-tirintas ko kay Arra kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti sa repleksyong nakita ko sa salamin. Mukha akong kinse anyos at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Reagan mamaya kapag nakita ang ayos ko. Sa paa ko ay isang flat sandals na halos kakulay din ng dami

