ALA UNA ng madaling araw nang ilabas si Luna sa operating room. Sa tulong ng nurse na si John---ang nurse na nakatalaga sa akin, ay nagawa kong lumipat sa kabilang kwarto kung saan inilipat si Luna matapos ang operasyon. Natawagan ko na sina Mayang at Oliver at sinabi ng mga itong mag-e-empake na kaagad para mapuntahan kami rito sa Sorsogon. Nagpapasalamat ako dahil mga totoong kaibigan talaga ang mga ito. Na kahit kailan hingan ng tulong ay talagang hindi ipagkakait ang mga sarili. Sobrang swerte naming mag-asawa sa mga ito. At isa lang ang sigurado ako, sisiguraduhin kong makakabawi rin kami sa kanila para sa mga kabutihang ginawa nila sa aming mag-asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ligtas na kami ni Luna. Kanina kasi ay sinabi ko na sa sarili na kung hindi ako

