"THOR," ANAS KO nang akmang hubarin niya ang damit ko. "What's wrong?" aniya. "Mali yata ang ginagawa natin." "There's nothing wrong, Yvette. Magiging mali kung pipigilan mo ang sarili mo, ang damdamin mo," sagot niya sa akin. "P-paano kung mabuntis agad ako?" "Don't worry, tweetums.." May kinuha siya sa wallet niya. Napalunok ako nang makita ang maliit na sachet, pamilyar ako doon kasi nakakita na ako niyan sa ilang kaklase kong mapagbiro. Pinagpapasa-pasahan pa nga nila kapag wala ang propesor namin. "T-Thor, paano kung may butas 'yan? Tapos–" "Ssshhh," putol niya sa sasabihin ko. "It's impossible, tweetums. Proven and tested na ang brand na 'yan. Kaya, 'wag kang mag-alala. Okay?" Pinisil niya ang braso ko pagkuwa'y hinalikan iyon. "P-paano kung malaman nila Mama at Papa ito.